Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Martes, April 22, 2025
-Rite of the Ascertainment of Death ni Pope Francis, isinagawa na
-Vatican: Stroke, coma, at irreversible cardiovascular collapse ang cause of death ni Pope Francis
-Balik-tanaw sa buhay ng kinikilalang "People's Pope"
-Kabaitan at kabutihang-loob ni Pope Francis, inalala ng ilang Katolikong Pilipino na nakadaupang-palad niya
-Ilang personalidad, bumisita sa huling araw ng burol ni National Artist at "Superstar" Nora Aunor
-Labi ni National Artist at Superstar Nora Aunor, binigyang-pugay sa Metropolitan Theater bago ang state funeral
-Pope Francis, hiniling na ilibing siya sa Basilica of St. Mary Major; ilalagak ang kanyang labi sa simpleng kabaong na kahoyMga kardinal, magtitipon para bumoto ng susunod na Santo Papa
-Chinese national, arestado matapos makabangga ng 2 sasakyan at makipaghabulan sa mga pulis
-WEATHER: PAGASA: 26 na lugar, posibleng tamaan ng danger level na heat index ngayong Martes
-INTERVIEW: PABLO VIRGILIO CARDINAL DAVID, PRESIDENT, CBCP
-Malacañang: April 22, 2025, National Day of Mourning para kay Nora Aunor
-Barangay kagawad, patay matapos masaksak nang umawat sa komosyon
-Argentinians, nag-alay ng misa kay Pope Francis sa dating pinagsilbihang simbahan
-National Artist at Superstar Nora Aunor, dadalhin na sa Libingan ng mga Bayani
-OPM icon na si Hajji Alejandro, pumanaw sa edad na 70
-Dumating na sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig ang labi ni Nora Aunor
-Requiem Mass para kay Pope Francis, isinagawa sa Manila Cathedral
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
-Rite of the Ascertainment of Death ni Pope Francis, isinagawa na
-Vatican: Stroke, coma, at irreversible cardiovascular collapse ang cause of death ni Pope Francis
-Balik-tanaw sa buhay ng kinikilalang "People's Pope"
-Kabaitan at kabutihang-loob ni Pope Francis, inalala ng ilang Katolikong Pilipino na nakadaupang-palad niya
-Ilang personalidad, bumisita sa huling araw ng burol ni National Artist at "Superstar" Nora Aunor
-Labi ni National Artist at Superstar Nora Aunor, binigyang-pugay sa Metropolitan Theater bago ang state funeral
-Pope Francis, hiniling na ilibing siya sa Basilica of St. Mary Major; ilalagak ang kanyang labi sa simpleng kabaong na kahoyMga kardinal, magtitipon para bumoto ng susunod na Santo Papa
-Chinese national, arestado matapos makabangga ng 2 sasakyan at makipaghabulan sa mga pulis
-WEATHER: PAGASA: 26 na lugar, posibleng tamaan ng danger level na heat index ngayong Martes
-INTERVIEW: PABLO VIRGILIO CARDINAL DAVID, PRESIDENT, CBCP
-Malacañang: April 22, 2025, National Day of Mourning para kay Nora Aunor
-Barangay kagawad, patay matapos masaksak nang umawat sa komosyon
-Argentinians, nag-alay ng misa kay Pope Francis sa dating pinagsilbihang simbahan
-National Artist at Superstar Nora Aunor, dadalhin na sa Libingan ng mga Bayani
-OPM icon na si Hajji Alejandro, pumanaw sa edad na 70
-Dumating na sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig ang labi ni Nora Aunor
-Requiem Mass para kay Pope Francis, isinagawa sa Manila Cathedral
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
Category
🗞
NewsTranscript
00:00.
00:02.
00:04.
00:08.
00:10.
00:12.
00:14.
00:18.
00:20.
00:22.
00:24.
00:28.
00:29.
00:30.
00:31.
00:32.
00:33.
00:34.
00:35.
00:36.
00:37.
00:38.
00:39.
00:40.
00:41.
00:42.
00:43.
00:44Some of you have lost part of your families.
00:46.
00:47.
00:48.
00:49.
00:50All I can do is keep silence.
00:52.
00:53.
00:54.
00:55.
00:58.
00:59.
01:00.
01:01.
01:03.
01:04.
01:05.
01:06.
01:08.
01:09.
01:10.
01:11.
01:12Thank you very much.
01:42Thank you very much.
02:12Thank you very much.
02:42Thank you very much.
03:12Thank you very much.
03:42Thank you very much.
03:44Thank you very much.
04:14Thank you very much.
04:16Thank you very much.
04:18Thank you very much.
04:22Thank you very much.
04:24Thank you very much.
04:54Thank you very much.
04:56Thank you very much.
04:58Thank you very much.
05:00Thank you very much.
05:02Thank you very much.
05:04Thank you very much.
05:06Thank you very much.
05:08Thank you very much.
05:10Thank you very much.
05:40Thank you very much.
05:44Thank you very much.
05:49They are children of God. God wants them well. God accompanies them.
05:57Condunning a person like this is a sin.
06:07Criminalizing people of homosexuality is an injustice.
06:20Tumatak si Pope Francis bilang the people's pope.
06:26Magiling rin siya sa mga bata.
06:32Nagpapakita ng malasakit sa mga may hirap, pati sa mga may kapansanan at sakit.
