Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5 days ago
Wala na ring patid ang dagsa ng mga biyahero sa iba't ibang terminals at pantalan sa ibang bahagi ng Luzon pati sa Visayas at Mindanao.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Wala na rin patid ang dagsa ng mga biyahero sa iba't ibang terminals at pantalan sa iba't ibang bahagi ng Luzon,
00:06pati po sa Visayas at Mindanao.
00:08Nakatutok si Chino Gaston.
00:13Alas tres ng madaling araw palang dagsa na sa Tabako Port ang mga biyaherong tatawid pa Katanduanes.
00:19Nagahabol ang marami, lalot may hanggang bukas na lang ang biyahe na mga barko papunta at galing Katanduanes
00:26sa Sabado de Gloria na muling babalik ang regular na biyahe.
00:30Dagsa na rin ang mga biyahero sa Tagbilaran City Port sa Bohol,
00:34gayon din sa Tagbilaran Integrated Bus Terminal.
00:37Pero sa pinoproblema sa terminal na matagal nagdating ng mga bus,
00:40tinitiyak ng mga bus company na sapat ang mga bus para sa mga pasahero.
00:45Halos wala nang patid ang dating at alis ng mga biyahero mula sa Clark International Airport.
00:50Inaasahang tuloy-tuloy ang dagsa rito ng mga pasahero hanggang sa linggo ng pagkabuhay.
00:55Ngayon pa lang, mas mataas na ng 20% ang bilang nila kumpara noong Semana Santa 2024.
01:02Pero wala pa namang congestion sa paliparan.
01:06Mahigpit ang seguridad yan.
01:08Gayon din sa iba pang transport hub sa bansa.
01:11Sa terminal nga ng Coronadal City, may on-the-spot drug testing.
01:15Gayon din sa terminal ng General Santo City, lahat ng tines doon, negatibo sa droga.
01:21May surprise inspection at drug testing rin sa mga bus terminal sa lawag Ilocos Norte.
01:26Pero bukod sa pagiging abaladyan, may ilang polis lawag na namanata rin sa pamamagitan ng pagbubuhat cruise
01:33para sa Station of the Cross sa loob ng Ilocos Norte Police Provincial Office.
01:38Bukod sa pamamanata, pagkakataon sa maraming bakasyonista ang magpahinga.
01:43Sa San Luis Aurora, in-enjoy ng ilan ang paliligo sa mga ilog o pagtatampisaw sa mga irigasyon.
01:49Sa bayan naman ng Dilasag, naglagay na ng mga improvised boyas sa ilang beach.
01:56Inilatag yan sa mga lugar kung saan may mga naitala na mga pagkalunod noong nakarang taon.
02:02Para sa mga emergency, nagtalaga na rin ang mga otoridad ng Emergency Response Desk
02:07sa iba't ibang pasyalan na magbabantay 24 oras.
02:11Para sa GMA Integrated News, sino gasto na katutok 24 oras?
02:19Inilatag.

Recommended