Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Matapos ng eleksyon, umuugo ang posibilidad ng pagpapalit ng liderato sa Kamara at Senado.
00:06Nakatutok si Jonathan Andal.
00:10Posible kaya ang tunggali ang Martin Romualdez at Pulong Duterte bilang House Speaker sa pagbubukas ng 20th Congress sa Hulyo?
00:19Sabi ni Vice President Sara Duterte na pag-usapan nila ng kapatid na si 3rd Termer Davao City 1st District Representative Paolo Pulong Duterte ang liderato ng Kamara.
00:29Sinabihan po si Congressman Pulong. Sabi ko sa kanya, baka gusto mo lumaban ng Speaker. Hindi man siya sumagot.
00:41Iniisip din niya siguro yung chances niya na manalo.
00:44Well, sinabi ko sa kanya, kung hindi ka manalo ng Speaker, then punin mo yung minority.
00:49Wala akong candidate for Speaker or for Senate President. Wala din lumapit sa akin for Speaker.
00:59Or for Senate President.
01:01Pero tiwala ang mga kaalyado ni Speaker Martin Romualdez na mananatili siya sa pwesto.
01:06Sabi ni Deputy Speaker JJ Suarez, meron ng 240 na bagong halal na kongresista
01:12ang pumirma sa Manifesto of Support para kay Romualdez.
01:16Kung titignan natin sa numero at bilang pa lang, sigurado na po tayo na magpapatuloy si Speaker Martin Romualdez
01:25bilang Speaker ng kongreso sa susunod na tatlong taon.
01:32We're very confident with the support na pinakita ng mga partido.
01:36Ang mga pumiramang mambabatas galing daw sa apat na manalaking partido.
01:41National Unity Party, Nationalist People's Coalition, Nationalista Party, Partido Federal ng Pilipinas
01:47at ang partido ni Romualdez na Lakas CMD na may mahigit sandaang kongresista.
01:53Sumusuporta rin daw kay Speaker ang grupo ng mga party list sa kamera.
01:56Napaka-critical po yung susunod na tatlong taon para sa ating bansa
02:00at napakahalaga na stable at nakakaisa ang kongreso behind our President Ferdinand Bongbong Marcos.
02:09Kahapon, nagpulong ang mga leader ng mga partido sa kamera pero hindi raw yung loyalty check.
02:14It's more of a meet and greet.
02:17Sa Senado, may ugong na sa pagbabalik ni dating Senate President Tito Soto.
02:21May ilang senador na raw na kumakausap sa kanya na magbalik sa pwestong hawak ngayon ni Sen. Chisel Scudero.
02:27May mga kumakausap sa akin. Mga tatlo, apat kausap ko, ganun lang.
02:33And they're saying that their peers, they're saying that their peers are ready to support me.
02:42Sabi ko naman, if we have 13, I will accept.
02:45Labing tatlong boto o higit pa mula sa 24 na mga senador ang kailangan para maluklok na Senate President.
02:54Sino man sa amin, kabilang si Sen. Soto, ang may bilang, hindi niya dapat talikuran yung responsibilidad at yung hamo na yun
03:03na binibigay na kumpiyansa ng mayuriya ng mga senador.
03:08Isa sa aabangan kung paano bo-boto ang apat na pares na magkakapatid sa Senado.
03:14Gaya ng magkapatid na Rafi at Erwin Tulfo, Alan Peter at Pia Cayetano, Mark at Camille Villar,
03:20pati na sina Jinggoy Estrada at JVR Sito.
03:23Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal, Nakatutok, 24 Oras.
03:28Pia Cayetano

Recommended