06:40Dahil sa angking karisma at progresibong pananaw, tinatawag siyang rockstar pope ng ilang media outlet.
06:49Sa ilalim din ang kanyang pamumuno, hayag ang kinundina ni Pope Francis ang mga reklamo ng pangaabuso sa kanilang hanay.
06:59At tinanggal sa pagkapari ang ilang napatunayan na kasala.
07:03Siya rin mismo ang humingi ng tawad sa ilang biktima.
07:06Mabuhay si Mama Francisco!
07:07Tumatak!
07:38Kabilang sa mga pinuntahan niya ang Takloban Leyte na labis na napinsala sa Super Typhoon Yolanda noong 2013.
07:48Nagmisa siya at kinumusta ang mga nasalanta ng bagyo.
07:51Kise venir para estar con ustedes.
07:57I'm here to be with you.
07:59Un poco tarde, me dirán, es verdad.
08:02A little bit late, I have to say.
08:05Pero I'm here.
08:06Tantos de ustedes perdido parte de la familia.
08:15Some of you have lost part of your families.
08:20Solamente guardo silencio.
08:24All I can do is keep silence.
08:28Los acompaño con mi corazón en silencio.
08:33And I walk with you all with my silent heart.
08:38Santo Niño also remind us...
08:41Ang huli niyang misa sa Quirino Grandstand bago umalis ng bansa,
08:45dinaluhanan na sa 6 hanggang 7 milyong tao,
08:48pinakamalaking people gathering sa buong daigdig.
08:51Muchisimas gracias.
08:53Tante gracias.
08:55Thank you very much.
08:57Maraming maraming salamat po.
09:0276 na taong gulang na si Paul Francis na maging pinuno ng Holy See.
09:11Hindi na nakakagulat ang mga naging hamon sa kanyang kalusugan,
09:15lalot nung kanyang early 20s ay natanggalan siya ng parte ng baga
09:19matapos magkaroon ng severe pneumonia.
09:22Bukod sa inindang double pneumonia kamakailan,
09:25nagkaroon na rin siya noon ng sciatic pain
09:28na ramdam sa kanyang mga tuhod at binti.
09:33Dalawang beses na rin siyang naoperahan sa tiyan noong 2021 at 2023.
09:38Sa kitna ng mga pagsubok na ito, marami ang nakaalala,
09:48nagmahal,
09:51at nagdasal para sa people's folk.
09:53Maris umali ng babalita para sa GMA Integrated News.
10:03Maris umali ng babalita para sa GMA Integrated News.
10:16Kuha na tayo ng update mula sa Vatican City,
10:18mula kay GMA Integrated News Stringer Andy Piñafuerte III.
10:24Andy?
10:25Raffi, mula kahapon, ramdam na ang pagluloksa, lalo rin ito sa kinatatayuan natin,
10:31kung saan binabawian ang buhay si Pope Francis, ang Casa San Marta.
10:35Sa paglilibot ng GMA Integrated News Team sa Vatican City,
10:38mula pa kahapon, nakita natin ang mga nakikidalamhati sa pagyao ng Santo Papa.
10:43Kanina sa paglalakad natin sa St. Peter's Square,
10:47nakita na natin na mahigpit ang seguridad, lalo at may mga medical team na
10:52at sinaset-up na rin ang mga barrikada.
10:55Nakita rin natin na sinaset-up na rin ang mga screen
10:58kung saan inaasahang ipapakita ang mga labi ng Santo Papa.
11:06Kabilang sa mga Pilipinong bumisita rito,
11:08ang ilang pamilyang nagdiwang ng Lingko ng Pagkabuhay
11:11at bumalik pa kahapon sa St. Peter's Square
11:13para magdasal ng Rosario para sa Santo Papa.
11:16May ilang tayong mga kababayan na naging emosyonal
11:18dahil para raw silang nawalan ng kamag-anak sa paggayao ni Lolo Kiko.
11:23Yan ang bansag kay Pope Francis na bumisita sa ating bansa noong 2015.
11:30Andy, ano yung mga susunod na aktibidad dyan sa Vatican City
11:33kasunod ng pagpanongan ng Santo Papa?
11:37Paarapi ngayong umaga, oras dito sa Vatican City,
11:40inaasahang mangyayari ang unang pagditipo ng mga kardinal
11:43na nanggaling pa sa iba't ibang bahagi ng mundo.
11:46Sa pagditipo na yan, maaaring mapagdesisyonan ng mga kardinal
11:50ang pecha ng paghahatid sa huling hantungan ni Pope Francis
11:54sa Basilica of St. Mary Major sa Central Rome.
11:57Alas otso kagabi dito sa Vatican City, o alas dos na madaling araw dyan sa Pilipinas,
12:03sinelyuhan ni Cardinal Kevin Farel o ang kamerlengo ng Simbahang Katolika
12:09ang pintuan sa kwarto ni Pope Francis dito sa Casa San Marta,
12:12pati na rin ang pintuan sa PayPal Apartment sa Apostolic Palace.
12:17Wala pang isang oras na nagtaggal yung ritual na yan,
12:21kung saan ideklara ng kamerlengo ang pagyaon ng Santo Papa,
12:26pati ang paglagay sa kanyang mga labi sa kabaong.
12:29Andy, bakit daw pinili ng Santo Papa na mahimlay sa Basilica of St. Mary Major
12:33at hindi dyan sa mismo ng St. Peter Basilica?
