Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Tumaob ang isang SUV matapos madisgrasya sa Luwakan Road sa Baguio City kanina umaga.
00:08Sa initial na impormasyon ng Baguio City Police, self-accident ang nangyari.
00:12Inaalam pa kung bakit ito bumaligtad at kung nakainob ang driver nito.
00:17Dahil dito, bumigat ang trapiko sa lugar na nataong kasabay ng graduation rights sa Philippine Military Academy.
00:24Walang naiulat ang matinding na sugatan na damay sa disgrasya.
00:30Patay sa Tondo Maynila ang isang lalaking napuruhan matapos batohin ang bote.
00:36Ang nambato ay isa sa mga kabataang sinetoobano niya dahil sa riot.
00:40Nakatutok si Jomera Presto.
00:45Kita sa CCTV ang mga kabataang ito na nasa gitna ng kalsada sa bagi ng Marione Street, Tondo Maynila, Martes ng Madaling Araw.
00:54Isang lalaking nakaitim na galing ng Center Island ang tumawid sa kalsada.
00:57Maya-maya, bigla na lang niyang pinukol ng bote ang isang lalaki na agad namang tumumba.
01:04Agad na tumakbo palayo ang lalaking nakaitim.
01:07Makalipas ang ilang minuto, nakita na sa CCTV na isinasakay na sa tricycle ang lalaking tumumba kanina.
01:14Ayon sa barangay, malubha ang tama ng 41 anyos na lalaki.
01:18May pumunta dito na may reporting na na namatay na yung biktima.
01:23Ang kwento po nila, parang nabasag yung impact po tumama yata sa singit.
01:29Kaya sumirit yung dugo.
01:30Ang ugat ng krimen, sinitaraw ng biktima ang mga kabataan na nagkukumpulan sa tapat ng kanilang bahay.
01:38Isinuko naman ang kanyang mga magulang ang lalaking ng bato sa video na isa palang minorde edad.
01:43Una daw po siyang binato nun, nakailag lang siya.
01:48Pero base sa pagre-review ng CCTV, walang nakita ang barangay na unang binato ng biktima ang mga kabataan.
01:55Tumangging humarap sa kamera mga kaanak ng biktima, pero isa sa sinisisi nila ang computer shop na nagiging ugat daw minsan ng away ng mga kabataan.
02:04Hindi po na iiwasan talaga. Yan na rin po yung sakit namin dito na lagi gabi-gabi, madaling araw, lagi kami nagsasaway dyan, may riot.
02:12Kadalasan po riot talaga, ang number one na ano dyan.
02:15May mga polis naman daw na nag-iikot sa lugar, pero nakakatsyempo ang mga kabataan na wala ng mga otoridad sa oras na nagkakaroon ng riot.
02:23Nasa kustodiyan na ng DSWD ang minor de edad, lalalaki.
02:28Para sa GMA Integrated News, Jomer Apresto nakatutok, 24 oras.
02:36Imbis na dumagdag sa problema na mabasura, inakampanya na isang grupo ang pag-recycle ng mga tarp at iba pang election paraphernalya.
02:44Pero paalala ng isang environment group, ingat lang dahil ang ibang tarp may mga nakalalasong kemikal.
02:52Nakatutok si Von Aquino.
02:53Tapos na ang eleksyon, pero sa ibang-ibang lugar sa Quezon City, marami pa rin nakasabit na campaign materials tulad ng mga tarpulin.
03:04Ayon sa task force baklas ng COMELEC, mahigit 600,000 campaign tarpulins na ang nababaklas nila nationwide as of May 10.
03:12Hindi pa kasama ang mga tarpulin ng eleksyon at mga tarpulin na binaklas na mga LGU matapos ang eleksyon.
03:18Ang COMELEC at Eco-Waste Coalition, nagtutulungan para sa disposal ng mga tarpulin.
03:24Ang grupong kids who farm na nagsusulong ng sustainable food systems sa mga komunidad,
03:29nire-repurpose sa mga tarpulin para maging pasod na kung tawagin ay tarpots.
03:33Hindi na kailangan i-cut. So ready na siya. Ang ginagawa na lang namin, stapler na lang sa side and then you fold it. Yan, may tarpot ka na.
03:41Gumawa rin sila ng instructional video sa social media para maituro ito sa lahat.
03:46Nakipag-partner din sila sa Association of Tulungatong Innovative Women Agripreneur ng Sambuaga City
03:52para gumawa ng mga bags gamit ang mga tarpulin at vertical planters.
03:56It's a stopgap solution kasi ang nakikita namin, kahit nga yung mga nakolekta na, kung hindi ma-manage talaga yan,
04:04it will still go to the landfill, it will still go to our waterways, at ang pinaka-worse noon, maging pulyotan siya sa ating dagat.
