Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00.
00:30Bilang parusa, pinatawa ng community service ang lalaki.
00:37Bugbog sarado ang isang lalaki matapos mang hostage na isang batang babae sa Paranaque.
00:42Paliwanag ng suspect na gawa niya ang krimen matapos siyang hiwalayan ng kanyang misis.
00:47Balita natin ni Jomar Apresto.
00:50Kuha ang video na yan sa bahagi ng Barangay Dongalo sa Paranaque City nitong linggo.
00:55Makikita ang isang lalaki na bigla na lang sinunggaba ng isa pang lalaki hanggang sa kinuyog na siya ng taong bayan.
01:02Nakatakbo pa palayo ang lalaki.
01:05Nakorna na siya ng mga tao at muling kinuyog.
01:07Ayon sa polisya, hostage taker ang lalaking ginulpi sa video.
01:13Habang ang lalaki na unang sumunggab sa sospek, isang polis na nakasibilyan.
01:17Bago ang insidente, makikita ang 43-anyos na sospek na pumasok sa bulungan public market pasado alas 12 ng tanghali.
01:26Paglabas niya, bit-bit na niya ang dalawang taong gulang na babaeng biktima na katabi noon ng kanyang magulang na tagatiktik sa palengke.
01:34Sinubukan pang pigilan ng mga tao ang sospek pero hindi sinagaanong makalapit dahil may nakatutok na kutsilyo sa biktima.
01:41Umabot sa mahigit isang oras bago tuluyang nasagip ni Patrolman Samuel Melad ang biktima sa bahagi na ng tulay.
02:00Mahigit isang kilometro ang layo mula sa palengke.
02:03Nagtamo ng mga galos ang biktima.
02:06Sugatan din ang polis matapos niyang awati ng mga gumugulpi sa sospek at makuha ang kutsilyo na nalaglag nito.
02:12Masaya kasi safe yung bata. Kasi yun lang po talaga yung nasa isip ko. Maligtas yung bata po.
02:18Kasi noon nasa tulay po, yun nasa isip ko na po. Tatapon niyo yung bata dun sa may dagat.
02:25Ayon pa sa polisya, isang oras bago ang pagdukot sa batang biktima, isang lalaki ang tinangkapang i-hostage ng sospek.
02:33Mas werte at lumaban daw ang lalaki.
02:36Sa panayam ng GMI Integrated News sa sospek, sinabi niyang galing siya ng summer at dalawang linggo pa lang siya sa Metro Manila.
02:43Mamamasukan daw sana siya bilang construction worker.
02:46Pero balisaraw siya dahil naghiwalay sila ng kanyang asawa.
02:50Ang kutsilyong ginamit niya sa panguha-hostage, napulot umano niya sa tabing dagat.
02:55Nagsisisi ang sospek at humingi ng tawad sa pamilya ng biktima.
02:59Siyempre, di gusto maghiwalay kayo ng asawa mo. Sobra sirang pagsisisi ko.
03:07Maharap ang sospek sa patong-patong na reklamo tulad ng serious illegal detention, child abuse, alarm and scandal at illegal possession of bladed weapon.
03:17Sumailalim naman sa assessment ang biktima kaugnay sa trauma na posibleng iniwan ng sospek.
03:23Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:27Magtatangkang mag-set ng world record ang taunang alay lakad ng mga katoliko papunta sa Antipolo Cathedral.
03:40Ayon sa Diocese of Antipolo na nagpaabot din ng paanyaya sa mga deboto,
03:45target na makuha ang Guinness World Record para sa largest gathering for a walking spiritual pilgrimage in 12 hours.
03:54Gagawin yan mula alasais ng gabi ng Huebes Santo hanggang alasais ng umaga ng Biernes Santo.
04:01Karaniwang nang gagaling sa Metro Manila ang mga debotong sumasali sa Alay Lakad,
04:05na nilalakad ang ruta para makarating sa katedral.
04:09Sa Semana Santa noong 2024, umabot sa mahigit 7 milyong deboto ang nakilahok sa Alay Lakad.
04:19Mga kapuso, mahigpit na paalala ng Department of Health sa publiko,
04:33pakatutukan pa rin po ang ating kalusugan at kaligtasan sa gitna ng paggunita o pagbabakasyon ngayong Semana Santa.
04:40Itinaas na ng ahensya ang Code White Alert sa lahat ng paggamutan sa bansa na tatagal hanggang April 20, Easter Sunday.