12:39Rafi, matatandaan natin na malalim ang debosyon ng Santo Papa sa Birhen Maria.
12:46At nakaugalian na ng Santo Papa na magdasal sa Basilica of St. Mary Major
12:52bago siya umalis pa puntang abroad, o pati na rin sa kanyang pagbabalik sa kanyang mga travel
12:58dito sa Roma.
13:00Dito lamang April 12, nagdasal ang Santo Papa
13:03sa loob ng Basilica sa harapan ng ahin ng Birhen Maria
13:08para simulan ang Semana Santa ngayong taon.
13:13Okay, maraming salamat.
13:14GMA Integrated News Stringer Andy Peñaferte,
13:16the third live mula sa Vatican.
13:28Saan mang panig ng mundo ramdamang kabutiang loob ni Pope Francis?
13:31Kabilang sa mga nakaramdam niyan ang ilang Katolikong Pilipino
13:34na nagkaroon ng pagkakataon na siya'y makadaupang palad.
13:38Narito po ang aking report.
13:40Sa pagpano ni Pope Francis,
13:50baon ng nasa pitong milyong Pilipinong dumalo
13:52sa tinuguri ang largest PayPal crowd
13:54ang alaala nila ng minsang masilaya ng Santo Papa noong 2015 dito sa Pilipinas.
13:59Sa simpleng kaway, nabuhay ang pananampalataya ng mga Katolikong Pilipino.
14:04Saan mang panig ng mundo?
14:06Noong 2019, grade 2 pa si Simone Gabrielle Calaman
14:10nang makakwentuan ang inidolong Santo Papa.
14:13It was a surreal experience.
14:16It was like meeting your hero.
14:19And for me, si Pope yung hero ko.
14:22Ibinigay pa ni Pope ang kanyang mismong PayPal cap.
14:25I was looking him in the eyes and he was looking at me.
14:28Tinatch niya yung ulo ko and then tinanggal niya yung cap niya
14:32and then nilagay niya sa ulo ko.
14:34Nitong Easter Sunday, nasa St. Peter's Square siya at kanyang ina.
14:38Huling sulyap na rin pala ito ni Simone sa huling dungaw ni Pope Francis.
14:42He's the worker of hope.
14:44He's been a beacon for yung mga, for the poor, for the sick,
14:49for yung mga tao na the world would refuse.
14:53He didn't refuse them. That's yung way that I remember him.
14:57Si Patrick de Leon, baon din ang alaalan ng Santo Papa
15:00nang masilayan niya ito sa World Youth Day Lisboa 2023 sa Portugal.
15:06Habang si Steven Suganov, mapalad na nakalapit sa Santo Papa
15:10sa kanyang huling general audience noong Pebrero bago maospital.
15:13Kung tutuusin, ilang beses niya na raw nakita si Pope.
15:16Pero sa kanya, ang mga ganitong tagpo lagi raw makabagbag damdamin.
15:21Tila inake ng kabutihan ng Santo Papa ang mga Pilipino
15:24para maniwala at magkaroon ng malalim na pag-asa at pananalig
15:29at si Lolo Kiko mananatili sa kanilang mga puso.
15:33Rafi Tima nagbabalita para sa GMA Integrated News.
15:37Sa huling gabi ng burol ng Yumaong National Artist for Film and Broadcast Arts na si Nora Honor,
15:51dumating ang mga personalidad at artista para magbigay ng respeto
15:55sa huling pagkakataon sa nag-iisang superstar.
15:58Bumisita si Pangulong Bongbong Marcos
16:01kasama si First Lady Liza Araneta Marcos
16:04kasama nila si Presidential Communications Office Secretary Jay Ruiz.
16:09Dumating din si Sen. Aini Marcos
16:12na dating Director General ng Experimental Cinema of the Philippines.
16:16Isa sa mga proyekto nito ang 1982 classic film na Himala
16:21kung saan gumanap si Nora bilang iconic character niyang si Elsa.
16:26Nakiramay din si dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada
16:30na nakatambal ni Ate Guy sa pelikulang
16:33Erap Is My Guy noong 1973 at Bakya Monenen noong 1977.
16:38Dumalaw rin ang kapuso TV host na si Boy Abunda
16:41na isaraw certified noranyan.
16:43Emosyonal na inalala ni Boy ang idolo at matalik na kaibigan.
16:48Para sa isang taghanga, she'll always be the greatest actor
16:50Philippine Cinema has produced.
16:52She was big. She was huge in everything.
16:59And the only way para sa akin to understand the phenomenon
17:06that was Nora Onor was to love her.
17:09Isang linggo bago pumanaw ay nakausap pa raw niya si Ate Guy.
17:13May mga pag-uusap na wala kaming ginawa kung di tawa lang ng tawa.
17:16May mga pag-uusap na pahirap.
17:19May mga pag-uusap na kasal.
17:23Ibat-ibang klase ng pag-uusap ang pinagdaanan namin ni Ate Guy.
17:27Inalala rin ng aktres na si Cheryl Cruz si Ate Guy, at ng veteranang aktres na si Butts Anson Rodrigo.
17:40We want to celebrate her life because it was quite an exciting, colorful, glorious, meaningful life.
18:01Um, kumari ko po si Nora, inaan ako po si Ian.
18:06Narito rin ang aktor na si Tirso Cruz III na kanyang dating kalove team.