04:12Paalala ng Eco-Waste Coalition, mag-ingat.
04:15Lalot ang ilang tarpulin na ipinasuri nila ay lumabas na sobra sa acceptable toxicity level.
04:21So, yung mga nakuha namin ay lahat-lahat above the 100 CPM, no?
04:26Under the European Commission Regulation No. 494 of 2011, no?
04:32Lahat ng manufacturers ay pinaprohibit na nila na mag-alagay nitong mixture na ito sa mga produkto,
04:44kahit sa plastik, na equal to or greater than 0.01%, no? Or 100 parts per million.
04:52Anila, nakita sa mga tarpulin ang highly toxic na cadmium na pwedeng magdulot ng cancer at iba pang sakit sa tao.
04:59Nakalalason din ito sa mga halaman at hayop at matagal mawala.
05:03Maaari naman daw i-repurpose ang mga tarp pero hindi para sa mga pagkain.
05:08Pwede sigurong ipulverize and then gawing panghalo sa hollow block.
05:13At kung gagawing paso, huwag tamna ng fruit-bearing trees dahil posibleng mag-leak ang kemikal at ma-absorb ito ng halaman.
05:21Para sa GMA Integrated News, Von Aquino nakatutok, 24 oras.
05:27Matapos ang eleksyon, umuugo ang posibilidad ng pagpapalit ng liderato sa Kamara at Senado.
05:33Nakatutok si Jonathan Andal.
05:35Posible kaya ang tunggaliang Martin Romualdez at Pulong Duterte bilang House Speaker sa pagbubukas ng 20th Congress sa Hulyo?
05:46Sabi ni Vice President Sara Duterte na pag-usapan nila ng kapatid na si 3rd-termer Davao City 1st District Representative Paulo Pulong Duterte ang liderato ng Kamara.
05:56Sinabihan ko si congressman Pulong. Sabi ko sa kanya, baka gusto mo lumaban ng speaker.
06:04Hindi ba siya sumagot? Hindi siya sumagot.
06:08Iniisip din niya siguro yung chances niya na manalo.
06:12Well, sinabi ko sa kanya, kung hindi ka manalo ng speaker, then punin mo yung minority.
06:17Wala akong candidate for speaker or for senate president. Wala din akong, wala din lumapit sa akin for speaker or for senate president.
06:28Pero tiwala ang mga kaalyado ni Speaker Martin Romualdez na mananatili siya sa pwesto.
06:33Sabi ni Deputy Speaker JJ Suarez, meron ng 240 na bagong halal na kongresista ang pumirma sa manifesto of support para kay Romualdez.
06:43Kung titignan natin sa numero at bilang pa lang, sigurado na po tayo na magpapatuloy si Speaker Martin Romualdez bilang speaker ng kongreso sa susunod na tatlong taon.
06:59We're very confident with the support na pinakita ng mga partido.
07:04Ang mga pumirma ang mga babatas galing daw sa apat na malalaking partido.
07:08National Unity Party, Nationalist People's Coalition, Nationalista Party, Partido Federal ng Pilipinas at ang partido ni Romualdez na Lakas CMD na may mahigit sandaang kongresista.
07:20Sumusuporta rin daw kay speaker ang grupo ng mga party list sa kamera.
07:23Napaka-critical po yung susunod na tatlong taon para sa ating bansa.
07:28At napakahalaga na stable at nakakaisa ang kongreso behind our president Ferdinand Bongbong Margo.
07:36Kahapon, nagpulong ang mga leader ng mga partido sa kamera pero hindi raw yung loyalty check.
07:41It's more of a meet and greet.
07:44Sa Senado, may ugong na sa pagbabalik ni dating Senate President Tito Soto.
07:48May ilang senador na raw na kumakausap sa kanya na magbalik sa pwestong hawak ngayon ni Sen. Jesus Cudero.
07:54May mga kumakausap sa akin. Mga tatlo, apat, kausap ko, ganun lang.
08:00And they're saying that their peers, they're saying that their peers are ready to support me.
08:09Sabi ko naman, if we have 13, I will accept.
08:13Labing tatlong boto o higit pa mula sa 24 na mga senador ang kailangan para malukluk na Senate President.
08:20Sino man sa amin, kabilang si Sen. Soto, ang may bilang, hindi niya dapat talikuran yung responsibilidad at yung hamo na yun na binibigay na kumpiyansa ng mayuriya ng mga senador.
08:35Isa sa aabangan kung paano bo boto ang apat na pares na magkakapatid sa Senado,
08:41gaya ng magkapatid na Rafi at Erwin Tulfo, Alan Peter at Pia Cayetano, Mark at Camille Villar, pati na sina Jinggoy Estrada at JV Aircito.
08:50Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal nakatutok, 24 oras.
09:05Pia Cayetano, Mark at JV Aircito.

Recommended