04:48Pinaghahanda ng DOH ang lahat ng medical personnel, lalo na yung mga nasa emergency room at critical care unit
04:55para agad na tumugon sa posibleng pagdagsa ng mga posibleng biktima ng aksidente sa kuna o anumang health-related incident.
05:04Paalala rin nila sa mga biyahero na maging maingat sa kalsada, lalo pa at mainit ang panahon.
05:10Ilang araw na lang, i-welcome na tayo sa Santo Cristo, ang itinuturing na pinakamakasalanang lugar.
05:30Hindi lang comedy pero may aral ding hatid ang pinikulang Samahan ng Mga Makasalanan na perfect ngayong Holy Week.
05:38Produced yan by GMA Pictures.
05:40Bago ang showing nito sa April 19, Sabado ni Gloria,
05:45naglibot muna ang cast sa ilang sinihan itong weekend sa pangunguna ng lead actor ng movie na si David Decauco.
05:53Warm welcome ang ibinigay ng fans.
05:56Game ang cast na nakipag-meet and greet at pa-picture.
06:03Kaya naman ang ilang fans nag-advance na sa pagbili ng tiket.
06:08Kasama rin sa Samahan ng mga makasalanan si Nasanya Lopez,
06:11Joel Torre, Buboy Villar, Betong Sumaya, Charisse Solomon,
06:16Riesel Lopez, Jay Ortega, Yuen Mikael, at marami pang iba.
06:21Isinare din ni David ang kanyang plano ngayong Holy Week.
06:25I'll be going to the beach kasama family ko and then mag-7 churches.
06:32Kasi yun yung family tradition namin. I think this is coming Friday.
06:36Makapuso sana manood kayo ng Samahan ng Mga Makasalanan.
06:39April 19 na yan in cinemas nationwide.
06:42Speaking of David, dapat ding abangan ang kanyang music career.
06:46Sa May 16 kasi, nakatakdang i-release ang debut single niya na
06:50I Think I Love You under Universal Records.
06:53Nelson Canlas nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:58Pestado naman ang isang lalaking nagpaputok umano ng baril sa Pavia Iloilo.
07:04Ayon sa pulisya, inabot ng halos limang oras ang negosusyon sa pagitan nila at ng lalaki na inireklamo ng kapwa, residente.
07:13Limang beses umanong nagpaputok ng baril ang lalaki dahilan para sila'y gumanti.
07:17Kalaunan, nahuli rin ang lalaki na may tama ng bala ng baril sa balikat.
07:23Dinala siya sa ospital bago isinailalim sa kustudiyan ng pulisya.
07:27Walang ibang sugatan sa insidente.
07:29Tumangging kumarap sa kamera ang lalaki para magbigay ng pahayag.
07:33Mahaharap siya sa patong-patong na reklamo.
07:35Kumingi ng asylum sa Amerika si retired police colonel at dating general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office na si Ruyina Garma.
07:46Sabi ng abogadong niya si Atty. Emerito Kilang, November 2024, nag-apply ng asylum si Garma,
07:52kasunod ng pagkakaharang sa kanya sa San Francisco Airport dahil sa kansiladong US visa.
07:57Mahiring daw dapat para sa asylum application noong April 2 pero na-kansila.
08:01Magsusumiti naman daw si Garma ng kontra sa Lysay para sa mga reklamong murder at prostrated murder laban sa kanya noong Pebrero.
08:10Kaugnayan sa insidente ng pagpatay kay dating PCSO Board Secretary Wesley Barayuga noong July 2020.
08:17Una ng itinanggi ni Garma na may kinalaman siya sa pagpatay kay Barayuga nang humarap siya sa mga hearing ng House Quad Committee.
08:23May abiso ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR sa mga mamimili ng mga lamang dagat na mula sa karagatan sa ilang bahagi ng Pangasinan.
08:40Nakitaan kasi ng toxic red tide ang coastal waters sa Anda at sa Bulinao.
08:47Ayon sa BFAR, hindi ligtas ang pagkain ng shellfish at alamang na galing sa mga nabanggit na lugar.
08:54Ang ibang klase naman ng lamang dagat tulad ng isda, hipon at pusit, ligtas po yung kainin basta't nalinisang mabuti bago lutuin.
