Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Dobling ingat po sa pagmamaneho ngayong Semana Santa.
00:03Sa North Luzon Expressway, isang bus at dalawa pang sasakyan ang nagkarambola.
00:08Labing tatlo ang sugatan, balitang hatid ni James Agustin.
00:14Wasakang harapan at nabasag ang windshield ng bus na ito matapos masangkot sa karambola
00:19sa southbound lane ng North Luzon Expressway sa bahagi ng Valenzuela City,
00:23bandang alas 7.30 kagabi.
00:25Ang mga sakay na pasahero ng bus makikita sa gilid ng expressway.
00:31Kabilang sa mga nagtamo ng galo sa siko ang kumuha ng video na si Mark Henry Santos.
00:36Papasok na raw siya sa kanyang trabaho na mangyari ang aksidente.
00:55Ang isa pang pasahero, nagtamo naman ng mga galo sa kamay at paa.
01:02Kinilangan dalhin sa ospital ang kanyang lola na 83 taong gulang na nasugatan sa mata.
01:08Kwento niya, naging pahirapan ang paglabas sa mga pasahero sa bus.
01:11Sinapak po nila yung bintana, tsaka po sila nagsibabaan.
01:19Kaya ayun po, nagtakbo na po sila, bumaba na sila ng bus.
01:24Tapos po yung mga naipit po, matagal pa po bago makalabas.
01:29Umabot sa labing tatlong sakay ng busang sugatan kabilang ang konduktor.
01:34Galing silang angkat Bulacan at patungo sana sa monumento sa Kaluokan.
01:37Sa imbisigasyon, sangkot sa Karambola ang bus, closed van at damtrak.
01:42Magkasunod daw na binabagtas ng damtrak at bus ang ikaapat na lane ng expressway.
01:47Nagverge siya ng kaliwa para hindi niya mabangga sana itong damtrak.
01:54Kaso nga lang, meron closed van na nandun sa third lane na nabangga niya una.
01:59At pagkabangga niya nito, kumabig naman pa kanan hanggang sa dere-diret yung nabangga niya yung kwitan ng damtrak.
02:06Sa sobrang tulin lang po niya yung nakita namin na kamalihan ng bus driver.
02:13Sa police station, nagharap ang mga driver ng bus at damtrak, magiyang ilang nasugatang pasahero.
02:19Nagkasundo sila ng magkaareglo.
02:21Tumagi na magbigay ng pahayag ang bus driver at kinatawa ng kumpanya ng bus.
02:26Ang sabi ng kampanya ng bus, willing silang sagutin kung ano man yung mga gastusin ng mga biktima na nasa ospital.
02:35Nagdulot ng trafik ang nangyaring aksidente sa southbound lane ng NLEX.
02:39Payo naman ang mga otoridad sa mga motorista, lalo na ngayong Semana Santa.
02:44Kung sa tingin ninyo ay hindi nyo pa kaya o naanto kayo o pagod kayo sa biyahe, kailangan magpahinga muna.
02:50Huwag kayong didere-diretso para makaiwas tayo sa aksidente.
02:53James Agustin, nagbabalita para sa Gemma Integrated News.
02:57Abiso po sa mga empleyado ng gobyerno, half day po ang pasok sa ilang tanggapan bukas, miyerkoles santo.
03:04Ayon sa mga kanyang, mula alas 8 ng umaga hanggang alas 12 ng tanghali, work from home arrangement ang ipatutupad.
03:11Sa hapon, pwede namang kabihahe pa uwi sa kanik-kanilang probinsya ang mga kawani ng gobyerno.
03:16Wala naman daw pagbabago sa operasyon ng mga ahensya na may kinalaman sa basic at health services at sa pagresponde sa anumang sakuna o kalamidad.
03:23Nasa desisyon na rano ng mga pribadong kumpanya kung magpapatupad ng kaparehong work arrangement.
03:36Naku mga kapuso, ihandaan nyo na po ang inyong mga pamaypay at uminom ng sapat na tubig dahil ngayong miyerk martes santo,
03:44labing apat na lugar sa bansa ang makararanas ng matinding init at alinsangan.
03:49Posible pong umabot sa danger level na 43 degrees Celsius ang heat index sa Sangley Point, Cavite, Puerto Princesa sa Palawan,
03:59Virac Catanduanes, Dumangas, Iloilo at sa Lakarlota, Negros, Occidental.
04:0642 degrees Celsius naman ang damang init sa siyam na iba pang lugar sa Luzon at Mindanao.
04:12Extreme caution level po ang posibleng heat index ngayong Martes Santo dito sa Metro Manila.
04:20Sa kabila ng init, posible pa rin ang panandali ang ulan o kaya'y local thunderstorm base sa rainfall forecast ng Metro Weather.
