Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
-Pope Francis, hiniling na ilibing siya sa Basilica of St. Mary Major; ilalagak ang kanyang labi sa simpleng kabaong na kahoy/Mga kardinal, magtitipon para bumoto ng susunod na Santo Papa






-Chinese national, arestado matapos makabangga ng 2 sasakyan at makipaghabulan sa mga pulis






-WEATHER: PAGASA: 26 na lugar, posibleng tamaan ng danger level na heat index ngayong Martes/ Lyrid Meteor Shower, posibleng masilayan mamayang gabi






-INTERVIEW: PABLO VIRGILIO CARDINAL DAVID, PRESIDENT, CBCP






-Malacañang: April 22, 2025, National Day of Mourning para kay Nora Aunor/Noranians o mga tagasuporta ni Nora Aunor, kabilang sa mga makikipaglibing sa Libingan ng mga Bayani/ Phl Army: Departure honors, pagbabasbas at gun salute, bahagi ng state funeral ni Nora Aunor/ Puntod ni Nora Aunor, katabi ang puntod ni "Himala" director Ishmael Bernal






-Barangay kagawad, patay matapos masaksak nang umawat sa komosyon






-Argentinians, nag-alay ng misa kay Pope Francis sa dating pinagsilbihang simbahan






-National Artist at Superstar Nora Aunor, dadalhin na sa Libingan ng mga Bayani






-OPM icon na si Hajji Alejandro, pumanaw sa edad na 70






-Dumating na sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig ang labi ni Nora Aunor






-Requiem Mass para kay Pope Francis, isinagawa sa Manila Cathedral/Jose Cardinal Advincula, inalala sa kanyang homily ang naging pagbisita sa Pilipinas ng Santo Papa noong 2015/Papal Nuncio Most Rev Charles Brown DD, nagpasalamat sa mga Pilipinong nagdasal para kay Pope Francis'




Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mark Salazar
00:28Mark Salazar
00:58Mark Salazar
01:28It's about 15-20 days to start the conclave process.
01:38Dito magtitipon-tipon ang mga cardinals sa Sistine Chapel
01:42at hindi makakalabas para pagbutohan kung sino sa kanila ang hahaliling Santo Papa.
01:47Lahat ng mga cardinal na wala pang edad 80,
01:50maaaring bumoto sa pamamagitan ng secret ballot.
01:53Kailangang makamit ang botong hindi bababa sa two-thirds plus one.
01:58Sa dalawang nagdaang conclave, inabot ng dalawang araw ang botohan.
02:02Sinusunog ang mga paper ballot kada voting round.
02:05Kung walang nailukluk, itim na usok ang lalabas sa chimney ng Sistine Chapel.
02:09At kung meron na, lalabas ang usok na puti at pormal nang ipoproklama ang
02:19Mark Salazar, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:23Ito ang GMA Regional TV News.
02:30Mainit na balita mula naman sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
02:35Arestado po ang isang Chinese national matapos makipaghabulan sa mga polis sa Dasmarinas, Cavite.
02:40Chris, bakit naman siya nakipaghabulan sa mga polis?
02:43Tony, may mga nabangga na kasing ibang sasakyan ang Chinese national na nagmamaneho noon ng isang SUV.
02:52Sa video, kita pa ang pagtakas ng SUV sa mga humahabol na polis sa Barangay Paliparan 3,
03:00kahit flat na ang gulong nito.
03:02Napahinto sa Center Island ang sasakyan at doon na nilapitan ng mga polis at inaresto ang driver.
03:08Batay sa investigasyon, lasing ang Chinese national nang mangyari ang insidente.
03:14Bago mahuli, may nabangga na siyang jeep at isa pang sasakyan bago tumama sa Center Island.
03:20Maharap siya sa reklamong reckless imprudence resulting in multiple damage to properties at anti-drunk and driving act.
03:28Walang pahayag ang sospek.
03:36Aabot sa 26 na lugar sa bansa ang posibleng makaranas ng danger level na heat index ngayon pong Martes.
03:42Ayon sa pag-asa, posibleng umabot sa 46 degrees Celsius sa San Ildefonso, Bulacan.
03:4745 degrees Celsius sa Dagupan, Pangasinan.
03:5144 degrees Celsius sa Tugigaraw, Cagayan.
03:5443 degrees Celsius sa Pari, Cagayan.
03:57Echagi, Isabela.
03:58Balera, Aurora.
03:59Olonga, Pusiti.
04:01Sangli Point, Cavite.
04:02Puerto Princesa.
04:04Aborlan at Kuyo sa Palawan.
04:06At sa Dumangas, Iloilo.
04:09Posibleng umabot sa 42 degrees Celsius ang heat index sa ilan pang bayan at nung sud sa Luzon,
04:14maging sa Northern Samar at sa Zamboanga.
04:17Extreme Caution level pa rin ang asahang alinsangan dito po sa Metro Manila.
04:2141 degrees Celsius sa Pasay,
04:23habang 40 degrees Celsius dito po sa Quezon City.
04:26Malaking bahagi pa rin ang bansa ang apektado ng maimit na easter leaves ayon sa pag-asa,
04:31habang mataas ang tsansa ng ulan ngayon sa Mindanao
04:34dahil po sa Intertropical Convergence Zone o ITCZ.
04:37Mga kapuso, kung hindi magiging maulap o maulaan sa inyong lugar,
04:41ay maaari niyong masilaya ng layered meteor shower.
04:44Mami ang gabi ang peak activity ng mga nasabing bulalakaw.
04:48Hanggang labing walong meteors ang maaari daw makita kada oras.
04:52Kaugnay ng pagpano ni Pope Francis at nakataktang pagpili ng papalit na Santo Papa,
05:10makakakapanayam natin si Calocon Bishop at Catholic Bishops Conference of the Philippines President Pablo Vergilio Cardinal David.
05:17Salamat po sa pagpapaunlak sa amin ng panayam dito po sa Balitanghali Cardinal David.
05:23Walang anuman at gantatanghali sa inyo lahat.
05:26Apo, kamusta po yung paghahandaan nyo sa inyong biyahe pa Vatican?
