Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6 days ago
BABALA: SENSITIBONG BALITA 


Patay ang isa habang lima ang sugatan sa nahuli-cam na pagharurot ng isang SUV sa Makati. Walang permiso umano itong minaneho ng isang security guard na sa tingin ng pulisya ay hindi marunong mag-drive ng sasakyang automatic.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Patay ang isa habang lima ang sugatan sa nahulikam na pagharurot ng isang SUV sa Makati.
00:07Walang permiso umano itong minaneho ng isang security guard na sa tingin ng polisya ay hindi marunong mag-drive ng sasakyang automatic.
00:17Panuorin po ang tagpo sa pagtutok ni Jonathan Andal.
00:20Pauwi na galing trabaho ang babaeng ito. Mag-aalas 5 ng hapon kahapon sa barangay Guadalupe, Nuevo, Makati.
00:30Ang hindi niya alam, may paparating na humaharurot na SUV.
00:35Napasampasahod ang babae. Isa pang babae ang halos tumapon sa ere at natumba kasama ang isang lalaki.
00:41Hindi kita sa angulo na ito pero may iba pa raw na hagip ang SUV.
00:45Sa isang cellphone video na iniimbisigahan na rin ang Makati Police, may dalawang babaeng nakabulagta sa kalsada at hindi gumagalaw.
00:53Ang SUV naman, wasak na. Pati ang tinamaan itong railings ng banketa.
00:57Ang lalaking may-ari ng SUV, dali-daling inilabas ang kanyang nanay na sakay noon sa likod.
01:02Pero paglilino niya, hindi siya ang nasa manibela noon kundi isang 60-year-old na security guard
01:08na basta raw minaneho ang kanyang SUV para ilipat ng parking kahit wala niyang permiso.
01:13P***** yung security, ginalaw!
01:17Nag-ash siya sa mother ko kung iuurong niya yung sasakyan.
01:21Sabi ng mother ko, wag, antayin mo yung anak ko or tawagin mo yung anak ko.
01:26Kaso nag-insist yung security na marunong naman daw siya. Matagal na daw siyang driver.
01:31Paglabas ko ng pawn shop, nakita ko pa siyang papasok ng sasakyan ko.
01:35So sinubukan ko siyang habulin, sinubukan ko siyang pigilan, pero hindi na.
01:39Kasi ang bilis eh. Napatakbo niya agad yung sasakyan eh.
01:44Ang sabi kasi ng driver, yun daw po ang mandato daw po sa kanya ng establishmento.
01:50Na once na meron naka-obstract o nakaharang dyan sa ating establishment
01:54at meron darating na kliyente natin na iba,
01:59ay iayos mo o ipaayos mo sa kanila.
02:01Sa tingin natin ay hindi niya alam imaneho dahil sabi ng security guard
02:08na nagmanagmaneho, pag-release pala ng lever ng handbrake,
02:16ay ito'y umandar na, padire-diretsyo.
02:18Ang sinabi niya sa akin, naka-drive na raon nung binaba niya yung lever ng handbrake.
02:25Lima ang sugatan, ang pasaherong nanay ng may-ari ng SUV,
02:30tatlong babae at isang lalaki.
02:32Isa naman ang patay, ang babaeng napasampas sa hood ng SUV.
02:36Siya si Amalyn Sim, 40 anos, single mom, may anim na anak.
02:41Hustisya ang panawagan ng kanyang ina.
02:43Sinubukan namin makapanayam ang suspect na 60-year-old security guard,
03:10pero tumanggi ito.
03:11Yung security guard, halos malaki pagsisisi niya sa nagawa niya.
03:19Ang sabi niya, ang nakita ko lang kasi sir, is kaya ko,
03:26pero hindi ko pala kinaya sir, sabi niya, pero aksidente talaga sir.
03:31Tinanong ko kasi, ano ba nangyari sir?
03:33Bakit mo naman ginawa yun?
03:36Bakit mo pinakailaman?
03:37Sasabi lang niya, yun nga sir, na wala na rin ako sa, ano,
03:42parang nawala daw siya sa we show.
03:43Hindi rin niya, ano, bakit niya pinakailaman agad?
03:46Nakakulong na rito sa Makati Police Station yung suspect na security guard
03:50na in-inquest na rin para sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide,
03:54multiple physical injury, and damage to property.
03:57Para sa GMA Integrated News,
03:59Jonathan Andal, Nakatutok, 24 Horas.

Recommended