04:28Uulanin ngayong umaga ang ilang bahagi ng Mindanao.
04:31Pagsapit ng hapon, posible na ang ulan sa ilang bahagi ng Luzon kasama dyan ang Metro Manila.
04:37Ayon sa pag-asa, apektado ng Easter Lease, ang malaking bahagi ng ating bansa.
04:42Frontal system naman ang umiiral sa extreme northern Luzon.
04:46Muling nagbuga ng abo ang vulkan Kanlaon.
04:52Ayon sa PHEVOX, tatlong ash emissions ang naitala sa nakalipas na 24 oras.
04:56Sumatotal, nagtagal ang mga yan ng mahigit apat na oras.
05:00Aabot naman sa halos 2,000 tonelad ng asuprial sulfur dioxide ang ininabas ng vulkan.
05:05Mahigit 30 volcanic earthquakes ang naitala ng Kanlaon.
05:08Na nanatili sa alert level 3 ang vulkan.
05:12Ibig sabihin, posible ang pagputok nito anumang sandali.
05:17Ito ang GMA Regional TV News.
05:22Mainit na balita mula sa Luzon.
05:25Hatid ng GMA Regional TV, dalawang persons deprived of liberty.
05:30Ang nakatakas sa detention facility sa Malolos, Bulacan.
05:34Chris, paano sila nakatakas?
05:36Kara, tinulungan daw sila ng isang jail guard at asawa ng isa sa mga PDL.
05:43Isinagawang man at operasyon matapos makatakas mula sa Bulacan Provincial Jail ang dalawang PDL.
05:49Nahuli sila sa labas ng pasilidad kasama ang gwardya at isang babae na may dalang mga baril, mga bala at isang pick-up.
05:56Dahil sa insidente, arestado ang babae at ang jail guard dahil sa pagtulong sa dalawa na makalabas sa pasilidad.
06:03Patuloy pa ang investigasyon habang tumanggi namang magbigay ng pahayag ang pamunuan ng Bulacan Provincial Jail ukol sa insidente.
06:11Mahaharap sa patong-patong na reklamo ang mga sospek at mga PDL.
06:15Wala silang pahayag.
06:16Sa kasiguran, Aurora naman, patay ang isang barangay health worker matapos na barilin habang tulog sa kanyang bahay.
06:25Tama ng bala ng baril sa ulo at dibdib ang kumitil sa buhay ng biktima.
06:30Ayon sa inisal na investigasyon, mag-isang natutulog ang biktima sa kanyang kwarto ng barilin.
06:35Wala raw kaaway ang biktima ayon sa kanyang pamilya.
06:38Hiling nila, subuko na ang sospek.
06:41Inimbestiga na ang insidente.
06:46Karapatan ng mga PWD ang isang isinulong sa pasig ni David de Angelo.
06:57Pagpapabilis ng usad ng mga kaso ang mungkahin ni Atty. Angelo de Alban.
07:02Magkakasamang naglatag ng plataforma sa Tacloban sina Mimi Doringo,
07:06Modi Floranda, Amira Lidasan, Liza Maza, Jerome Adonis, Nars Alin Andamo,
07:12Ronel Arambulo, Rep. Arlene Brosas, Teddy Casino at Rep. Franz Castro.
07:19Programang pangkalusugan ng isang siya pinaglalaban ni Sen. Bongo.
07:23Nagdaos ng Grand Rally sa El Salvador, Bisamis Oriental sina Atty. Raul Lambino,
07:28Dr. Richard Mata, Atty. Vic Rodriguez, Philip Salvador, Atty. Jimmy Bondo,
07:33Sen. Bato de la Rosa at Atty. J. V. Hidlo.
07:36Sa Olonggapo City, nagpunta si Congressman Rodante Marcoleta.
07:42Libreng almusal mula kinder hanggang senior high ang nais ni Kiko Pangilinan.
07:47Problema sa trapiko ang naisolusyonan ni Sen. Francis Tolentino.
07:51Ipinunto ni Rep. Camille Villar ang halaga ng edukasyon.
07:55Fuel subsidy para sa mangingisda ang sugestyon ni Bam Aquino.
07:59Nagikot naman sa Misamis Oriental at Cagayan de Oro si Sen. Bong Rivilla
08:02para palakasin ng mga LG yung ang ipinangako ni Rep. Bonifacio Bocita.
08:08Kapakanan ang kabataan ng isa sa susuportahan ni Sen. Pia Cayetano.
08:12Patuloy naming sinusundan ang kampanya ng mga tumatakbong senador para sa eleksyon 2025.
08:19Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
08:24Nasa Google Maps na ang pangalang West Philippine Sea bilang label o pantukoy sa dagat
08:29sa kanlurang bahagi ng Pilipinas.
08:30Mga kikita yan kapag hinanap ang mapa ng Pilipinas sa naturang online mapping service.