05:29Lahat na po ba ng mga Cardinal patungo na sa Vatican?
05:33Well, pare-pareho kaming naghihintay ng instruction mula sa Dean ng mga Cardinal.
05:38Si Cardinal Re mula doon sa Roma.
05:43At kasalukuyan ay nagpupulong ang mga Cardinals na base doon sa Roma
05:49para i-finalize nila yung schedule ng funeral ng Santo Papa
05:54at saka ng magiging simula ng conclave para sa eleksyon ng isang bagong Santo Papa.
06:02Usually, gaano po katagal pagkatapos ng libing bago magsimula yung conclave o depende po sa pag-uusapan?
06:07Well, depende talaga yan sa pag-uusap.
06:11But usually, anywhere between 10 to 15 days pagkatapos ng funeral,
06:21anywhere between 10 to 15 days ay ginaganap yung conclave.
06:26Speaking of conclave, ano po inaasahan nyo dito sa PayPal conclave sa lahat ng mga nangyari ngayon sa buong mundo?
06:33Anong direction po kayang pupunan natin itong conclave na inyong dadaluhan?
06:36Well, siyempre, bago yung conclave ay nagluloksa muna tayo sa pagpanaw ng ating mahal na Santo Papa
06:45at medyo in a state of disbelief pa kami kasi hindi talaga siya inaasahan.
06:51Nakala namin ay nagre-recover na talaga siya.
06:55Pero napakaganda ng timing ng kanyang pagpanaw dahil ito ay Easter Monday.
07:02Ang last message niya sa buong mundo ay isang Easter message na masaya.
07:09And ang tinutukoy niyang mga luha na dapat iluha natin ay luha daw ng kaligayahan.
07:16Tapos biglang lumuluha tayo ng luha ng kalungkutan.
07:20Pero updated naman talaga ang luha ng kalungkutan sa luha ng kaligayahan
07:24kasi si Pope Francis din ang madalas magsabi na mas malinaw daw na makakakita ang mga mata na hinugasan ng maraming luha.
07:33So very up po ba yung pagpanaw ni Pope Francis?
07:37Gayun nakabalik siya mula sa pagkakasakit.
07:40Maraming nga nagsasabing pagaling na siya pero biglang nga siyang pumanaw at a very timely day dito po sa Roman Catholic Calendar.
07:48Oo, totoo. Kasi itong Easter Sunday ang pinaka-importanting kapistahan ng kalendaryo ng Simbahang Katolika.
08:00At yun, parang na-fulfill siguro niya yung pangarap niya na matapos ang kwarensma niya sa Paskong Pagkabuhay.
08:10At nangyari nga siya.
08:13And kaya in a way kahit nalulungkot tayo ay masaya din tayo para sa kanya.
08:18Paano niyo po ilalarawan yung kabuong lagay ng Simbahang Katolika sa pagpano po ni Pope Francis?
08:23Tulad ng nabanggit ko, pagluloksa.
08:26So nagluloksa ang buong Simbahang Katolika ngayon.
08:31Kahit yung panahon ng dapat pagsasaya dahil panahon ng Easter ng pagkabuhay.
08:41At ang panahon ng pagkabuhay, limampung araw yan hanggang sa araw ng Pentecostes.
08:45Ang araw na ipagdiriwang natin, ang pagbaba ng pasalubong ng Panginoon, ang Espiritu Santo.
08:53Pero ito, parang dahil nataon siya sa biglang pagpanaw ng ating mahal na Santo Papa,
09:00eh nasabayan siya ng pagluloksa.
09:02Pero yun nga, nilagay niya sa tamang liwanag ang ating pagluloksa.
09:06Parang magluloksa tayo pero dapat isang pagluloksa na may pag-asa.
09:13Pagluloksa na mayroon pa rin galak dahil sabi ko nga,
09:18ang mga matang nahugasan ng maraming luha ay mas nakikita, nasisilayan,
09:23ang pag-asang hatid ng pagkabuhay.
09:26Cardinal, sa palagay niyo ba na ihanda ni Pope Francis yung Simbahang Katoliko
09:30sa kanyang pagpanaw, sa kanyang paglisan, hindi lang bilang Pope,
09:36kundi sa kanyang aral sa tagal ng kanyang panunungkulan sa simbahan?
09:41Ay oo naman.
09:42At itong Santo Papa na ito ay maraming aral na naituro sa simbahan
09:49sa mga nakarang taon ng kanyang paglilingkod bilang Ubispo ng Roma.
09:54Kaya siya Santo Papa dahil Ubispo siya ng simbahang tinuturing nating pinakapinuno
