• 14 hours ago
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga Kapuso, maraming lugar ang posibing ulanin ngayong weekend.
00:04Basa sa datos ng Metro Weather, may tsyansa ng ulan bukas sa Palawan, Mindoro Provinces at Quezon.
00:10Posibing ulanin ang ilang bahagi na Visayas at Mindanao, lalo na ang Summer at Leyte Provinces, Karaga at Sulu Archipelago.
00:18May mga pagulan din sa linggo, pero mas malawakan ng ulan sa hapon sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.
00:25Sa Metro Manila, mababa naman ang tsyansa ng ulan.
00:29Sa pag-asa, posibeng hanggang 43 degrees Celsius na heat index sa Dagupan, Pangasinan at Cotabato City ngayong weekend.
00:37Samantala, hindi pa opisyal na nagsisimula ang taginit sa kabila ng mataas na heat index sa ilang lugar.
00:43At ayon po sa pag-asa, hindi magiging kasingtindi ang mararanasang init ngayong taon kumpara noong 2024.
00:51Saksi! Si Mark Salazar.
00:54May mga lugar na tila maaga nang nagparamdam ang summer or dry season.
00:59Sa Dabao, nakakapagtala na ng 39 to 40 degrees Celsius na heat index.
01:05Nasa extreme caution level na ito, kaya dobli ingat ang mga taga-dabao.
01:10Always ta mag-tubig o mag-inom mag-tubig o mag-sunscreen ta.
01:14Awas dili kayo masyado mag-gawas-gawas kasi ma-dehydrate namin.
01:20I-avoid para dili makasinati sa impact sa taas ng heat index,
01:27kaya ng mga heat cramps or heat exhaustion,
01:30or may mga posibilidad usap na mata-resulta into heat stroke.
01:38Sa lawag Ilocos Norte naman, may mga pananim na palay at munggo
01:42ang nagkandamatay sa init at kakulangan ng tubig sa erigasyon.
01:46Maraki apekto ng drought ngayon, lalong-lalong itong tag-araw na ito.
01:50Sa kabila ng mga nadaramang init at tagtuyot na ito sa iba't ibang lugar,
01:54nasa amihan season pa rin tayo.
01:57So mayroon pa po tayong amihan, possible until March 24, 25,
02:02may konti pa pong mga surge ng amihan.
02:05Eventually po, bago matapos ang buwan, possible po na mag-terminate ang amihan
02:10at posibil po mag-start yung ating warm and dry season.
02:14Kung noong nakaraang taon, sumasam pa sa 52 degrees Celsius
02:18o extreme danger ang heat index.
02:21Ang magandang balita, hindi raw tayo makararanas niyan ngayon.
02:25Even the WMO has reported that 2024 is the warmest year.
02:32It's because the El Nino during that time was affecting us.
02:36Wala naman tayong nakikita ng El Nino ulit na would develop.
02:39Pero siyempre, asahan at magdobli-ingat pa rin daw
02:42sa damang init na nasa danger level o 42 degrees Celsius pataas sa ilang lugar.
02:48Kapag nagsabi po si Pagasan ang 27 to 32 degrees Celsius na heat index,
02:53hindi po ito yung observed temperature, caution po yan.
02:56So ang ibig sabihin po, yung mga na-exposed po,
02:59ay maaari na po makaramdam ng cramps o ma-affectuhan na po sila.
03:04Maaari magkaroon na rin po ng mahirap na paghinga.
03:08Ngayon kung 31 to 41,
03:09ito po yung inaantabayanan ng mga schools or ng mga LGUs,
03:12kasi nasa extreme caution na po.
03:14So maaari na po silang mag-suspend ng klase sa kanilang lugar.
03:18Nakakaranas po sila ng mas matitinding mga heat cramps
03:21at mas nahirapan po sila na makahingas.
03:2442 to 51, ayan na po ang danger natin.
03:27So maaari na po ang magkaroon ng continuous exposure ay magkaroon po ng heat stroke.
03:33Possible na po yan.
03:35At ang extreme danger, eto na po.
03:37Lalo na po yung ating mga elderly, yung mga bata,
03:41at yung pa po ating mga PWD at yung ating mga workforce na nasa labas,
03:46very possible na po ang magkaroon ng heat stroke.
03:49Ang paalala, iwasan ang mga outdoor physical activities sa tanghali hanggang bago maghapon.
03:54Magsuot ng komportable at maghydrate.
03:57Mas lalong pinagiingat ang mga may edad at mga bata gaya ng mga nasa eskwelahan.
04:02Hinihikayat naman ang pag-asa ang mga school authorities
04:05na pakiramdaman ng heat index sa mismong lugar nila
04:08para desisyonan ang sarili kung may klase ba o wala.
04:12Para sa GMA Integrated News, ako, si Mark Salazar, ang inyong saksi!
04:20Mga kapuso, maging una sa saksi!
04:22Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita!
04:32Thank you for watching!

Recommended