Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Bukod sa magkakapatid, tinitingnan din ang iba pang alyansa sa Senado na posibleng makaapekto sa resulta ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
00:09Ayon sa isang eksperto, posibleng malaking konsiderasyon sa desisyon ng mga Senador ang kanilang political survival.
00:17Balitang hatid ni Maki Pulido.
00:23Ang resulta ng eleksyon sa Senado ngayon, posibleng may epekto sa mabigat na tungkuling kakaharapin ng mga Senador.
00:30Ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
00:3624 ang magsisilbing senator judges at kailangan ng two-thirds na boto para makonvict ang nasasakdal.
00:43Ang ibig sabihin rin, siyam na boto lang ang kailangan ni Duterte para maabswelto.
00:47Sa pahayag mismo ni Senate President Chief Escudero noon, nananawagan siya ng impartiality at objectivity sa lahat ng mga kasamahan sa Senado
00:56dahil alam niyang madalas na isasalarawan ng impeachment bilang isang political exercise.
01:01Kung sisilipin ang nabubuong komposisyon ng Senado, anong posibleng maging epekto nito sa pagliliti sa vice?
01:07Sabi ni Prof. Aris Arugay ng UPD Liman, maituturing ng pro-Duterte ang tinatawag na Duterten na sina re-electionist Senators Bongo at Bato De La Rosa at Congressman Rodante Marculeta.
01:19Ganito na rin ang turing ni Arugay kina Senador Aimee Marcos at Representative Camille Villar
01:24dahil kapwa inendorso ni Vice President Sano Duterte ilang linggo bago ang eleksyon
01:29pero bahagi rin sila ng aliyansa ng administrasyon na ikinampanya ni Pangulong Bongbong Marcos.
01:34Darat na ng limang yan ang mga incumbent Senators na itinuturing na pro-Duterte
01:39sina Senators Robin Padilla at dating running mate ng dating Pangulong Duterte na si Alan Peter Cayetano.
01:45Pito na yun. Kung pag-uusapan natin ng impeachment, ang magic number kay Sara Duterte ay siyab, di ba? For acquittal.
01:53Kapatid ni Cayetano ang re-electionist at pasok sa magic 12 na si Pia Cayetano pero tumakbo siya sa slate ng Pangulo.
02:01Gayun din si Camille Villar, kapatid ni Senador Mark.
02:04It remains to be seen whether on certain issues, hindi sila boboto ng pareho.
02:11So historically, they tend to, yung mga magkakapatid, lalo na kung full siblings.
02:17Ito yung impluensya ng dinastiya sa Senado.
02:20Magiging mahalagaan niya sa Administrasyong Marcos na manatiling kakampi nila
02:24ang ibang papasok ng Senador na tumakbo, may iba pa sa labas ng aliyansa at Duterte.
02:29Kabilang ang iba pang may kapatid na Senador o kapatid sa gabinete.
02:34Mahirap naman tansyahin ang iba pang tumakbo sa ilalim ng Marcos-Duterte unit team noong 2022.
02:40Nariyan din si Senador J.D. Ejercito.
02:43Sabi ni Arugay, sa sistema naman ng politika sa bansa,
02:47walang masyadong timbang kahit magkasama sa partido o sa aliyansa.
02:50Mas kakalkulahin nila kada suporta sa kahit anong inisyatibo,
02:55polisiya ng Marcos administration, mas titimbangin nila.
02:58What will I gain?
02:59At if this is costly para sa akin,
03:02kung madedihado ako dito, kakayanin ba ng reputation ko?
03:06Lalo na bala kong tumakbo ulit sa 2028?
03:09Kabilang sa iisipin ng mga Senador ang kanika nilang political survival,
03:13lalo na't may full media coverage ang impeachment trial.
03:17Kaya magiging mahalagaan niya ang bigat ng ebedensyang
03:19ihaharap ng mga prosecutor sa impeachment trial.
03:22Kasi yung proseso ng trial, pwedeng magkaroon yun ng impact.
03:29Kasi itong mga Senador na ito, hindi lang naman nila iisipin yung
03:32kanino ba ako may utang na loob?
03:35Sino ba yung tumulong sa akin manalo?
03:37It's more like, baka pag bumoto ako ng akwital,
03:42baka ako naman yung balika sa susunod na eleksyon.
03:45Inaasahang sa July 30 mag-uumpisa ang impeachment trial
03:49batay sa naunang inilabas na timetable ng Senado.
03:52Mackie Pulido nagbabalita para sa GMA Integrated News.

Recommended