10:02ng maraming mga simbahan sa Universal Church.
10:06At yung mga panulat niya, mga turo niya, mga homily niya ay talagang kakaiba.
10:14Sa tingin ko, ito yung Santo Papa talaga na nagturo sa simbahan na matutong makinig.
10:22Kasi laging ang konsepto natin ng simbahan, mga pinuno na simbahan, pinakikinggan.
10:28Pero kung ibig nating pakinggan tayo, matuto tayong makinig.
10:33Matuto tayong magbukas ng pinto at magpatuloy.
10:38At hindi lang magbukas ng pinto para magpatuloy, kundi magbukas ng pinto para lumabas.
10:43Para lumabas sa mga laylayan, laylayan ng simbahan, sa laylayan ng lipunan.
10:51At matutong, makilakbay.
10:54Makilakbay sa lahat ng kapwa, hindi lang sa kapwa katoliko, kristyano,
10:59kundi sa lahat ng kapwa at tao at lahat ng kapwa nila lang.
11:03Ganyan si Pope Francis na napaka-inclusive niya, yung welcoming niya.
11:10At lagi niya tayong tinuturuan na magpakumbaba at matutong makilakbay.
11:17Well, abangan po namin yung inyong pagtungo sa vating
11:21and of course yung conclave na kasunod nitong paglilibing kay Pope Francis.
11:25Maraming salamat po sa oras na ibinahagi nyo sa Balitanghali.
11:29Okay.
11:30Kalokan Bishop at CBCP President Pablo Virgilio Cardinal David.
11:39Idineklara ng Malacanang na ngayong araw, April 22, ay National Day of Mourning.
11:44Para po yan sa pagpanaw ng national artist at superstar na si Ms. Nora Unor.
11:49Ang update sa kanyang state funeral sa libingan ng mga bayani
11:52sa ulat on the spot ni Jonathan Andal.
11:55Jonathan?
12:00Connie, itong mga nasa likod ko ay yung mga Noranyans o yung mga fans
12:04ni national artist for broadcast and film at superstar Nora Unor.
12:09Yung ilan po sa kanila ay may dalang mga memorabilia.
12:12Ang iba dito, 1994 pa yung petsa na tinagutaw talaga nila
12:15dahil noon pa man daw ay fan na sila ni superstar Nora Unor.
12:19Dito po sila nakaupo sa may harap nung gravesite
12:22kung saan po ililibing o iihihimlay sa huling hantungan si superstar Nora Unor.
12:28Kanina, naging emosyonal yung mga Noranyans
12:31habang kinakanta yung isa sa mga hitsong ng kanilang idol
12:34na superstar ng buhay ko.
12:36Nasa sandaang Noranyans ang nag-aabang narito sa pagdating ng labi ni Nora.
12:57Ganito ang magiging proseso ayon sa Philippine Army.
12:59Pagdating sa gate, bibigyan si Nora ng departure honors.
13:03Ililipat ang kanyang kabaong sa military caisson o karuahe ng militar
13:07para sa funeral march.
13:09Sa marcha, nasa likod ng karuahe ang pamilya ng superstar
13:12at isang batalyong honor guard.
13:15Pagdating sa puntod, bibigyan siya ng final benediction o pagbabasbas
13:18at magkakaroon ng final viewing para sa pamilya, kaibigan, fans at iba pa.
13:23Bilang national artist for film and broadcast arts,
13:25gagawaran si Nora ng three volleys of fire.
13:29Tatlong set yan ng tigpipitong putok ng rifle gun.
13:32Sunod niyan, ititiklop ang watawat ng Pilipinas
13:35na nasa kabao ng superstar
13:36at saka ito yaabot ng militar sa pamilya ni Nora.
13:40Base sa tradisyon, bandang alas 12 na tanghal
13:42iihimlay na si Nora sa kanyang huling hantungan.
13:45Kanina, wala pa man ang mga labi ng superstar e,
13:48emosyonal na ang ilan sa kanyang fans.
13:50Narito ang ilan sa kanyang fans.
13:52Manahal na mahal po namin si Nora.
13:57Talagang wala na po tulad sa kanya.
14:01Wala po siyang pinipilin tao.
14:03Lahat mahirap.
14:09Connie, itong lugar na ito,
14:11section 13 ng libingan ng mga bayani.
14:14Dito po nililibing yung mga national artists
14:16at mga national scientists.
14:17Si Nora po ay pang-55 na individual na ililibing po dito.
