Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Ang San Agustin Church sa Intramuros na noong 1993 ay inilista ng UNESCO bilang isa sa apat na Baroque churches sa Pilipinas,
00:13hitik sa kasaysayan at nakamamanghang sining gaya ng mga dibuho sa kisame na ipininta ng Italian artists at ng scenographers noong 19th century.
00:24Nakahimlay rin sa simbahan ang inang personalidad sa ating kasaysayan.
00:30Gaya ng artist na si Juan Luna sa crypt ng simbahan at ng Spanish conquistador na si Miguel Lopez de Legazpi,
00:38na unang gobernador-heneral ng Espanya at nagtatag sa Maynila noong 1571.
00:451565 nang dumating sa Pilipinas ang grupo ni Legazpi kasama ang limang priling Agustino para sa misyong iniatas ni King Philip II.
00:55Yung ipalaganap yung mabuting balita ng Panginoon, turuan yung mga Pilipino na magsulat, matutong magsulat, magbasa,
01:03at malaman yung lingwahe ng Espanyol at yung lingwahe din dito sa Pilipinas.
01:10Nasa simbahan din ang dalawang relik ni San Agustin at ni Santa Rita de Cascia,
01:17na kadalasang dinarasalan na mga inang may pinagdaraanan daw sa buhay.
01:22Sa tabi ng simbahan ang San Agustin Museum.
01:27Nasa mga silid nito ang artifacts na mga ambag na mga Agustino sa larangan ng sining, musika, at medisina.
01:35Narito ang iba't-ibang liturgical vessels na gawa sa ginto at taddad ng precious gemstones,
01:42pati kasuotan ng mga pari at banderang pamprosisyon na binurdahan ng ginto.
01:47Sa choir loft nakadisplay ang 16th century sileria o choir stalls,
01:53ang 18th century pipe organ, at sinaunang choir books.
01:58Pati ang ilang retablo o baroque altar,
02:01tampok ang mga nililok na imahin ng mga santo,
02:05ng birhing Maria at Jesucristo na gawa sa ivory at kahoy.
02:09Parang mas mapapalapit ka sa kung paano nagsimula yung katolisisim nga dito sa Pilipinas.
02:15Basta alaman po namin paano na siya yung pagiging religyoso ng mga Pilipino na doon po siya nagsimula.
02:23Mahalaga sa atin bilang mga katoliko na tingnan natin yung ating pagsasakripisyo din
02:29dahil si Cristo rin mismo ay nagsakripisyo tungo sa Cruz,
02:36na kung saan yung Cruz na yun ay kanyang pinasan dahil sa ating mga kasalanan.
02:41Von Aquino nagbabalita para sa GMA Integrated News.

Recommended