Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Nagsilikas ang mahigit 100 pamilya na apektado ng pagbaha sa Parañaque. Ang itinuturong dahilan ng baha, ang ginagawang express link sa lugar.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nagsilikas ang mahigit isang daang pamilya na apektado ng pagbaha sa Paranaque
00:05ang itinuturong dahilan ng baha ang ginagawang express link sa lugar.
00:10At nakututok si Ian Cruz.
00:16Sa refrigerator na isinakay ni Cosmel Oro ang misis na si Jezabel
00:20at ibang kapitbahay ng bahay ng lugar nila sa High Street sa Moonwalk, Paranaque nitong lunes.
00:26Nagbangka naman ang mga na-video ni Glenn Flores dalin sa taas ng baha
00:30kung saan nalubog ang maraming motorsiklo.
00:33Kasama sa kinilangang i-rescue ng barangay ang isang sanggol na tatlong araw pa lang ang gulang.
00:38Hanggang kanina, may bahagi pa rin ang binhang compound na may malaburak na baha.
00:44May kit-walong daang pamilya ang apektado at may kit-isandaang pamilya ang lumikas.
00:48Sobra po, hirap.
00:51Kasi yung sa trabaho, galing kang trabaho, yung lamok para sa mga bata,
00:55yung amo'y mabaho.
00:57Sana naman po matulungan po kami lahat dito, buong history.
01:01Lahat ang napiktuan po ng ganito buong sitwasyon dahil po dyan sa ginagawang krabetix.
01:07Ang sinisisi ng mga residente, ang ginagawang expressway link sa kanilang lugar.
01:12Grabe po talaga, hindi pa punta doon ang baha, kundi papasok lahat ang tubig.
01:18Ang ibig sabihin nun, hindi nahaharangan sila doon.
01:21Isa pa ang basura dito, nagtambak.
01:23Sana if may compensation po, ma-appreciate po namin yun kung galing po sa kanila.
01:31Inabot din ang baha ang dalawang sasakyan ng aktor na si Chris Villanueva.
01:35Anya, nag-uusap na mga homeowners para sa susunod na hakbang.
01:39Ya, kinausap ako actually ng mga ibang taga rito. Sabi nga nila na magpapapirma sila ng petisyon sa mami ko kasi siya yung taga rito.
01:48Para po?
01:49Para, well I think, para sa damages siguro.
01:54Binahari ng katabing barangay ng Santo Niño.
01:57Hindi na maghahabol si Lenny Santos kahit na lubog sa tubig ang dalawang freezer, isang ref, at mga karne para sa kanyang paresan.
02:04Pero sana Anya, ayusin na ang dalawin ng tubig sa kanilang lugar.
02:09Pasok po yung tubig sa loob ng barisa namin, tapos yung freezer namin, abot po kasi yung mga karne.
02:17Ayun po, nawala na yung yelo kaya nasira na po.
02:21Nakausap na ng kapitanan ng barangay Moonwalk ang namamahala sa konstruksyon ng Cavitex C5 Link Expressway.
02:29At sa kanilang inspeksyon, nakitang kumipot ang Libho Creek dahil sa itinabong lupa.
02:36Makikita sa screenshot ng barangay sa Google Earth Map na halos mabura sa mapa ang porsyon ng creek na karugtong ng Dungalo River palabas ng Manila Bay.
02:45Ang ilog pa naman na sumasalo ng mga tubig ulan mula sa katabing na Ia Complex, tungsan ng Pasay at ilan pang kalapit na lugar.
02:53Yung nilagay nila doon na tubo is yung water flow nagbara kasi may kasamang basura.
03:00That's according to them. They miscalculated yung dami ng basura.
03:05Sa isang statement, sinabi ng MPT South Corporation na gumawa sila ng pansamantalang tulay na daanan ng ma-equipment para sa konstruksyon ng Cavitex C5 Link Expressway.
03:17Nilagyan ito ng tatlong metrong lapad na tubo para dito muna padaluyan ang tubig ng creek pero hindi anila kinaya dahil sa napakalaking volume ng tubig at maraming basura.
03:27Bilang tugon sa request ng local authorities, tinanggal na anila ang pansamantalang tulay at nagsagawa ng garbage cleanup.
03:34Para sa GMA Integrated News, Ian Cruz nakatutok, 24 oras.

Recommended