Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Ayon naman sa abogado ni Cassandra Ong na si Atty. Ferdinand Tapaso,
00:04hindi pa siya pwedeng magbigay ng payag hanggat hindi na pag-aaralan ang waran.
00:08Hindi din daw niya makumpirma kung nasa bansa pa ang kanyang kliyente.
00:13Samantala, ayon muna pag-usapan ni Sen. President Cheese Escudero
00:17kung magkakaroon ng pagbabago sa liderato ng Senado sa Julio.
00:21Sa gitna po yan ang paghahanda ng Senado para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
00:27Saksi, si Tina Pangani Van Pérez.
00:31So, natapos lang ng eleksyon at bangayan at ingay.
00:34Sisimulan niyo na naman agad. Palipasin niyo naman.
00:37Ayaw muna paingayin ni Sen. President Cheese Escudero
00:40ang usapin tungkol sa liderato ng Senado.
00:43Kung walang ibang susuportahan ng mayorya ng mga Senador,
00:46siya pa rin ang Sen. President pagpasok ng 20th Congress.
00:50Labing tatlong boto o higit pa ang kailangan para maging Sen. President.
00:55Isa sa mga magbabalik Senado si dating Sen. President Pito Soto.
00:59Sino man sa amin kabilang si Sen. Soto ang may bilang hindi niya dapat talikuran yung responsibilidad at yung hamo na yun
01:09na binibigay na kumpiyansa ng mayorya ng mga Senador.
01:14Sabi ni Soto, ipauubayan niya sa mga kapwa Senador ang desisyon.
01:19Pero handa raw siyang tanggapin anumang trabaho at responsibilidad ang ibigay sa kanya.
01:25Mahalagang maplan siya ang liderato ng Senado.
01:28Lalo't may dagdag na trabaho ito bilang impeachment court.
01:32Sa susunod na linggo ay padatalan na ng notice ng Senado ang Kamara
01:36para ipaalam na kailangan nilang ipresenta ang impeachment charges
01:40laban kay Vice President Sara Duterte.
01:43Tingin ni Escudero, hindi maapektuhan ang desisyon ng mga Senador
01:47ng kanika nilang partido o kahit na mga nag-entorso sa kanila.
01:51Depende sa kanilang personal na pananawat ang desisyon at hindi dinidiktahan ang partido.
01:58Nakita niyo naman siguro sa social media na nagbago-bago ng posisyon yung mga in-endorse datik.
02:03At kahit magharap-harap ang magkakalapang paksyon,
02:06inaasahan ni Escudero na hindi magiging sirkos ang impeachment trial.
02:12Mga veterano, batikan sa legislation, sa parliamentary rules ang mga ito.
02:17Sa emotional outbursts.
02:18Bahagi yun but we will maintain order and we will keep order within the impeachment court.
02:24We will make sure of that.
02:25With the help of course of the other members as well as the sergeant at arms if necessary.
02:29Nananawagan din siya sa mga kasama na huwag magkomento kaugnay sa impeachment.
02:36Nakatakda namang magsilbi bilang prosecutor sa impeachment trial
02:39ang party list nominees na sina Atty. Chell Jocno ng Akbayan
02:43at dating Senadora Laila de Lima ng ML party list.
02:48Mismong si House Speaker Martin Romualdez daw ang nag-alok nito sa kanila
02:52kahit di pa sila naipoproklama.
02:54Sabi ko ako'y open at ang matagal na namin pinahapon sa bayan
03:00ay magkaroon na accountability ang ating mga public official.
03:03He said that they would be divided or it would be good for the prosecution team if I join them.
03:11At first I said can I give it a serious thought and consideration
03:14and sabi niya we need your immediate answer because we are making plans already etc.
03:20So I said yes.
03:21Kapwa-abogado na may mahabang karanasan, sinag-Dyokno at Lailima.
03:26Noong 2001 sa impeachment trial ni Nooy Pangulong Joseph Estrada
03:30naging bahagi si Diyokno bilang private prosecutor.
03:35Ayon kay Romualdez, makadaragdag sila ng kredibilidad, balanse at lalim
03:40sa prosesong ito na mandato ng konstitusyon.
03:44Hindi raw ito pag-target sa sino man,
03:46kundi pagtupad sa kanilang tungkuling nakasaad sa saligang batas
03:50ng may integridad.
03:52Si Diyokno, si Dalima ang isa sa pinakamatinding kritiko ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
03:57at sa ilalim ng kanyang administrasyon,
04:01ipinaaresto ang Nooy Senador sa akusasyong may kinalaman sa droga.
04:05Halos 7 taong nakulong si Dalima hanggang sa ibinasura ng mga korte
04:10ang lahat ng kaso laban sa kanya.
04:12Pero paglilinaw ni Dalima, hindi pag-anti sa mga Duterte
04:16ang pagpayag niyang maging tagausid sa anak ni Duterte
04:20na si Vice President Sara.
04:22Some people would again be saying na maybe she's doing this
04:26out of vendetta, out of vindictiveness.
04:30No, hindi po.
04:31It's all about really contributing to the attainment of justice and accountability.
04:39Ayon kina partyless nominee Laila Delima at Chelle Diyokno,
04:43hindi pa na pag-uusapan kung anong articles of impeachment
04:46ang gusto nilang hawakan o ita talaga sa kanila.
04:49Pero siguradong pag-ahandaan daw nilang mabuti ang impeachment trial.
04:54Tulad ng naging karanasan ko noong dati sa impeachment process,
04:59kailangan ayusin at tibayin ang ebidensya
05:02ng mga testigo at mga exhibit.
05:06That's going to require the same kind of preparation
05:08that a lawyer does for a trial in court.
05:12Halos gano'n na gano'n din.
05:14Ang dami talaga na manonood ng proceedings na yan.
05:17So kung talagang malakas ang ebidensya at maayos ang pagkakapresenta,
05:22malinaw ang pagkakapresenta ng prosecution panel,
05:25magiging malinaw din yan sa kaisipan ng mga tao.
05:29And therefore, magiging factor yung public opinion.
05:33Yung mga individual senators who will be voting for either acquittal or conviction
05:38will have to take that into consideration
05:42na ultimately, ang huusga ay yung taong bayan.
05:46Para sa GMA Integrated News,
05:48ako si Tina Panganiban Perez,
05:50ang inyong saksi.
05:53Mga kapuso, maging una sa saksi.
05:56Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube
05:58para sa ibat-ibang balita.