-Mga nakaparadang motorsiklo, tinangay ng rumaragasang tubig kasabay ng malakas na ulan
-2 lalaking nagbebenta umano ng illegal drugs, arestado; P578,000 halaga ng umano'y shabu, nakumpiska/ 2 suspek, itinangging nagbebenta sila ng illegal drugs
-10 sangkot umano sa hazing kabilang ang 4 na menor de edad, arestado/ 2 biktima ng umano'y hazing, nagpapagaling sa ospital/
6 sa mga suspek, inaming dumaan sila sa parehong initiation rites/ 4 na menor de edad, nasa kustodiya ng municipal social welfare and development
-Mga nagwagi sa ilang posisyon sa ilang lugar sa Luzon, naiproklama na
-Ilang Sparkle artists, nagwagi sa ilang posisyon ngayong Eleksyon 2025
-Takit Bersamin at Anne Bersamin, waging governor ng Abra/ Governor-elect Bersamin, tumawag kay Baguio City Mayor Magalong para magpatulong sa peace and order ng Abra/ Pagresolba sa peace and order ng Abra, makatutulong daw para palakasin ang ekonomiya ng probinsya/ Abra Provincial Hospital, balak ni Governor-elect Bersamin na gawing tertiary level sa kanyang unang taon/ Abra Police: Generally peaceful ang Eleksyon 2025 sa probinsya
- llang panalong kandidato sa lokal na posisyon, hindi pa ipinoproklama dahil sa suspension of proclamation ng COMELEC
-6, sugatan sa karambola ng bus, UV Express at motorsiklo/ Pasahero sa NAIA 1, naantala ang biyahe dahil sa hugis-baril na laruang nakuha sa kanya
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
-2 lalaking nagbebenta umano ng illegal drugs, arestado; P578,000 halaga ng umano'y shabu, nakumpiska/ 2 suspek, itinangging nagbebenta sila ng illegal drugs
-10 sangkot umano sa hazing kabilang ang 4 na menor de edad, arestado/ 2 biktima ng umano'y hazing, nagpapagaling sa ospital/
6 sa mga suspek, inaming dumaan sila sa parehong initiation rites/ 4 na menor de edad, nasa kustodiya ng municipal social welfare and development
-Mga nagwagi sa ilang posisyon sa ilang lugar sa Luzon, naiproklama na
-Ilang Sparkle artists, nagwagi sa ilang posisyon ngayong Eleksyon 2025
-Takit Bersamin at Anne Bersamin, waging governor ng Abra/ Governor-elect Bersamin, tumawag kay Baguio City Mayor Magalong para magpatulong sa peace and order ng Abra/ Pagresolba sa peace and order ng Abra, makatutulong daw para palakasin ang ekonomiya ng probinsya/ Abra Provincial Hospital, balak ni Governor-elect Bersamin na gawing tertiary level sa kanyang unang taon/ Abra Police: Generally peaceful ang Eleksyon 2025 sa probinsya
- llang panalong kandidato sa lokal na posisyon, hindi pa ipinoproklama dahil sa suspension of proclamation ng COMELEC
-6, sugatan sa karambola ng bus, UV Express at motorsiklo/ Pasahero sa NAIA 1, naantala ang biyahe dahil sa hugis-baril na laruang nakuha sa kanya
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Music
00:00Tinangay ng ragasan ng tubig ang mga motorsiklong yan sa barangay San Jose Rodriguez, Rizal.
00:13Nangyari yan sa kasagsagan ng eleksyon.
00:16Kwento ng kumuha ng video, nakaparada sa harap ng Rodriguez Heights Elementary School ang mga motorsiklong inanod.
00:22Ayon sa pag-asa, thunderstorm ang dahilan ng biglang buhos ng ulan sa lugar noong lunes.
00:30Arestado ang dalawang lalaki sa Marikina dahil umano sa pagbibenta ng iligal na droga.
00:35Todo tanggi ang mga suspect na dati nang nakulong sa parehong asunto.
00:39Ang mainit na balita hatid ni EJ Gomez, exclusive.
00:46Gabi nitong May 12, araw ng eleksyon, sinugod ng mga operatiba ng Marikina Police,
00:52ang isang madilim na bahay na ito sa barangay Fortune.
00:55Dito nila na-corner ang dalawang lalaking tulak umano ng iligal na droga.
01:01Ito pong ating mga suspect ay kabilang po sa Unified Watch List ng PNP at PIDEA listed po as a high value individual.
