Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Special canvassing, kinakailangan sa ibang bansa para matapos ang bilangan ngayong araw

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Patuloy ang pagbilang ng voto ng National Board of Canvassers para sa hatol ng Bayan 2025.
00:07Ang detalye sa malitang pambansa ni Luisa Erispe Lai. Luisa?
00:13Sheila, patapos na ang bilangan ng voto o canvassing ng National Board of Canvassers dito sa Maynila.
00:19Kinailangan naman ng special canvassing sa ilang mga nagsagawa ng overseas voting sa ibang bansa dahil nagka-problema sa transmission.
00:30Labing-anim na COCs ang target na buksan at bilangin ng National Board of Canvassers ngayong araw para matapos na ang bilangan at mapaaga ang proklamasyon ng mga mananalong senador at party list.
00:42Kung tutuusin, mabilisan lang ang canvassing ng labing-anim kumpara sa 101 na binilang kahapon.
00:48Pero ayon sa Komelec, karamihan kasi dito ay mula sa overseas voting at kinailangan pa nga nilang magkaroon ng special canvassing para makapag-transmit lang ng voto.
00:57Nahirapan kasi sila sa transmission dahil naharang umano sa customs ang mga laptop na gagamitin sana sa transmission sa ibang bansa.
01:05Yung kung kanilang consolidation and canvassing system laptop na kamukha po na ginagamit ng ating National Board ay nahold sa customs bureau ng mga bansa na yan dahil hindi naman po ito kinoconsider na diplomatic pouch kaya dumadaan talaga sa Bureau of Customs.
01:23Agad pa rin namang nakarating ang mga COCs mula South Africa, Pakistan at Portugal kaya agad din itong na-canvass.
01:31Pero may iba pang kinakailangang intayin ang Komelec.
01:34At ito ay ang sa Poland at sa Iran na dahil naman sa internet restriction hindi rin nakapag-transmit ng voto.
01:40Magta-transmit na po sana sila dahil sa inherent internet restriction sa bansa na yan.
01:48Kahit po yung virtual private network natin, kahit yung teltonika po natin ay hindi makapag-send ng kanika nilang certificates of canvas.
01:55Ano ang contingency plan?
01:57Lalabas po sila dun sa host country na may internet restriction, pupunta sa pinakamalapit na Philippine Embassy or Consulate Office.
02:04Pero sabi naman ng Komelec, kung tutuusin, kahit maliit lang na bilang ang iniintay nilang voto mula sa dalawang COCs,
02:13pipilitin pa rin nilang mabilang ito lahat bagong magproklama ng mga panalo.
02:19Medyo maliliit na lang po kasi.
02:21Tingin po namin ay baka hindi na maka-apekto.
02:25Medyo malalayo po kasing distansya.
02:27Pero sa party list, definitely po medyo maaring critical yung mga votes na yan.
02:32Pero sabi nga po namin, saglit na saglit na lang naman ang iniintay natin.
02:35May assurance naman tayo na matatanggap ngayon.
02:38So there is no need to hurry.
02:39Wala kaming reason para po mag-early proclamation.
02:42O kaya nga po mag-lower ng threshold para lang po ma-generate ang National Certificate of Canvas po.
02:48Tuloy naman anya ang proklamasyon.
02:50Kahit marami pa rin ang kumapwestiyon sa naging proseso at transmission sa mga umanoy mataas na bilang ng overvote.
02:57Kumpiyansa din ang COMELEC na maayos at mapagkakatiwalaan ang ginawa nilang canvassing.
03:03At kung mahihingi pa ng manual recount, ay maaari nilang silipin ang ginaganawang random manual audit sa ngayon.
03:10Ang basihan ng proclamation ay ang canvas.
03:14Sana po maunawaan natin sa batas natin, ang pinagawang basihan ay canvas.
03:19Hindi po pinagbabasihan yung mga ibang issues na nasa baba.
03:24Samantala, base naman sa inisyal na tala ng COMELEC, umabot sa 81.65% ang voter turnout para sa hatol ng Bayan 2025.
03:35Katumbas ito ng mahigit 55,800,000 na mutante mula sa kabuo ang 68,431,000 registered voters.
03:44Ito naman ang pinakamalaking voter turnout para sa midterm elections.
03:49Samantala, Sheila, kanikanina lang ay naglabas na rin ng partial at official count ang Commission on Elections.
03:56Ito yung Canvas Report 1 mula nga dito sa ginawa nilang canvassing noong unang araw noong May 13,
04:02kung saan 59 o 58 na certificate of canvas ang kanilang buluksan.
04:08Mula dito sa mga botong ito, ang nangunguna ay si Bongo, sumunod si Bam Aquino,
04:12sumunod ay si Bato de la Rosa, at si Tito Soto, Ping Lakson, Erwin Tulfo, Rodante Marcoleta,
04:19Kiko Panghininan, Pia Cayetano, Camille Villar, Ben Hurabalos, at pasok din sa top 12 si Aimee Marcos.
04:27Sumunod naman sa kanila si Abi Pinay, Lito Lapid, Ben Tulfo, Bongrevillea, Heidi Mendoza,
04:33Bonifacio Busita, Manny Pacquiao, at Jimmy Bondoc.
04:36Samantala ito nga ay 58 COCs pa lang, Sheila.
04:40Iniintay pa natin yung 101 na kinanbas nila kahapon,
04:44at inaasahan natin ilalabas yan ang Comelec para naman sa Canvas Report 2,
04:49at kung anuman yung tali niya na ay sa ngayon inaantabayanan pa natin, Sheila.
04:55Maraming salamat, Luisa Erispe ng PTV Manila.

Recommended