09:02Samantala, price check naman tayo para sa mga nagbabalak mag-isda muna ngayong Semana Santa batay sa huling monitoring ng Department of Agriculture sa ilang pamilihan sa Metro Manila.
09:15Nasa 140 pesos hanggang 250 pesos ang kada kilo ng bagus.
09:21120 hanggang 180 pesos naman ang tilapia.
09:26180 hanggang 320 pesos ang galunggong.
09:30Samantala, ang alumahan naman nasa 270 hanggang 360 pesos kada kilo.
09:36Mula naman 100 hanggang 120 pesos ang presyo ng kada kilo ng tamban.
09:41370 hanggang 450 pesos per kilo ang pusit.
09:48150 pesos hanggang 320 pesos naman ang tambakol.
09:52Salmonhead po, 160 pesos hanggang 240 pesos per kilo.
09:58Tuloy-tuloy po ang pagdating ng mga biyahero sa Minoy Aquino International Airport ngayong Martes Santo.
10:12Kumustahin natin ang sitwasyon doon sa ulap on the spot ni JP Soriano.
10:19JP!
10:19Kaara tama, hindi naman talaga tumigil yung pagdating ng mga pasaherong kababayan natin.
10:27Napapunta rito sa Naiya Terminal 3, pati na rin po sa iba pang terminals dito sa Naiya.
10:32Karamihan po sa kanila ay magbabakasyon sa ibang probinsya o di kaya ay sa ibang bansa o di kaya mga OFW cara na babalik ng trabaho at aalis ngayong Martes Santo.
10:41At simula nga 8 a.m. hanggang sa mga oras na ito, Karra, ay hindi naman po ganun karami yung dating ng mga pasahero dito.
10:50Hindi naman siksikan at wala rin na mga pila tayo nakita.
10:53Ang napansin natin, Karra, marami ang dumarating na pasahero dito sa airport 4 to 5 hours bago ang kanilang biyahe.
11:01Gaya ng ilang seafarers na nakausap natin na papuntang Singapore na nasa airport na alas 9 pa lang ngayong Martes Santo ng umaga,
11:08kahit alas 2 pa ng hapon ang flight.
11:11Mas mainam na raw kasi ang mas maaga para tiyak na makabiyahe ng maayos.
11:16Kung may mga paalis, meron din pong parating gaya ng ilang OFWs mula sa Taiwan na nakausap natin na nakakuha ng leave sa trabaho at dito sa Pilipinas magsa Semana Santa.
11:27Dahil may mga connecting flight pa probinsya ang ilan sa kanila, dito muna sila sa OFW lounge, nagayos, nang gamit at nagpahinga.
11:34Para kasi, Karra, sa mga OFW exclusive, ang OFW lounge kung saan meron pong buffet at unlimited espresso-based coffees at iba pang drinks.
11:44Para po matiyak na maayos na ipatutupad ang mga patakaran sa NIA Terminal 3,
11:49isa rin po ito sa mga ininspeksyon ni Transportation Secretary Vince Dyson ngayong umaga.
11:55At, Karra, hindi pa naman po mabigat ang daloy ng trapiko dito sa papasok sa NIA Terminal 3, pati na rin po sa ilang terminals dito sa NIA.
12:05Pero ayon sa ilang security personnel na nakausap natin, kadalasan, base sa kanilang karanasan kapag Marte Santo,
12:12bandang hapon dumarami o bumibigat ang daloy ng trapiko.
12:16Karra?
12:16So, JP, ano ang abiso ng NIA?
12:20Ilang oras before your flight dapat nasa airport ka na?
12:24Kasi I understand yung 4 to 5 hours for seafarers, alam mo naman yung asawa ko ay seafarer,
12:29talagang maaga talaga silang dumarating kasi meron pa silang ibang papeles na kailangang isumite before their flight.
12:36Pero for regular passengers, kunyari hindi ka OFW, ilang oras if you're going on an international flight?
12:42For international flight, Karra, talagang 3 to 4 hours ang abiso.
12:50Pero iba pa yan kung ikaw po ay OFW, kasi meron na pong separate OFW line para dito.
12:57Pero talagang ang recommend po talaga 3 to 4 hours for international flight.
13:01At pagating po sa domestic flight, kahit 2 to 3 hours.
13:06Pero dapat pong i-calculate ang daloy ng trapiko kung saan po kayo manggagaling.
13:10Maraming salamat sa iyo, JP Soriano.
13:40Mga post.