18:10Nakiramay rin si na GMA Network Officer in Charge for Entertainment Group, Cheryl Ching Si, Rochelle Pangilinan, Judy An Santos, at Ryan Agoncillo.
18:20At National Artist for Film and Broadcast Arts, Ricky Lee.
18:24Nakiramay din si Annabel Rama, maging si John Orcilia.
18:28Malaki umanong inspirasyon sa kanya ang superstar.
18:31Nakakapanghinayang din daw na hindi na matutuloy ang pelikulang gagawin sana nila ni Ate Guy.
18:37Katrina Son nagbabalita para sa Jimmy Integrated News.
18:49Binigyang pugay muna dito sa Metropolitan Theatre sa Maylina ngayong umaga
18:54si National Artist at Superstar na si Nora Onor bago dalhin ang kanyang mga nabi sa libingan ng mga bayani.
19:01Eksaktong alas 8.30 ng umaga dumating ang hearse na may dala ng mga nabi ng Yumaong National Artist for Film and Broadcast Arts
19:09at tinaguri ang superstar na si Nora Onor dito sa Metropolitan Theatre mula sa Heritage Park sa Taguig City.
19:15Nakasunod sa pagmarcha ng kanyang mga nabi ang kanyang limang anak na si Nalotlot, Ian, Matet, Kiko at Kenneth, pati na ang kanyang mga apo, pamilya at mga kaibigan.
19:25Marami rin fans at noranyans ang nagabang para masilayan sa huling sandali ang kanilang idolo.
19:31Ang ilan ay galing pa sa mga probinsya at emosyonal na nagpapahatid ng kanilang pagmamahal kay Ate Guy at pakikiramay sa kanyang mga naiwang mahal sa buhay.
19:39Alas 9 ng umaga, nagsimula ang necrological tribute para kay Ate Guy na ang tunay na pangalan ay Nora Cabaltela Villamayor
19:47bilang isang pambansang alagad ng sining para sa pelikula-sining broadcast.
19:52Bukod sa mga opisyal ng NCCA o National Commission for Culture and the Arts at Cultural Center of the Philippines o CCP,
20:00nagsalita rin at nagbigay ng tribute ang scriptwriter at isa rin yung national artist for film and broadcast arts na si Ricky Lee,
20:08pati na ang director na si Joel Lamangan na nakasama at edinirek si Nora sa ilan niyang award-winning films.
20:14Nagbalik tanaw din sa kanyang experience sa pagiging fan, katrabaho at kapo-artista si Charles Santos.
20:22Inalala at binigyang pagpupugay ang naging buhay ni Nora mula sa kanyang humble beginnings,
20:27isang teen-ager na nagtitinda ng tubig at mani sa estasyon ng tren sa Bicol hanggang sa naging sikat na aktres at singer
20:35at ngayon ay itinanghal na rin binang isang national artist dahil sa kanyang ambag sa sining.
20:41Inawit naman ni Azel Santos ang Walang Himala kasama ang Philippine Madrigal Singers na mula sa classic film na Himala noong 1982.
20:49Itinanghal din ang kantang Superstar ng Buhay ko habang ipinapakita ang mga pinagbidahang pelikula ni Ate Guy.
20:57Nagpadala rin ang mensahe si Pangulong Bongbong Marcos.
21:01Pagkatapos ng necrological tribute dito sa Metropolitan Theater,
21:04ay dadalhin na ang mga labi ni Nora Onor sa libingan ng mga bayani.
21:09Yan muna ang latest dito. Balik sa inyo dyan sa studio, Connie and Rafi.
21:13Kasunod po ng pagpanaw ni Pope Francis, magsasagawa ng conclave o pagboto ng mga kardinal ng Simbahang Katolika
21:31para pumili ng susunod na Santo Papa.
21:34Ang libing naman ni Pope Francis magiging simple lamang daw base na rin sa kanyang bilin.
21:39Balitang hatid ni Mark Salazar.
21:41Tumatak sa mga Katoliko ang mga katangian ni Pope Francis na mapagkumbaba at progresibo.
21:51Ang kanyang payak na pamumuhay at pananaw masisilayan maging sa kanyang burol at libing.
21:58Noong isang taon kasi, binago ni Pope Francis ang papal funeral rites.
22:02Kung karamihan sa mga naon ng Santo Papa nakalibing sa St. Peter's Basilica sa Vatican,
22:07si Pope Francis piniling mahimlay sa Basilica of St. Mary Major sa Roma.
22:12Para mapalapit sa paborito niyang icon ng Birhing Maria, ang Madonna.
22:17Isa ito sa apat na Major Papal Basilica o pinakamataas sa ranggo ng mga simbahan sa Katolisismo.
22:23Siya ang magiging unang Santo Papa pang ililibing sa labas ng Vatican.
22:28Matapos ang mahigit isang siglo, hiniling din niyang malagak sa isang simpleng kabaong na gawa sa kahoy,
22:34hindi gaya sa mga nauna sa kanya na inilagay sa tatlong layer ng kabaong na gawa sa cypress at oak.
22:40Ayaw rin niyang i-display sa St. Peter's Basilica ang kanyang mga labi.
22:44Wala pang anunsyo ng petsa ng libing na karaniway apat hanggang anim na araw pagkamatay ng Santo Papa.
22:51Labing lima hanggang dalawampung araw mula sa pagpanaw sisimulan ang proseso ng conclave.