14:23Ang makakatabi niya po sa puntod
14:24ay ang kanyang mismong direktor ng Pilikulang Himala
14:27na si Direktor Ishmael Bernal.
14:30Yan muna ang latest mula rito sa libingan ng mga bayani.
14:33Balik sa iyo, Connie.
14:34Marami salamat, Jonathan Andal.
14:36Ito ang GMA Regional TV News.
14:43Mainit na balita mula sa Visayas at Mindanao
14:46hatid ng GMA Regional TV.
14:48Patay ang isang barangay kagawad sa New Lucena, Iloilo
14:51matapos masaksak ng isang lalaki.
14:54Sarah, ano yung ugat ng krimen?
14:55Raffi, pumagit na raw ang barangay kagawad sa komosyon
15:01na nagsimula dahil sa pambabastos umano
15:04ng 35 anyos na sospek.
15:07Sa isang video, makikita ang tinatakbuhan ng isang lalaki
15:10ang dalawang iba pang lalaki na humahabol sa kanya.
15:13Ang isa sa mga nanghahabol may dalang panaksak.
15:16Base sa embisigasyon, nambastos ang sospek
15:19ng isang tindera ng hito.
15:21Sinitaraw ng iba pang tindera ang lalaki
15:23hanggang magkaroon ng komosyon.
15:24Doon na rumisponde ang 50 anyos na barangay kagawad
15:28na nasaksak ng kutsilyo sa tiyan.
15:31Depensa ng sospek, hindi niya intensyong mapatay ang biktima
15:34matapos siyang pagtulungan ng mga tao.
15:36Baharap siya sa reklamo ng homicidal.
15:49Isang bisang i-dinaaus para kay Pope Francis
15:51sa Buenos Aires Cathedral sa Argentina.
15:53Sa nasabing simbahan naglingkod dati si Pope Francis
15:56noong siya ay isang arsobispo pa lang.
15:59Dumagsa roon para mag-alay ng dasal
16:00ang mga kababayan ng pumanaw na Santo Papa.
16:03Muling binigyang pugay ng mga Argentinian
16:05ang walang sawang paglilingkod ni Pope Francis
16:08lalo na sa mayihirap
16:09at sa pagtataguyod niya
16:11ng mga progresibong reporma.
16:121936 nang isinang ang Santo Papa
16:15sa pangalang Jorge Mario Berjolio.
16:18Siya ang kauna-una ng Santo Papa
16:19mula sa Latin America.
16:27Dadalhin na sa libingan ng mga bayani
16:29sa Taguig City
16:30ang mga labi
16:31ng national artist at superstar
16:33na si Nora Honor.
16:34Bago mag-alas 11 ng umaga
16:38ay natapos ang tribute program
16:40para kay Nora Honor
16:41dito sa Metropolitan Theater.
16:44Binigyan siya ng standing ovation
16:46bilang pagkilala sa kanyang
16:47di matatawarang ambag
16:49bilang isang alagad ng sining.
16:51Ilan sa mga tumatak na pelikula
16:52ni Ate Guy
16:53ang Himala,
16:54Tatlong Taong Walang Diyos,
16:55Banawe,
16:56Stairway to the Sky,
16:57Bona,
16:58Minsay Isang Gamogamo,
16:59Sidhi at The Floor Contemplation Story.
17:02Bukod sa pagiging mahusay na aktres
17:03ay napaka-generous din daw ni Nora
17:05at mapagmahal sa kanyang fans
17:07at sa mga ordinaryong tao.
17:10Sa lobby ay sinabuya naman
17:11ng petals ang kanyang kabaong
17:13at muling tumanggap
17:15ng masigabong palakpakan.
17:17Sa mga sandaling ito
17:18ay papunta na
17:18ang convoy ng kanyang her
17:20sa libingan ng mga bayani
17:21kung saan bibigyan siya
17:23ng isang state funeral
17:24bilang isang pambansang alagad
17:28ng sining.
17:33Samantala,
17:37pumanaw na rin po
17:38sa edad na
17:39pitong po
17:40ang OPM icon
17:41na si Haji Alejandro.
17:45Kinumpirma yan
17:46ng kanyang pamilya
17:47sa isang pahayag
17:48ngayong umaga.
17:49Kasunod nito,
17:50humingi rin sila
17:51ng pangunawa
17:52at privacy
17:52habang ipinagluluksa
17:54ang anilay
17:55tremendous loss.
17:56Hindi tinukoy ng pamilya
17:57kung ano ang kinamatay
17:58ng OPM hitmaker
18:00pero kamakailan
18:01napabalita
18:02na isinugod siya
18:03sa ospital
18:03dahil sa stage 4
18:05colon cancer.
18:06Nakilala noong 70s
18:08bilang kilabot