01:10Nakumpis ka ng pulisya mula sa mga suspect ang walong pakete ng umano'y shabu
01:14na tumitimbang ng humigit kumulang 85 grams at nagkakahalaga ng 578,000 pesos.
01:22Sa anti-Polo Rizal daw nang gagaling ang supply ng droga ng mga high value target ayon sa pulisya.
01:28Matagal na po itong talagang minamatsyagan at nagsasagawa ng surveillance yung ating mga operatiba sa ating dalawang suspect.
01:36At isa po rito ay residente po ng Marikina at isa po rito ay residente po ng San Mateo Rizal.
01:46Itinanggi ng mga naaresto na nagbebenta sila ng iligal na droga.
01:49Di rin daw sila magkakilala.
01:52Itananim lang po sa akin yun. Wala po kong alam dun.
01:55Di po ako nagbebenta yan. Magamit lang po ko yan.
01:58Di po ako nagbebenta ng droga. Hindi ko po hawak yun. Hindi ko po sa akin nakuha yun.
02:02Sa records ng pulisya, dati nang nakulong si Alias Bordek sa San Mateo Rizal noong 2022 dahil sa droga.
02:10Gayun din si Alias Engol sa Marikina noong 2021 sa parehong kaso.
02:14Maharap ang mga suspect sa panibagong kaso ng paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
02:25EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:29Ito ang GMA Regional TV News.
02:34Mainit na balita mula sa Luzon hatid ng GMA Regional TV.
02:40Arestado ang sampung lalaki kabilang ang apat na minority edad matapos umanong mambugbog sa Noveleta Cavite.
02:48Chris, anong dahilan ng pambubugbog?
02:50Raffi, initiation rights down ng grupo ang nasabing pambubugbog na tinatawag nilang 32nd Massacre.
03:00At ang binubug naman ng lalaki ay isa sa mga bago nilang miyembro.
03:05Sa video, kitang pinalibutan ng ilang lalaki ang isa pang lalaki sa bakura ng isang bahay sa barangay San Rafael Tres.
03:12Maya-maya, sabay-sabay nilang pinagsusuntok at pinagsisipa ang lalaki na nasa gitna.
03:17From responde sa lugar ang mga polis matapos makatanggap ng ulat na humigit kumulang 50 lalaki ang nagtipon sa nasabing bakuran.
03:26Ayon sa polis siya, nagpapagaling na sa ospital ang biktima at isa pang biktima rin ng pambubugbog ng grupo.
03:33Ayon naman sa anim na naaresto, lahat sila ay dumaan sa parehong initiation.
03:38Hindi raw sila sangkot sa anumang krimen.
03:40Maarap sila sa reklamong paglabag sa anti-hazing law.
03:43Nasa kustudya naman ng Municipal Social Welfare and Development ang apat na minortidad na sospek.
03:52Samantala, naiproklama na ang ilang nagwaging kandidato sa ilang lugar sa Luzon.
03:57Nabilang dyan si Sandro Barcos na anupost bilang Ilocos Norte 1st District Representative.
04:01Ipinroklama rin gobernador o governor-elect ang kanyang tiyahin na si Cecilia Araneta Marcos.
04:09Vice-governor-elect ang pinsan niya na si outgoing governor Matthew Marcos Manotok.
04:15Muli rin nahalal bilang congressman sa ikalawang distrito ng probinsya si Angelo Barba.
04:21Ipinroklama naman bilang Pampanga 2nd District Representative si former President Gloria Arroyo na walang kalaban sa posisyon.
04:28Nagpalitan naman sa pwesto o magpapalitan sa pwesto ang mag-inang sinapampanga governor-elect Lilia Pineda at vice-governor-elect Dennis Delta Pineda.
04:38Re-elected naman sa Bulacan ang actor-turned politicians na sina governor Daniel Fernando at vice-governor Alex Castro.
04:46Ipinroklama naman bilang gobernador si Cavite o ng Cavite si Abeng o Abeng Rimulya, vice-governor si Ram Revilla Bautista.
04:56Habang sa Laguna, ipinroklama ang gobernadora si Sol Aragones, vice-governor-elect ang abogadong si J.M. Karait.
05:04Nagbabalik sa pagiging gobernadora ng Batangas si Vilma Santos Recto.
05:09Vice-governador niya si outgoing governor Dodo Mandanas.
05:13Ipinroklama naman na congressman ang anak ni Vilma na si Ryan Christian Recto sa ika-anim na distrito ng Batangas.
