Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Bago binuksan sa public viewing, ipinrusisyon muna ang mga labi ni Pope Francis mula sa kanyang apartment sa Casa Santa Marta patungong St. Peter’s Basilica. Maraming Katoliko ang nag-abang sa Santo Papa kabilang ang ilan nating mga kababayan na sinalubong si Pope Francis ng dasal at palakpakan.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00At bago po binuksan sa public viewing, ipinunosisyon muna ang mga labi ni Pope Francis
00:05mula po sa kanyang apartment sa Casa Santa Marta patungong St. Peter Basilica.
00:11Maraming Katoliko ang nag-abang sa Santo Papa,
00:14kabilang po ang ilanating kababayan na sinalubang si Pope Francis ng dasal at palakpakan.
00:21Nakatutok si Salima, Refran.
00:30Panalangin, Luha at Palakpak
00:38Ganyan sinalubong na mga Katolikong nag-abang sa St. Peter's Square ang labi ni Pope Francis.
00:51Alas 9 ng umaga sa Vatican o alas 3 ng hapon oras sa Pilipinas
00:55nang simula ng prosesyon o paglipat ng labi ng Santo Papa
00:59mula sa Casa Santa Marta kung saan siya nakatira at pumanaw
01:03patungong St. Peter's Basilica kung saan naman gagawin ang public viewing ng kanyang labi.
01:09Nomine Patris et Fili et Spiritus Sancti.
01:13Sa Casa Santa Marta,
01:18nagkaroon muna ng pagbabasbas sa pangunguna ni Cardinal Kevin Farrell
01:23ang kamerlenggo ng Roman Church.
01:28Sinundan ito ng prosesyon na dinaluhan ng iba't ibang kardinal
01:31kabilang si Cardinal Luis Antonio Tagli.
01:35Maaga rin nag-abang ang ilang Katoliko sa iba't ibang panig ng mundo
01:39gaya ng ilan nating kababayan.
01:42Ang health worker na si Jerry Rustia
01:44nakadalo pa raw sa huling misa ng Santo Papa nitong Easter Sunday.
01:48I was lucky enough to have been for the first mass of the Pope for the health workers
01:54nandito na ako noon and then Palm Sunday
01:57and then Easter Sunday and then his last mass na
02:01and then now for this one, sadly.
02:03Nalulungkot din ang pamilya sa bulaw mula Amerika
02:05at nagbabakasyon ngayon sa Vatican
02:08dahil di na naabutan si Pope Francis.
02:11We were here before the Pope died
02:14so it's sad na nandito kami na he passed away
02:18but it wasn't the original plan.
02:20The original plan was to come here to visit
02:22and then maybe to see him still
02:24but hindi na namin naabutan unfortunately.
02:28Bumiyahi rin mula sa Bergamo, Italy
02:30ang pamilya ng OFW na si Lydia
02:32para masilayan ulit ang Santo Papa.
02:35Pero kasabay ng pagbisita nila sa Vatican
02:38lumabas ang balitang pumanaw na ang Santo Papa
02:41sa edad na 88.
02:43Hindi naman namin in-expect na ngayon din mangyayari yung San News.
02:48Very sad talaga.
02:49Gusto talagang umiyak ng aming mga kasama.
02:55Pagkapasok sa St. Peter's Basilica
02:56inilagay sa gitna ng altar ang labi ni Pope Francis.
03:01Pinangunahan ni Cardinal Farrell ang Liturgy of the Word
03:03na sinunda ng pagpupugay ng iba pang kardinal,
03:06mga pari at iba pang tagasimbahan.
03:11Alas 5 ng hapon, oras sa Pilipinas,
03:14sinimula ng public viewing sa labi ng Santo Papa.
03:18Magtatagal ito hanggang sa biyernes.
03:21Sa Sabado, gaganapin ang funeral ng Santo Papa.
03:24Mula sa St. Peter's Basilica
03:26ay dadalhin ang labi ni Pope Francis
03:28sa Basilica of St. Mary Major
03:30kung saan niya hiniling na mailibig.
03:33Nagkumpirmang dadalo sa funeral
03:35ng ilang world leader at personalidad
03:37gaya ni na U.S. President Donald Trump,
03:40Ukrainian President Vladimir Zelensky,
03:42French President Emmanuel Macron,
03:44at Prince William ng United Kingdom
03:47bilang representative ng British Royal Family.
03:50Kabilang din sa mga dadalo
03:52si na Pangulong Bongbong Marcos
03:54at First Lady Lisa Araneta Marcos.
03:56Para sa GMA Integrated News,
04:01sa lima refra na katutok, 24 oras.

Recommended