22:56Dito magtitipon-tipon ang mga Cardinal sa Sistine Chapel
23:00at hindi makakalabas para pagbutohan kung sino sa kanila ang hahaliling Santo Papa.
23:05Lahat ng mga Cardinal na wala pang edad 80 maaaring bumoto sa pamamagitan ng secret ballot.
23:11Kailangang makamit ang botong hindi bababa sa two-thirds plus one.
23:16Sa dalawang nagdaang conclave, inabot ng dalawang araw ang butuhan.
23:20Sinusunog ang mga paper ballot kada voting round.
23:23Kung walang nailukluk, itim na usok ang lalabas sa chimney ng Sistine Chapel.
23:27At kung meron na, lalabas ang usok na puti at pormal nang ipoproklama ang...
23:33Abengus Papa.
23:34Mark Salazar, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
23:40Ito ang GMA Regional TV News.
23:47Mainit na balita mula naman sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
23:52Arestado po ang isang Chinese national matapos makipaghabulan sa mga pulis sa Dasmarinas Cavite.
23:58Riz, bakit naman siya nakipaghabulan sa mga pulis?
24:04Tony, may mga nabangga na kasing ibang sasakyan ang Chinese national na nagmamaneho noon ng isang SUV.
24:13Sa video, kita pa ang pagtakas ng SUV sa mga humahabol na pulis sa Barangay Paliparan 3,
24:18kahit flat na ang gulong nito.
24:20Napahinto sa Center Island ang sasakyan at doon na nilapitan ang mga pulis at inaresto ang driver.
24:26Batay sa investigasyon, lasing ang Chinese national nang mangyari ang insidente.
24:32Bago mahuli, may nabangga na siyang jeep at isa pang sasakyan bago tumama sa Center Island.
24:39Maharap siya sa reklamong reckless imprudence resulting in multiple damage to properties at anti-drunk and driving act.
24:47Walang pahayag ang sospek.
24:49Aabot sa 26 na lugar sa bansa ang posibleng makaranas ng danger level na heat index ngayon pong Martes.
25:01Ayon sa pag-asa, posibleng umabot sa 46 degrees Celsius sa San Ildefonso, Bulacan,
25:0645 degrees Celsius sa Dagupan, Pangasinan, 44 degrees Celsius sa Tugigaraw, Cagayan,
25:1243 degrees Celsius sa Parikagayan, Echagi Isabela, Balera Aurora, Olonga Pusiti, Sangli Point Cavite, Puerto Princesa, Aborlan at Kuyo sa Palawan, at sa Dumangas, Iloilo.
25:25Posibleng mang umabot sa 42 degrees Celsius ang heat index sa ilan pang bayan at lungsod sa Luzon, maging sa Northern Samar at sa Zamboanga.
25:35Extreme caution level pa rin ang asahang alinsangan dito po sa Metro Manila.
25:3941 degrees Celsius sa Pasay, habang 40 degrees Celsius dito po sa Quezon City.
25:44Malaking bahagi pa rin ang bansa ang apektado ng mainit na Easter Leaves ayon sa pag-asa,
25:49habang mataas ang tsansa ng ulan ngayon sa Mindanao dahil po sa Intertropical Convergence Zone o ITCZ.
25:56Mga kapuso, kung hindi magiging maulap o maulaan sa inyong lugar ay maaari niyong masilayan ng layered meteor shower.
26:02Mami ang gabi ang peak activity ng mga nasabing bulalakaw.
26:06Hanggang labing walong meteors ang maaari daw makita kada oras.
26:14Kaugnay ng pagpano ni Pope Francis at nakatakdang pagpili ng papalit na Santo Papa,
26:28makakakapanayam natin si Calocon Bishop at Catholic Bishops Conference of the Philippines President Pablo Vergilio Cardinal David.
26:34Salamat po sa pagpapaunlaksa amin ng panayam dito po sa Balitanghali Cardinal David.
26:38Walang anuman at gandang tanghali sa inyo lahat.
26:44Apo, kamusta po yung paghahandaan nyo sa inyong biyahe pa Vatican?
26:47Lahat na po ba ng mga Cardinal patungo na sa Vatican?
26:51Well, pare-pareho kaming naghihintay ng instruction mula sa dean ng mga Cardinals,
26:56si Cardinal Re mula doon sa Roma.
27:00At kasalukuyan ay nagpupulong ang mga Cardinals na based doon sa Roma
27:07para i-finalize nila yung schedule ng funeral ng Santo Papa
27:12at saka ng magiging simula ng conclave para sa eleksyon ng isang bagong Santo Papa.
27:19Usually, gaano po katagal pagkatapos ng libing bago magsimula yung conclave o depende po sa pag-uusapan?
27:24Well, depende talaga yan sa pag-uusap at usually anywhere between 10 to 15 days
27:33pagkatapos ng funeral, anywhere between 10 to 15 days ay ginaganap yung conclave.
27:45Speaking of conclave, ano po inaasahan nyo dito sa PayPal conclave sa lahat na mga nangyari ngayon sa buong mundo?
27:50Anong direction po kayang pupunan natin itong conclave na inyong dadaluhan?
27:54Well, siyempre, bago yung conclave, nagluloksa muna tayo sa pagpanaw ng ating mahal na Santo Papa
28:02at medyo in a state of disbelief pa kami kasi hindi talaga siya inaasahan.