05:22Mga mare at pare, bukod kay Manila Mayor-elect Isco Moreno, ilang sparkle artist din ang nagwagi sa kanilang tinakbuhang posisyon sa eleksyon 2025.
05:41Kabilang dyan ang anak ni Isco na si sparkle actor Joaquin Dumagoso na wagi bilang Manila First District Counselor.
05:48Isa pang sparkle star, si Jason Abalos Wagi naman bilang board member ng 2nd District ng Nueva Ecija.
05:56May mga nakalatag ng plano si Abra Governor-elect Takit Bersamin sa kanyang pagbabalik kapitolyo.
06:10Kabilang sa mga isinusulong niya ang pagresolba sa kaayusan at kapayapaan doon na makatutulong daw sa ekonomiya ng probinsya.
06:17Balit ang hatid ni Jonathan Andal.
06:19Balik kapitolyo ng Abra ang mga Bersamin.
06:26Nagbabalik gobernador si Takit Bersamin.
06:29Ang kapatid ni Executive Secretary Lucas Bersamin.
06:31Vice-gobernador naman ang kanyang pamangking si Ann Bersamin.
06:35Landslide ang pagkapanalo ng mag-chewing Bersamin laban sa mother and son tandem na si Najoy at Kiko Bernos.
06:42Isa sa unang ginawa ni Governor-elect Bersamin, tawagan si Baguio City Mayor Benjamin Magalong para magpatulong na maayos ang peace and order sa Abra na may kasaysayan na nakarahasan at patayan.
06:54Tulungo kami Benji, ikaw nagpatinong Abra noong 2013.
06:58Yes, sabi niya.
06:59Si Magalong kasi ang dating jepe ng PNP Cordillera Region na nagpatahimik daw sa Abra noon.
07:04At niya'y pinuno ng Cordillera Regional Peace and Order Council.
07:07Sabi ni Bersamin, kapag naayos na ang siguridad sa Abra, mapapalakas na nila ang turismo rito para sa ekonomiya.
07:13Plano rin daw niyang gawing tertiary level hospital, ang kanilang provincial hospital sa kanyang unang taon para hindi na ro dumarayo sa Ilocos o mga Abrenyong nagpapagamot.
07:23Ang nanalo namang kongresista ng Lone District ng Abra na si J.B. Bernos, nakalyado rin ng mga Bersamin, magpapatulong daw kay Executive Secretary Bersamin para mapaunlad ang Abra.
07:33Kahit may barila noong botohan malapit sa isang voting center sa Bangged,
07:39na ikinasugat ng dalawa, generally peaceful pa rin ang turing ng Abra Police sa eleksyon sa probinsya.
07:45Natapos ang eleksyon dito sa Abra na may mataas na voter turnout, 91%.
07:50Ibig sabihin, siyam sa bawat sampung rehestradong Abrenyo bumoto ngayong eleksyon 2025.
07:57Jonathan Andal, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
08:00Hindi pa ay pinoproklama ang dalawang nanalong kandidato sa lokal na posisyon dahil sa suspension of proclamation ng COMELEC.
08:09Isa na rin yan si Marikina Mayor Marcy Teodoro na nangunguna bilang First District Representative.
08:14Suspendido rin ang proclamation ng isa sa mga nanalong konsihal na ikalawang distrito ng Maynila na si Darwin Sia.
08:21Sinuspindi ang kanilang proclamation habang hinihintay pa ang resolusyon na nakabindiin nilang kaso sa COMELEC and Bank.
08:27Bukod sa kanila, may labimpitong iba pang kandidato ang inisyohan din ng suspension of proclamation.
08:35Ito na ang mabibilis na balita.
08:40Nagkarambola ang apat na sasakyan sa tunnel ng Edsa Quezon Avenue.
08:44Kwento ng nakabangang bus driver hindi niya napansin na nakatigil ang dalawang EUV Express,
08:48kaya niya ito nabangga.
08:50Nadamay rin ang isang motorsiklo, animang sugatan ayon sa MMDA.
08:58Hinarang ang isang pasahero sa Ninoy Aquino International Airport, Terminal 1,
09:02dahil sa nakita sa kanyang check-in baggage.
09:05Ayon sa Office for Transportation Security, nakikita ang isang hugis baril na gamit sa bagahe ng pasahero.
09:11Ipinatawag siya para sa manual inspection at doon na nalaman na isa pala itong laruan.
09:16Kinumpis ka ang laruan at itinerover sa pulis siya.
09:21Pinayagan pa rin naman siyang makabyahe.