Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/25/2025
Mahigit pitong oras na lang at tuluyan nang isasara ang kabaong ni Pope Francis. Hudyat ng pagtatapos ng public viewing sa kaniyang mga labi. Kaya naman lalong buhos ang mga nakikiramay sa St. Peter’s Basilica. Halos 130,000 tao na ‘yan mula ng unang araw ng viewing, at nadaragdagan pa sa mga oras na ito. At hindi lang dito sa Vatican ang paghahanda para sa libing bukas, kundi maging sa Basilica of St. Mary Major kung saan nanguna sa panalangin si Luis Antonio Cardinal Tagle.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00St. Peter's Basilica
00:30Mula ng unang araw ng viewing at nadaragdagan pa sa mga oras na ito.
00:38At hindi lang dito sa Vatican ang paghahanda para sa libing bukas kundi maging sa Basilica of St. Mary Major kung saan nanguna sa panalangin si Luis Antonio Cardinal Tagle.
00:50Ang punto na paglalagakan sa People's Pope, Sulia Panpo, sa pagtutok ni J.P. Sorian.
00:55Dahil huling araw ng public viewing, lalong halos walang patid ang buhos na mga nais masilip at magpugay sa mga labi ni Pope Francis.
01:09Alas 5 na madaling araw pa lang ay binuksan na ang St. Peter's Basilica kung saan siya nakalagak.
01:16Matapos lang ng tatlong oras na pagsasara, alas 2.30 na madaling araw.
01:21Mula ng unang araw ng public viewing ay halos 130,000 tao na ang dumaan sa Basilica para magpugay sa People's Pope.
01:32Lahat nagteis kahit pamaginaw at inaabot ng hanggang apat na oras ang pila sa ilang punto.
01:37Inaasahang madadagdagan pa sila, lalo na sa mga galing sa Kitali ngayong Biyernes dahil sa holiday roon.
01:45Marami rin ang hahabol dahil alas 8 ng gabi rito o alas 2 na madaling araw oras sa Pilipinas ay isasara na ang ataol ni Pope Francis.
01:55Ang right of ceiling of the coffin, pangungunahan ni Kevin Cardinal Farrell, ang Cardinal Camerlengo o mamamahala sa Vatican habang sede vacante o vacante pa ang posisyon ng Santo Papa.
02:12Pero bago pa yan ay naghahanda na ang Basilica of St. Mary Major kung saan ililibing ang Santo Papa bukas.
02:20Doon ay pinangunahan ni Luis Antonio Cardinal Tagle ang pangapat na gabi ng pagdarasal ng Rosario.
02:28Binanggit din doon ni Cardinal Tagle na ipanalangin ang kaluluwa ni Pope Francis at ipaubaya ito sa mga kamay ng Salus Populi Romani
02:37ang imahe ng Birheng Maria na nasa Basilica kung saan laging nagdarasal si Pope Francis noong nabubuhay pa siya.
02:46Ilalagak ang labi ng Santo Papa sa isang puntod na gawa sa Marmol na mula sa Italian region na Liguria kung saan mula ang lolo't lola ni Pope Francis.
02:58Ibinili niya yan, gayon din ang pagtiyak na nasa lupa ang puntod na dapat ay simple lang at walang ornamentasyong maliban sa katagang Franciscus na latin ng kanyang PayPal name.
03:12Bago ihimlay roon ang labi ng Santo Papa ay may funeral mass muna sa St. Peter's Square bukas
03:19na siyang tanda ng simula ng Novembiales, ang tradisyon ng siyam na araw na pagluluksa at mga misa para sa kaluluwa ng Santo Papa.
03:28Magsisimula ang misa alas 10 ng umaga sa Vatican o alas 4 ng hapon, oras sa Pilipinas bukas.
03:36Inaasahang tatagal ang funeral ng mahigit dalawang oras.
03:40Sa linggo ng umaga naman, bubuksan sa publiko ang puntod ng Santo Papa.
03:44Sa gitna ng paghahanda ay isinagawari ng College of Cardinals ang ikatlo nilang General Congregation
03:52kung saan nanumpa na sila kaugnay ng pagiging sikreto ng magaganap sa conclave o yung pagpili lang susunod na Santo Papa.
04:01May iba na rin na pagkasunduan bagamat hindi patiya ang eksaktong petsa ng conclave na posibleng masimulan bago ang May 6.
04:10Para sa GMA Integrated News, JP Soriano, nakatutok 24 oras.

Recommended