28:09Nakala namin ay nagre-recover na talaga siya.
28:12Pero napakaganda ng timing ng kanyang pagpanaw dahil ito ay Easter Monday.
28:20Ang last message niya sa buong mundo ay isang Easter message na masaya.
28:27And ang tinutukoy niyang mga luha na dapat iluha natin ay luha daw ng kaligayahan.
28:34Tapos biglang lumuluha tayo ng luha ng kalungkutan.
28:37Pero updated naman talaga ang luha ng kalungkutan sa luha ng kaligayahan.
28:42Kasi si Pope Francis din ang madalas magsabi na mas malinaw daw na makakakita
28:48ang mga mata na hinugasan ng maraming luha.
28:51So very up po ba yung pagpanaw ni Pope Francis?
28:55Gayun nakabalik siya mula sa pagkakasakit.
28:58Maraming nga nagsasabing pagaling na siya pero biglang nga siyang pumanaw
29:02at a very timely day dito po sa Roman Catholic calendar.
29:07Oo, totoo.
29:08Kasi itong Easter Sunday ang pinaka-importanting kapistahan
29:15ng kalendaryo ng Simbahang Katolika.
29:18At yun, parang na-fulfill siguro niya yung pangarap niya
29:24na matapos ang kwarensma niya sa Paskong Pagkabuhay.
29:28At nangyari nga siya.
29:31And kaya in a way kahit nalulungkot tayo ay masaya din tayo para sa kanya.
29:36Paano niyo po ilalarawan yung kabuong lagay ng Simbahang Katolika
29:39sa pagpano po ni Pope Francis?
29:41At tulad ng nabanggit ko, pagluloksa.
29:44So nagluloksa ang buong Simbahang Katolika ngayon.
29:49Kahit yung nga panahon ng dapat pagsasaya
29:52dahil panahon ng Easter eh, ng pagkabuhay.
29:59At ang panahon ng pagkabuhay, limangpung araw yan hanggang sa araw ng Pentecostes,
30:04ang araw na ipagdiriwang natin ang pagbaba ng pasalubong ng Panginoon,
30:09ang Espiritu Santo.
30:10Pero ito, parang dahil nataon siya sa biglang pagpanaw ng ating mahal na Santo Papa,
30:18eh nasabayan siya ng pagluloksa.
30:20Pero yun nga, nilagay niya sa tamang liwanag ang ating pagluloksa.
30:26Magloksa tayo pero dapat isang pagluloksa na may pag-asa.
30:30Pagluloksa na mayroon pa rin galak dahil sabi ko nga,
30:36ang mga matang nahugasan ng maraming luha ay mas nakikita,
30:40nasisilayan ang pag-asang hatid ng pagkabuhay.
30:44Cardinal, sa palagay niyo ba nahihanda ni Pope Francis yung Simbahang Katoliko
30:48sa kanyang pagpanaw, sa kanyang paglisan,
30:51hindi lang bilang Pope, kundi sa kanyang aral,
30:56sa tagal ng kanyang panunungkula sa Simbahan?
30:58Ay oo naman.
31:00At itong Santo Papa na ito ay maraming aral na naituro sa Simbahan
31:07sa mga nakarang taon ng kanyang paglilingkod bilang Ubispo ng Roma.
31:13Kaya siya Santo Papa dahil Ubispo siya
31:15ng Simbahang tinuturing nating pinakapinuno
31:20ng maraming mga Simbahan sa Universal Church.
31:24At yung mga panulat niya, mga turo niya,
31:28mga homily niya, ay talagang kakaiba.
31:32Sa tingin ko, ito yung Santo Papa talaga na nagturo sa Simbahan na matutong makinig.
31:41Kasi laging ang konsepto natin ng Simbahan, mga pinuno na Simbahan,
31:45pinakikinggan.
31:46Pero kung ibig nating pakinggan tayo, matuto tayong makinig.
31:51Matuto tayong magbukas ng pinto at magpatuloy.
31:56At hindi lang magbukas ng pinto para magpatuloy,
31:59kundi magbukas ng pinto para lumabas.
32:01Para lumabas sa mga laylayan,
32:05laylayan ng Simbahan, sa laylayan ng lipunan.
32:08At matutong makilakbay sa lahat ng kapwa,
32:15hindi lang sa kapwa katoliko, kristyano,
32:18kundi sa lahat ng kapwa at tao at lahat ng kapwa nila lang.
32:21Ganyan si Pope Francis na napaka-inclusive niya,
32:26yung welcoming niya.
32:28At lagi niya tayong tinuturuan na magpakumbaba at matutong makilakbay.
32:35Well, abangan po namin yung inyong pagtungo sa vating
32:39and of course yung conclave na kasunod nitong paglilibing kay Pope Francis.
32:43Maraming salamat po sa oras na ibinahagi nyo sa Balitanghali.
32:47Okay.
32:48Kalokan Bishop at CBCP President Pablo Virgilio Cardinal David.
32:57Idineklara ng Malacanang na ngayong araw, April 22,
33:00ay National Day of Mourning.
33:02Para po yan sa pagpanaw ng National Artist at Superstar na si Ms. Nora Unor.
33:07Ang update sa kanyang state funeral sa libingan ng mga bayani
33:10sa ulat on the spot ni Jonathan Andal.
33:13Jonathan?