18:08ng mga kwalihiyala.
18:10Ilan sa mga naging sikat
18:11na kanta ni Alejandro
18:12ang tag-araw,
18:13tag-ulan,
18:14panakip butas
18:15at kay ganda
18:16ng ating musika.
18:17Nakikiramay po kami
18:18sa mga naiwan
18:19ng OPM legend.
18:21Sa mga sandanin po
18:30ito ay dumating na nga
18:31sa libingan ng mga bayani
18:32sa tagig
18:33ang labi ni Nora Onor
18:34para sa igagawad
18:36sa kanyang state funeral.
18:38At nakikita nga po natin
18:40na ito ngayon
18:41ay napapalibutan na
18:42na mga kawani
18:43ng sandatahang lakas
18:45ng Pilipinas.
18:46Ngayon din,
18:47syempre ito po
18:48ay hahatakin
18:49ng isang puting jeep.
18:51At ito nga po
18:52ay ihahabol
18:53sa alas 12
18:55na sinasabing
18:57pagbibigay sa kanya
18:59ng state funeral
19:01sa kanya pong huling hantungan.
19:04At doon naman
19:04sa area po
19:05kung saan naghahantay
19:07ang ilan sa mga Noranyans
19:08ay nakikita natin
19:11kanina pa rin
19:11ang kanila pong
19:13taus-pusong
19:14syempre ang pakikiramay
19:15sa nag-iisang superstar.
19:18At kahit na mainit
19:19ang panahon
19:20ay naroon din
19:21at naga-antabay
19:23ang ilan parho
19:24sa kanyang mga
19:25mahal sa buhay
19:26at mga fans
19:28ng ating pong
19:28yumaong superstar.
19:29Isang requiem mass
19:41ang isinagawa po
19:42sa Manila Cathedral
19:43kasunod naman
19:44ng pagpanaw
19:45ni Pope Francis
19:46kabilang po
19:47sa mga inalala
19:47ang kanyang naging
19:48pagbisita sa Pilipinas
19:50noong 2015.
19:51At may ulat
19:52on the spot
19:53si Maris Umali.
19:54Maris?
19:54Tony,
19:56taintim nga
19:57ang isinagawang
19:58requiem mass
19:59na idinaos
20:00kaninang umaga
20:01sa Manila Cathedral
20:02para sa kaluluwa
20:04ng pumanaw
20:04na Santo Papang
20:05si Pope Francis.
20:06Pinangunahan nito
20:07ni Manila Archbishop
20:08sa Cardinal Advincula
20:09at con-celebrated
20:11ni Nab Bishop
20:12Antonio Tobias
20:13at may pangunan
20:13siya Most Reverend
20:14Charles Brown BB.
20:16Sa kanyang homily
20:17bagamat masaya
20:17at pinalalalim
20:18ni Cardinal Advincula
20:20ang ating pagtanggap
20:21sa muling pagkabuhay
20:22ni Jesus
20:22malungkot naman daw
20:23na nagbiriwang ngayon
20:24para ipanalangin
20:26ang yumaon nating
20:26si Lolo Kiko.
20:28Inalala niya
20:28ang naging buhay nito
20:29na naging espesyal
20:30sa mga Pilipino
20:31lalo na sa pagbisita
20:33niya sa atin
20:33noong 2015
20:34na nakatatak na rao
20:35sa ating
20:36pambansang alaala
20:37lalo na sa mga tagatakloban
20:39na bumabangon pa lang noon
20:40sa pananalasan
20:41ng Bagyong Yolanda.
20:42Pinakita rao
20:43ng Santo Papa
20:44kung paano makiisa
20:45sa paghihirap ng kapwa.
20:46Sa gitna naman
20:47ng pagluluksan
20:48nagpasalamat
20:48ang opisyal
20:49na kinatawa ng Santo Papa
20:50sa bansa
20:51na si Pteypang nun
20:52siya Charles Brown
20:53sa mga Pilipino
20:54sa patuloy na pagdarasal
20:55nito para sa kanya
20:56lalo na sa nakalipas
20:57ng dalawang buwan
20:58noong nasa critical
20:59na kalagayan
21:00ang Santo Papa.
21:02Humaba pa rao
21:03ang buhay ni po Francis
21:04at nakasama pa natin
21:05hanggang Easter Sunday
21:06dahil sa pananalangin
21:08ng mga mananampalataya.
21:10Bago nito
21:10ay nagsindi ng kandila
21:11at nag-alay ng dasal
21:12si Cardinal Advenculac
21:13para sa Santo Papa
21:14sa Christ the King Chapel
21:16sa loob ng Basilika
21:17na inilaan
21:18para sa Santo Papa.
21:19At yan ang pinakasariwang balita.
21:21Balik sa iyo, Connie.
21:22Maraming salamat,
21:23Mariz Umali.
21:23Mariz Um Sverige.
21:25Mariz Um Artist
21:37Master
21:39Mariz Um
21:41bum
21:47ba ba?

Recommended