Aired (May 11, 2025): Mga hog raiser sa Virac, Catanduanes labis na nalugi sa nakaraang outbreak ng ASF sa probinsya. Para sa buong kuwento, panoorin ang video!
‘Born to be Wild’ is GMA Network’s groundbreaking environmental and wildlife show hosted by resident veterinarians Doc Nielsen Donato and Doc Ferds Recio. #BornToBeWild #GMAPublicAffairs #GMANetwork
Watch it every Sunday, 9 AM on GMA
Network. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.
‘Born to be Wild’ is GMA Network’s groundbreaking environmental and wildlife show hosted by resident veterinarians Doc Nielsen Donato and Doc Ferds Recio. #BornToBeWild #GMAPublicAffairs #GMANetwork
Watch it every Sunday, 9 AM on GMA
Network. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.
Category
😹
FunTranscript
00:00Ang malawakang problema sa agrikultura, hindi lang tuwing bagyo nasa Salanta.
00:09Sa katunayan, buong bansa ang binabantayan.
00:15Sa African Swine Fever o ASF na maaring umubos sa populasyon na mababoy kapag di naagapan.
00:21Dagdag pa rito ang pasakit sa mga magsasaka dahil sa Rice Tungro, Spherical Virus o Tungro na kadalasang umaatake bago anihin ang palay.
00:36Hindi man nakikita ng mata ang mga kalaban, nagdadala naman ito ng matinding pagkalugi sa kabuhayan.
00:42Naitala ang pinakaunang kaso ng African Swine Fever o ASF sa Pilipinas taong 2019.
00:59Isa itong viral disease o sakit sa mababoy.
01:02Ilan sa sintomas ng ASF ay ang pamumula ng balat, matinding lagnat, pagsusuka at biglaang pagkamatay ng mababoy.
01:12Tinatayang nasa mahigit isang daang bilyon ang direct loss o pagkalugi sa industriya ng karneng baboy dahil sa ASF.
01:21Ang isla na daanan ng matitinding bagyo hindi rin nakaligtas sa pagpasok ng virus.
01:27Nakilala ko si Nanay Rosa. May higit tatlong dekada na siyang nag-aalaga ng baboy.
01:41Siguro, yan ang kasiyahan ko sa baboy. Nagbibigay baga sa atin ang saya. Kinakausap ko yan. Minsan sabihin mo, good morning.
01:51Sasagot yan, ik-ik. No. Siyempre, masiya ka na.
01:56Kaya labis ang kanyang panlulumo ng tamaan ng ASF ang lambing lima sa kanyang mga alaga.
02:03Isa pa, nanghihinayang ka. Ilang buwan mo nang pinalaki, mga apat na, tatlo, lima. Tapos ganyan lang ang mangyayari.
02:12Ang kanyang lugi, umabot daw ng mahigit limampung libong piso.
02:18Isa siya sa mahigit isandaang hog racers ang naapektuhan ng ASF outbreak noong nakarang taon.
02:24Para masolusyonan, kinapatay at inilibing ang mga apektadong baboy para hindi umano ito makapanghawa.
02:44Ano ang naging response nyo dito?
02:47De-population, tsaka yung biosecurity, yun na lang ginawaan namin. Tapos nag-disintect sa mga premises.
02:55Ang mga baboy at karne, hinaharang at sinusuri rin kada checkpoint.
03:00Ang katanduanes, islayan ano. Parang hindi siya mabilis pasukin ng mga sakit-sakit.
03:05In spite of that, tinamaan pa rin kayo ng ASF.
03:08Prone kami dito kasi madaming biyaheros na galing dun sa main lamb.
03:13Yung mga biyahero na yan, iba-ibang port of entry nila.
03:16Tapos yung biosecurity, hindi ganun kahigpit.
03:20Hindi naman. Kasi may mga munisipyo naman nagbabantay dyan sa port.
03:25During the outbreak ng ASF, halos wala na kayo magawa. Parang pag tinamaan, dire-diretso na yan.
03:32Dire-diretso.
03:32Pag nag-positive, pinapadala namin sa REDDL kasi meron naman kaming pang rapid test.
03:37Pag nag-positive, direktya dyan sa REDDL. Yun ang magkukonfirm na talaga ang positive.
03:41Tuwing matamlay ang baboy, kumukuha sila ng dugo sa mga baboy para malaman kung ito ay positivo sa ASF.
03:51Ito yung typical kit nila for drawing blood from the pigs to test for ASF.
03:58Iba ang tackle box or medicine box sa swine.
04:03So, ang laman, ito yung pig catcher nila.
04:07Very strong itong kawad na ito.
04:09Ilalagay ito sa snout.
04:11Sir, nadi-disinfect naman ito parati.
04:13So, dito ilalagay yung needle.
04:14Ipapuncture yan dun sa jugular vein.
04:18Tapos, pag nakaset na yun, itong mga blood containers na ito, vacuumized yan.
04:23Tutusok mo na lang yun doon.
04:25Before we do that, we need to wear some PPEs.
04:32Ang ASF ay hindi nakakahawa sa tao.
04:35Pero, maaari makuha nito ang malusog na baboy kapag pinakain ng infected pork meat
04:41o tinatawag na swill feeding.
04:46Para masuri, isa-isa kong kinunan ng dugo ang mga baboy.
04:50Prepare your ears kasi masyadong mareklamo yung mga baboy, ano?
05:01Abangan mamaya.