33:18Connie, itong mga nasa likod ko ay yung mga Noranyans o yung mga fans
33:22ni National Artist for Broadcast and Film at Superstar, Nora Unor.
33:27Yung ilan po sa kanila, may dalang mga memorabilia.
33:30Yung iba dito, 1994 pa yung petsa na tinagutaw talaga nila.
33:33Dahil noon pa man daw, ay fan na sila ni Superstar Nora Unor.
33:37Dito po sila nakaupo sa may harap ng gravesite
33:41kung saan po ililibing o iihihimlay sa huling hantungan si Superstar Nora Unor.
33:46Kanina, naging emosyonal yung mga Noranyans
33:49habang kinakanta yung isa sa mga hitsong ng kanilang idol
33:52na Superstar ng Buhay ko.
34:09Nasa sandaang Noranyans ang nag-aabang narito sa pagdating ng labi ni Nora.
34:15Ganito ang magiging proseso ayon sa Philippine Army.
34:17Pagdating sa gate, bibigyan si Nora ng departure honors.
34:21Ililipat ang kanyang kabaong sa military caisson o karuahe ng militar
34:25para sa funeral march.
34:27Sa marcha, nasa likod ng karuahe ang pamilya ng Superstar
34:30at isang batalyong honor guard.
34:33Pagdating sa puntod, bibigyan siya ng final benediksyon o pagbabasbas
34:36at magkaharoon ng final viewing para sa pamilya, kaibigan, fans at iba pa.
34:41Bilang National Artist for Film and Broadcast Arts,
34:44gagawaran si Nora ng three volleys of fire.
34:47Tatlong set yan ng tigpipitong putok ng rifle gun.
34:50Sunod niyan, ititiklop ang watawat ng Pilipinas na nasa kabao ng Superstar
34:55at saka ito yaabot ng militar sa pamilya ni Nora.
34:58Base sa tradisyon, bandang alas 12 ng tanghali,
35:00ihimlay na si Nora sa kanyang huling hantungan.
35:03Kanina, wala pa man ang mga labi ng Superstar e,
35:06emosyonal na ang ilan sa kanyang fans.
35:08Narito ang ilan sa kanyang fans.
35:10Mahal na mahal na namin si Nora.
35:15Talagang wala na hong tutulad sa kanya.
35:18Wala akong siyang pinipilin tao.
35:21Lahat mahirap.
35:22Connie, itong lugar na ito,
35:29Section 13 ng Libinga ng Mga Bayani,
35:32dito po nililibing yung mga national artists at mga national scientists.
35:36Si Nora po ay pang limamputlima na individual na ililibing po dito.
35:41Ang makakatabi niya po sa puntod
35:42ay ang kanyang mismong direktor ng Pilikulang Himala
35:45na si Director Ishmael Bernal.
35:48Yan muna ang latest mula rito sa Libinga ng Mga Bayani.
35:51Balik sa iyo, Connie.
35:52Maraming salamat, Jonathan Andal.
35:56Ito ang GMA Regional TV News.
36:01Mainit na balita mula sa Visayas at Mindanao
36:04hatid ng GMA Regional TV.
36:06Patay ang isang barangay kagawat sa New Lucena, Iloilo
36:09matapos masaksak ng isang lalaki.
36:12Sarah, ano yung ugat ng krimen?
36:14Raffi, pumagit na raw ang barangay kagawat sa komosyon na nagsimula
36:20dahil sa pambabastos umano ng 35 anyos na sospek.
36:25Sa isang video, makikita ang tinatakbuhan ng isang lalaki
36:28ang dalawang iba pang lalaki na humahabol sa kanya.
36:31Ang isa sa mga nanghahabol may dalang panaksak.
36:34Base sa embisigasyon, nambastos ang sospek ng isang tindera ng hito.
36:39Sinita raw ng iba pang tindera ang lalaki hanggang magkaroon ng komosyon.
36:42Doon na rumisponde ang 50 anyos na barangay kagawa
36:46na nasaksak ng kutsilyo sa tiyan.
36:49Depensa ng sospek, hindi niya intensyong mapatay ang biktima
36:52matapos siyang pagtulungan ng mga tao.
36:55Baharap siya sa reklamo ng komisay.
37:07Isang bisang idinaaus para kay Pope Francis sa Buenos Aires Cathedral sa Argentina.
37:11Sa nasabing simbahan naglingkod dati si Pope Francis noong siya ay isang arsobispo pa lang.
37:17Dumagsa roon para mag-alay ng dasal ang mga kababayan ng pumanaw na Santo Papa.
37:21Muling binigyang pugay ng mga Argentinyan ang walang sawang paglilingkod ni Pope Francis
37:26lalo na sa mahihirap at sa pagtataguyod niya ng mga progresibong reporma.
37:301936 nang isinang ang Santo Papa sa pangalang Jorge Mario Berjolio.
37:36Siya ang kauna-una ng Santo Papa mula sa Latin America.
37:45Dadalhin na sa libingan ng mga bayani sa Taguig City ang mga labi
37:49ng national artist at superstar na si Nora Honor.
37:52Bago mag-alas 11 ng umaga ay natapos ang tribute program para kay Nora Honor dito sa Metropolitan Theatre.
38:02Binigyan siya ng standing ovation bilang pagkilala sa kanyang di matatawarang ambag
38:07bilang isang alagad ng sining.