08:36Sa ilalim ng Adminative Order ni Nooy Pangulong Nooy ni Aquino,
08:38taong 2012, pinangala ng West Philippine Sea ang mga lugar sa kanlurang bahagi ng bansa.
08:44Kabilang sa mga sakop niya ng Kalayan Group of Islands at Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.
08:50Taong 2016 naman, nang pumaborang Permanent Court of Arbitration sa The Hague
08:53laban sa pag-angkin ng China sa halos buong South China Sea
08:57na ayon sa korte ay walang legal na basihan.
08:59Hanggang ngayon, hindi kinikilala ng China ang Arbitral Ruling.
09:04Sinusubukan pa ng GMA News online na kunin ang pahayag ng Google.
09:09Sa binubuo namang Code of Conduct para sa South China Sea,
09:14gustong linawin ng Pilipinas kung magiging legally binding ito.
09:18Ang China naman na isisama sa COC ang kanilang Nine Dash Line
09:22na umaangkin sa halos buong South China Sea.
09:25Balit ang hatid ni JP Soriano.
09:27Ang halos pagbangga ng higanting barkong ito ng China Coast Guard
09:36sa mas maliit na barkong ng Philippine Coast Guard
09:38sa isang bahagi ng West Philippine Sea noong April 7.
09:42Kabilang sa mga binanggit ng gobyerno sa mga opisyal ng China,
09:46kaugnay sa negosyasyon ng ASEAN-China Code of Conduct o COC
09:49sa South China Sea, giit ng gobyerno ng Pilipinas,
09:54nalabag sa insidente ang soberanya at mga karapatan ng Pilipinas.
09:58Of course, that's all related.
10:00Certainly, issues like that, in fact, are one of the reasons why we need to have a code.
10:06Mahigit dalawampung taon ang binubuo ang Code of Conduct
10:09na magiging gabay sa paghilos ng China
10:12at mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN
10:16kaugnay ng South China Sea, kabilang na ang West Philippine Sea.
10:21Kasama sa negosyasyon ang Malaysia, nakasalukuyang chairman ng ASEAN,
10:26gayon din ang Vietnam at Brunei, mga bansang may inaangkinding teritoryo doon.
10:32Mahalaga yan dahil minsan ang sinabi ng China
10:35na mareresolba lang ang issue sa teritoryo sa South China Sea
10:38kapag natapos na ang Code of Conduct o yung COC.
10:43Kaya gusto ngayong malinawan ng gobyerno ng Pilipinas
10:45kung papayag ang China na maging legally binding o magiging batas na ang COC
10:51para may mapanagot.
10:53Ang China naman gustong isama sa Code of Conduct
10:56ang magpakilala sa kanilang 9-9 na dati nang hindi kinikilala ng Pilipinas
11:01at iba pang bansa.
11:03Tutol din ang China na makiilam ang mga bansang walang inaangking teritoryo
11:08sa reyon.
11:09Dati nang inaalmahan ng China ang pagtulong ng Amerika,
11:13Japan at Western Power sa Pilipinas sa issue sa West Philippine Sea.
11:17Before you get to that particular issue,
11:20we have to know what we're going to be adopting.
11:23So we have to see first how, let's say,
11:27the latest draft of a Code of Conduct looks like
11:30before we can address that issue.
11:32I think that's one of the issues which will be discussed perhaps last.
11:35Taong 2023, nang i-adapt ng ASEAN at China
11:38ang guidelines para sa mas maagang pagkatapos ng COC
11:42na target matapos sa loob ng tatlong taon.
11:47Sa mga susunod na buwan, sa Malaysia gaganapin ang susunod na raw na pag-uusap
11:50kaugnay sa COC.
11:52Next year, 2026, Pilipinas naman ang chair ng ASEAN
11:55kung saan Pilipinas rin na mamumuno sa usapin ng COC
11:58na mahigit tatlong dekada nang binubuo.
12:01J.P. Soriano, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
12:06Sa loob lang ng isang linggo, dalawang titulo
12:13ang naipanalo ng Pinoy Q artist na si Johan Chua.
12:16Natalo niya ang pambato ng Vietnam sa finals
12:18ng Huang Pudopul Arena Open sa score na 13-8.
12:22Tinapos din ni Chua ang laban sa isa pang Vietnamese Q artist
12:25sa score na 13-7.
12:27Lumalaban ngayon ang Pinoy Biliar Star para sa Stage 2 qualification.
12:32Double gold naman ang Team Pilipinas sa World Triathlon Regional Cup
12:35sa Vietnam, kabilang sa mga nagkampiyon si Mary Joy Trupa
12:39sa Women's Elite Category,
12:41habang si John Patrick Siron sa Men's Elite Category.
12:44Good job sa inyo!