05:04Sa Virac at Anduanes,
05:06pinararami ng gobyerno ang mga baboy
05:08na kanilang libreng ipinaminigay kapalit
05:11na mga nagpositibong ASF.
05:13Kaya regular na may blood testing ang mababoy roon
05:18para masigurong negatibo sila sa ASF.
05:25Isa-isa na naming inilagay sa rapid test kit
05:29ng Provincial Veterinary Office ng Virac
05:32ang mga nakolektang dugo.
05:33Mababoy na aming sinuri
05:40negatibo sa ASF o African Swine Fever.
05:45Nakahinga tayo.
05:47So, that's good.
05:49And sana tuloy-tuloy na yun.
05:52Yung pinunta nating barangay na may baboy,
05:55ano nila yun eh, for dispersal nila.
05:57And pagka napaanak nila yun,
06:01yun yung mga biik nun,
06:02yun ang bibigay nila dun sa mga barangay.
06:05Ang pinaka-dain ko sa gobyerno natin,
06:08tulungan man kaming mga mahihirap na magbababoy,
06:12lalo na sa bakuna.
06:14Pero, hindi lang virus ng ASF ang kanilang problema.
06:20Aside from Katanduanes being hit by numerous typhoons,
06:24ASF, meron din silang kinakaharap na iba pang mga problema,
06:30tulad na lang sa agrikultura.
06:33Nagulat ako sa aking nadatnan.
06:36Sanay ako makakita ng healthy na rice fields,
06:39dahil makita mo, pantay-pantay yung tubo ng palay.
06:43Pero dito, makikita mo na bako-bako yung itsura niya.
06:48Dahil ito ay ang rice field na tinamaan ng tinatawag nilang tungro.
06:54Ayon sa magsasakang si Tatay Artemio,
06:57problema nila ang rice tungro spherical virus
07:01na umaatake at sumisira sa kanilang palayan.
07:04Paano yung mga kapitbahay nyo na palayan,
07:07tinamaan din sila?
07:08O yung yan sa kabilang yan, tinamaan din niya?
07:11Sa buong buhay nyo ng pagtatanim ng palay,
07:14nakaranas na kayo ng mga ganitong problema.
07:19Ngayon pa lang po.
07:19Ang rice tungro spherical virus ay ikinakalat na may insekto
07:24gaya ng green leaf hopper.
07:27Mula sa 80 sako na ani ng palay,
07:31halos 20 sako na lang ang kanilang ani.
07:36Kapag lumalabat na yung bunga, parang wala na pong laman.
07:40Kapag may sakit ang palay,
07:42naninilaw ang dahon nito at pabagsak ang tubo ng halaman.
07:46Sa mga palayan, ang pinakadeterminant is hindi yung population din
07:51ng green leaf hopper kung hindi amount ng tungro virus doon sa area.
07:56So kahit marami siyang green leaf hopper,
07:58pero yung virus na present is predominantly,
08:01so yung tungro disease, hindi siya mag-iexpress.
08:04Pero kung present yung dalawa,
08:06tapos present din yung green leaf hopper,
08:09mas marami din population.
08:10Mas magiging pronounced yung sintomas.
08:12Mabilis raw ang pagkalat ng virus na ito sa mga halaman.
08:17Kung ang palay mo ay tabi-tabi,
08:19tapos susceptible sa tungro yung magkakatabi rin palay,
08:23ibig sabihin wala nang kikitain yung farmer.
08:26Sinong hindi madidismaya na farmer
08:28pagka ganito ang itsura ng pananim mo, no?
08:30Biro mo, tinanim nyo ito with love.
08:33Gigising sila maaga,
08:34tapos ito lang ang hinihintay nila, no?
08:37The day of harvesting,
08:39pag nakita nilang ganito,
08:41ang sakit niyan.
08:43Kapag dismaya nga dito,
08:44pumupunta ko dito,
08:46umpisa nito maganda.
08:48Tapos yung malapit na bumunga,
08:50mabumunga,
08:50ganito na lang ang nakita ko,
08:52parang hindi na pumupunta dito.
08:54Parang nawalan ka na ng gana?
08:55Parang walang gana.
08:56Dahil dito lang kukumukuha ng pangkatrabaho
08:58sa nakukuha kong palay dito.
09:01Sa tala ng Department of Agriculture,
09:04halos dalawang dekada nang namiminsala
09:06ang virus na ito sa mga palay.
09:08Kasi ang kinokontrol talaga natin
09:09yung pagdami ng Greenleaf Hopper.
09:12Kasi yung virus nakadepende lang naman dun sa kanya.
09:14Ang last na approach is chemicals, no?
09:17Systemic yung gagamitin na insecticides.
09:20Sa lokasyon ng Katanduanes,
09:23isa ito sa frontline
09:24o unang tinatamaan ng malakas na bagyo.
09:27Bukod dito, kapag nagkaroon ng outbreak
09:31dahil sa ilang virus,
09:33mapahayop man o halaman,
09:35apektado halos buong isla.
09:38Sa pagharap sa mga problema,
09:40hindi matatawaran ang tibay ng loob
09:42ng mga taga-Katanduanes.
09:45Kaya malaki ang papel
09:46na ginagampanan ng mga opisyal
09:48ng gobyerno para sa agarang pagbaba.
09:51Maraming salamat sa panunood ng Born to be Wild.
09:54Para sa iba pang kwento,
09:55tungkol sa ating kalikasan,
09:58mag-subscribe na
09:59sa GMA Public Affairs YouTube channel.