38:09Ilan sa mga tumatak na pelikula ni Ate Guy, Ang Himala, Tatlong Taong Walang Diyos,
38:14Banawi, Stairway to the Sky, Bona, Minsay Isang Gamogamo, Sidhi at The Floor Contemplation Story.
38:19Bukod sa pagiging mahusay na aktres ay napaka-generous din daw ni Nora
38:24at mapagmahal sa kanyang fans at sa mga ordinaryong tao.
38:28Sa lobby ay sinabuya naman ng petals ang kanyang kabaong
38:31at muling tumanggap ng masigabong palakpakan.
38:35Sa mga sandaling ito ay papunta na ang convoy ng kanyang her sa libingan ng mga bayani
38:39kung saan bibigyan siya ng isang state funeral bilang isang pambansang alagad ng sining.
38:49Samantala, pumanaw na rin po sa edad na pitong po ang OPM icon na si Haji Alejandro.
39:03Kinumpirma yan ng kanyang pamilya sa isang pahayag ngayong umaga.
39:08Kasunod nito, humingi rin sila ng pangunawa at privacy
39:11habang ipinagluloksa ang anilay tremendous loss.
39:14Hindi tinukoy ng pamilya kung ano ang kinamatay ng OPM hitmaker
39:18pero kamakailan napabalita na isinugod siya sa ospital dahil sa stage 4 colon cancer.
39:24Nakilala noong 70s bilang kilabot ng mga kolehyala.
39:28Ilan sa mga naging sikat na kanta ni Alejandro
39:30ang tag-araw, tag-ulan, panakip butas at kay ganda ng ating musika.
39:36Nakikiramay po kami sa mga naiwan ng OPM legend.
39:39Sa mga sandanin po ito ay dumating na nga sa libingan ng mga bayani sa tagig
39:51ang labi ni Nora Honor para sa igagawad sa kanyang state funeral.
39:56At nakikita nga po natin na ito ngayon ay napapalimutan na
40:01na mga kawani ng sandatahang lakas ng Pilipinas.
40:04Ngayon din, syempre ito po ay hahatakin ng isang puting jeep.
40:09At ito nga po ay ihahabol sa alas 12 na sinasabing pagbibigay sa kanya
40:17ng state funeral sa kanya pong huling hantungan.
40:22At doon naman sa area po kung saan naghahantay ang ilan sa mga Noranyans
40:27ay nakikita natin kanina pa rin ang kanila pong taus-pusong,
40:32syempre ang pakikiramay sa nag-iisang superstar.
40:35At kahit na mainit ang panahon, ay naroon din at nagaantabay
40:41ang ilan paru sa kanyang mga mahal sa buhay at mga fans ng ating pong yumaong superstar.
40:47Isang requiem mass ang isinagawa po sa Manila Cathedral kasunod naman ng pagpanaw ni Pope Francis.
41:04Kabilang po sa mga inalala ang kanyang naging pagbisita sa Pilipinas noong 2015.
41:10At may ulot on the spot si Maris Umali.
41:12Maris?
41:13Tony, taimtim nga ang isinagawang requiem mass na idinaos kaninang umaga sa Manila Cathedral
41:20para sa kaluluwa ng pumanaw na Santo Papang si Pope Francis.
41:24Pinangunahan nito ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula
41:28at con-celebrated ni na Bishop Antonio Tobias at PayPal Nuncio Most Reverend Charles Brown BB.
41:34Sa kanyang homily, bagamat masaya at pinalalalim ni Cardinal Advincula
41:38ang ating pagtanggap sa muling pagkabuhay ni Jesus.
41:41Malungkot naman daw na nagbiriwang ngayon para ipanalangin ang yumaon nating si Lolo Kiko.
41:46Inalala niya ang naging buhay nito na naging espesyal sa mga Pilipino.
41:50Lalo na sa pagbisita niya sa atin noong 2015.
41:53Na nakatatak na rao sa ating pambansang alaala,
41:55laling na sa mga tagatakloban na bumabangon pa lang noon sa pananalasan ng Bagyong Yolanda.
42:00Pinakita rao ng Santo Papa kung paano makiisa sa paghihirap ng kapwa.
42:05Sa gitna naman ng pagluluksan,
42:06nagpasalamat ang opisya na kinatawa ng Santo Papa sa bansa.
42:09Repetay pa noon siya Charles Brown sa mga Pilipino
42:12sa patuloy na pagdarasal nito para sa kanya,
42:14lalo na sa nakalipas ng dalawang buwan noong nasa kritikal na kalagayan ang Santo Papa.
42:20Humaba pa rao ang buhay ni Pope Francis at nakasama pa natin hanggang Easter Sunday
42:24dahil sa pananalangin ng mga mananampalataya.
42:28Bago nito ay nagsindi ng kandila at nag-alay ng gasal si Cardinal Advencola
42:31para sa Santo Papa sa Christ the King Chapel
42:34sa loob ng basilika na inilaan para sa Santo Papa.
42:37At yan ang pinakasariwang balita. Balik sa'yo, Connie.
42:40Maraming salamat, Mariz Umali.
42:42At ito po ang balitang hali.
42:45Bahagi po kami ng mas malaking misyon.
42:47Ako po si Connie Cison.
42:48Rafi Tima po.
42:49Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
42:52Mula sa GMA Integrated News,
42:53ang News Authority ng Filipino.
42:55Bago na paglilingkod sa bayan.