Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Kabilang sa pinaka inaabangan ang resulta ng mayoral race sa Makati balwarte ng mga Binay. Doon kalaban ni Senador Nancy Binay ang kanyang bayaw na si Congressman Luis Campos asawa ni Mayor Abby Binay.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00At kabilang sa pinaka-inaabangan ang resulta ng Mayoral Ray sa Makati, Baluarte ng mga Binay.
00:07Doon kalaban ni Sen. Nancy Binay ang kanyang bayaw na si Congressman Luis Campos, asawa ni Mayor Abby Binay.
00:15Pero bago yan, kamustayin po natin ang botohan doon sa Live the Pagtutok ni Tina Panganibang Perez.
00:21Tina!
00:21Yes, Vicky, matapos dumagsa ang maraming botantes sa Nemesyo Yabot Elementary School kaninang umaga,
00:32ay nabawasan na yung bilang ng mga boboto pagdating ng hapon.
00:35At kasama sa mga nagtiis sa mainit na panahon at pabugso-bugsong ulan ay mga senior citizen.
00:41Mula Laguna, sakay pa ng ambulansya nang dumating sa presinto kung saan siya bumuboto sa Makati,
00:52si Adalberto Lavinia, 72 years old na cancer patient.
00:56Gusto lang din po niyang bumoto. Tinanong naman din po namin siya kung gusto niyang bumoto.
01:01Malaki ang priority polling place sa ground floor ng Nemesyo Yabot Elementary School.
01:05Pero maraming senior citizen ang piniling umakit na lang ng hagdan para sila mismo ang magpasok ng balota sa kanilang presinto.
01:14May mga nag-akalang nawala sila sa list of voters pero naiba lang pala ang kanilang presinto.
01:19This is the number that we have been using, 0895A.
01:24So now, sabi ko, kailan niyo pinost yan? Siguro daw mga two weeks ago.
01:29Ganon, two weeks ago. But without telling us na we're supposed to do that.
01:34Nakaboto rin sila sa priority polling place kalaunan.
01:38Si Rolando Tumalon, inilipat ang voter registration mula sa Mindanao patungong Makati pero hindi rin nakaboto.
01:46Last election, nakaboto pa kami sa province, sa Sambuanga.
01:49Ang pinapaliwanag nila, possibly ang verification daw ng application for transfer registration namin, may mga problema na nangyari siguro.
01:58Ang reklamo naman ng isang votante, nakashade na umano ang posisyon ng party list sa balotang inabot sa kanya.
02:05Napansin lang anya ito nang ishade na ang gusto niyang party list, kaya na-overvote siya sa party list.
02:11Sabi ko, gusto kong makount yung vote ko sa ano, kasi baka pag dalawa yung shade nito, hindi maka-count.
02:17Sabi ko, kasi aware naman ako na isa lang ang iboboto na party list.
02:22Chinicheck ko, front and back. Wala malinis lahat. Kaya nagtataka ako, baka kasi dahil senior, hindi niya nakita na baka na-shadean niya or dalawa na-shadean niya.
02:35Hindi naman bababa sa dalawang automated counting machine sa paara lang ito ang nasira at di tumatanggap ng balota.
02:43Pero naayos din matapos ang may isang oras.
02:46Isang sa mga binabantayan dito sa Makati ay ang labanan sa pagkaalkalde.
02:51Dahil sa pangalawang pagkakataon, dalawang membro ng pamilya Binay ang naglalaban.
02:56Sina Sen. Nancy Binay at Makati City Rep. Luis Campos, asawa ni Mayor Abe Binay.
03:03Tumatakbo rin sa pagkaalkalde, Sina Victor Neri at Orlando Steven Solido.
03:13Vicky, nandito tayo sa Makati Coliseum kung saan ginagawa ang canvassing ng mga boto dito sa Makati.
03:19May malaking screen dito sa loob ng Coliseum kung saan makikita ang mga pumapasok na resulta.
03:26Mula rito sa Makati, ako po si Tina Panganiban Perez. Nakatutok 24 oras para sa eleksyon 2025.
03:34Tina, habang nandiyan ka noong nagko-cover, ramdam mo ba itong intense rivalry sa pagitan ni Sen. Nancy Binay
03:41at ng kapatid niya na si Abby dahil yung asawa nga ni Abby ang tumatakbo at kumakalaban sa kanya, sa Mayoral race?
03:48Tina.
03:48Medyo Vicky, dahil yung ilang mga botahante na excluded o yung mga hindi nakaboto,
03:58ang concern talaga nila ay yung botohan sa Mayoralty race.
04:02Dahil sinasabi nila, ito ang gusto ko, ito ang gusto niya,
04:06at gusto ko mabilang sana yung boto ko, makadagdag doon sa kandidatong gusto ko.
04:12So doon sa race na yun, sa Mayoralty race, doon mo talaga mararamdaman yung kagustuhan ng mga taga Makati na mga kaboto, Vicky.
04:20Alright, sige, maraming salamat sa iyo, Tina.
04:22Panginiban peras, aabag niyo namin yung mga kaganapan diyan.

Recommended