Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Pinagpapaliwanag ng Department of Agriculture ang mga retailer na hindi pa rin sumusunod sa maximum suggested retail price sa bigas at karneng baboy kahit mahigit isang buwan na mula nang ipatupad ito.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Samantala, pinagpapaliwanan ng Department of Agriculture ang mga retailer na hindi pa rin sumusunod sa maximum suggested retail price sa bigas at karneng baboy, kahit maigit isang buwan na mula ng ipatupad ito.
00:12Nakatutok si Bernadette Reyes.
00:13Sa pag-iikot ng mga opisyal ng Department of Agriculture kanina sa Marikina Public Market, nakitang marami pa rin ang hindi nakasunod sa maximum suggested retail price na P350 kada kilo sa kasim at pigi at P380 sa liyempo.
00:33Mula ng magpatupad ng maximum SRP sa baboy noong March 10, nasa 20% pa lang o isa sa kada limang retailers sa Metro Manila ang nakakasunod dito.
00:42Dito nga sa Marikina Public Market, umaabot pa hanggang P430 ang kada kilo ng liyempo, hanggang P400 naman ang kada kilo ng kasim at pigi.
00:52Ang mga nagbebenta ng lagpas sa MSRP, padadalhan ng notice to explain.
00:57Meron po tayong mga stalls na hindi po makapag-comply dahil nga po yung sinasabi nila, humahango lang din naman sila dito rin sa mga bejero dealer.
01:05Dapat ang tanong yun muna nila dyan yung taga-farmers tapos yung dealer po bago po kami kasi kami, humahango lang po kami.
01:14Wala po, kung mayroon po bakit hindi kami kukuha doon. Masakit po sa amin kasi hindi naman po ganun kami kataas magbigay eh.
01:22Nagtutulungan na ang Food Terminal Incorporated, isang government-owned and controlled corporation at isang pribadong kumpanya upang makapagsupply ng karning baboy sa mga retailers sa mas abot kayang presyo.
01:33Tin-trace po natin yung from the farm, yung mga inputs nila, then pagpasa sa mga bejahero, pagpasa sa slaughterhouse, hanggang sa wholesaler, retailer.
01:42Anything above 230 is profiteering na yan. Dahil yung dahilan lang naman nila is gusto nila makabawi sa mga lugi nung ASF time.
01:52Maging imported na bigas na tinakda sa 45 pesos kada kilo ang MSRP, umaabot sa 49 hanggang 52 pesos sa ilang pwesto.
02:01Kaya pati ang ilang retailer ng bigas, padadalhan ng notice to explain.
02:05May other expenses din naman kami besides darin, gasoline toll and all other.
02:10Siyempre po, kasi maraming factors po ma'am. Yung operating cost ng tinda namin ay hindi po sumasapat. Kadalasan po break even.
02:24We will be talking again with the intercity. Ano itong narinig natin na pagtaas na naman and ang dami nga natin bigas ngayon eh.
02:32So parang hindi natin makita asan yung reason why kailangan magtaas sila ng presyo ng imported.
02:40Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, Nakatutok, 24 Oras.
02:54Siyempre po, kasi maraming.

Recommended