Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Panayam kay Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector, Pontificio Collegio Filippino, Rome kaugnay sa pagpanaw ni Pope Francis

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00At sa punto pong ito, makakausap po natin sa linya ng ating telepono, si Fr. Gregory Gaston, rector ng Pontificio, Colegio Filipino sa Roma. Magandang gabi po sa inyo, Fr. Gaston.
00:13Hello po, magandang hapon dyan sa inyo.
00:15Alright, Fr. Si Diane Quirier po ito ng Ulat Bayan sa PTV4. Well, una po sa lahat, ano po ang inyong reaksyon sa pagpano pong ito ni Pope Francis?
00:23Opo, in a way kasi nga, February pa siya na hospital and then very hopeful tayo noon kasi bumalik siya sa Vatican and then nalessen yung oxygen, tuloy yung kanyang PT.
00:36And then kahapon mismo, lumitaw na siya sa blessing ng alas 12 dito sa Roma, Easter, blessing to the world and to Rome.
00:44And then nakaikot pa siya doon sa plaza, first time niya mula noon na hospital siya. At hindi natin alam na last niya na rin pala yun. Kaya pinagdarasan natin si Pope.
00:56Alright, well, Fr. Gaston, mag tayo po isariwain natin ang buhay po ni Pope Francis. Ano po ba yung pinagkaiba ni Pope Francis sa iba pong nating mga naging Santo Papa?
01:06Okay, so bawat Santo Papa iba, kailangan iba kasi pangit naman kung pare-pareho lahat ng Pope, no?
01:14And kasi nga iba yung panahon, iba yung history, iba yung pangangailangan ng mundo, hindi lang sa loob ng simbahan, pati sa labas kasi nagsiserve naman yung tayo sa simbahan, hindi lang sa katoliko.
01:26We serve pag may papakain, pag may school, hindi naman tanungin muna kung katoliko ka, hindi, no? Hindi lahat yan.
01:33And kaya iba-iba yung sitwasyon si Pope Francis, pareho lahat ng Pope na yung pagmamahal ng Panginoon, yan ang lahat din tayo sana, no?
01:42Yan ang ating pinapaabot sa mga tao. And si Pope Francis in a very special way sa mga pulubi, sa mga migrants, sa mga naghihirap, no? Talagang focus na focus din siya.
01:53Well, Fr. Gregory, ano po yung mga inaasahan naman po natin ng mga susunod po na mangyayari pagkatapos nga po nitong pagkamatay po ni Pope Francis?
02:03Ah, okay. So ever since, no? Ilang decades na rin na naka-prepare talaga, alam na talaga anong gagawin.
02:11Kaya nung time ni Pope, I think si Pope John Paul, no? May ginawang mga sequence, anong mangyayari.
02:17So sa ngayon ay two weeks yata na mourning period, yung funeral, darating yung mga heads of states, darating yung mga pari, yung mga pupunta dito, makilibing, makidasal, makiramay, no?
02:32Makiburol, lahat yan. Two weeks. After two weeks, tsaka yung pagdating naman ng mga cardinal, para sa kanilang one week na reflection, pagdarasal, discussion, anong sitwasyon ng simbahan at ng mundo, sa buong mundo,
02:48ano yung kailangan ng simbahan ngayon, ano yung kailangan ng leader, anong klaseng leader, kailangan ng simbahan ngayon.
02:55Isang linggo din yan, na discussions, na reflection, pagdarasal.
03:01After that, ibig sabihin, two weeks muna ngayon, one week magbimiting cardinals.
03:05After that, tsaka yung conclave, tsaka yung pagboboto nila ng Pope.
03:09With Fr. Gregory talking about that conclave, mayroon po ba na mga Pinoy na bishop na buboto po dito po sa conclave?
03:18Okay, so qualified kasi na cardinals ay lahat ng below 80.
03:24Yung mga above 80, welcome sa first week na sinabi ko kanina ng discussions, reflection, prayer, kasama lahat ng cardinal.
03:32Pag-voting na, yung pwede lang ay yung below 80 years old on that Monday, no?
03:37So, ibig sabihin si Cardinal Tagle na nandito ngayon sa Vatican na ka-assign,
03:44and then si Cardinal Advincula ng Arsobispo ng Manila,
03:49at tsaka si Cardinal David na siya naman ang obispo dyan sa Caloocan.
03:53Sila ang pwede mag-vote kasi less than 80.
03:55Yung above 80 naman na cardinals natin, retired na, si Cardinal Rosales na dating dyan sa Manila din,
04:03at si Cardinal Quevedo na naging Arsobispo sa Cotabato.
04:07Above 80 na silang dalawa.
04:09So, hindi nakasama sa pag-vote mismo ng Pope.
04:13Okay, panghuli na lamang po, Father Gregory,
04:15can you describe to us yung atmosphere and situation doon po sa Roma?
04:19And also, panawagan nyo na rin po sa publiko,
04:21kaugnay po nitong pagpanaw po ni Pope Francis?
04:25Yes, so maraming salamat po.
04:27Nakikiisa tayo.
04:28Maganda ngayon kasi biglang alam natin kaagad no na namatay si Pope Francis noong 7.35 ng umaga.
04:38At that time, 7.30 yung aming daily mass dito sa Collegio Filipino.
04:43So, nagmimisa kami habang namatay siya.
04:46Hindi pa naman namin alapan at that time na pumanaw na pala siya.
04:50Kasi after 2 hours pa, tsaka na-announce,
04:54so nagmisa din ulit dito.
04:55Kasi may 50 tayong mga pare dito.
04:58Ongoing formation, nag-aaral din,
05:00nagmi-minister sa mga OFWs.
05:02So, itong araw, tuloy-tuloy yung misa dito sa Collegio Filipino
05:06at sa ibang mga houses, sa mga simbahan.
05:09I'm sure, tuloy-tuloy.
05:10At yung mga tao, kung tignan natin sa YouTube ng Vatican,
05:14kita natin dumadating na yung mga tao doon sa plaza,
05:17sa St. Peter's at sa loob ng Vatican.
05:20Although, yung katawan ni Pope nandun pa naman sa Casa Santa Marcia.
05:25Yan yung residence kung saan siya at malamang inaayos ngayon sa mga panahon na ito.
05:29Kaya panawagan din natin, patuloy ang ating pagdasal
05:32at yung example ni Pope Francis,
05:35yung pagmamahal, yan naman talagang gospel message ng ating Panginoon,
05:40ang pagmamahal, ang pag-ibig, love, charity,
05:43na sana tayo din, kung makita tayo ng tao,
05:46sana ay ma-feel, ma-experience din na ang pagmamahal na galing sa Panginoon.
05:51Well, maraming salamat po sa inyong panahon,
05:53Fr. Gregory Gaston, rector ng Pontifisyo,
05:56Kuleyo Filipino sa Roma.
05:58At ganoon po ang aming pagdarasal para po sa ating Santo Papa.
06:01Maraming pong salamat.

Recommended