Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Ayaw muna ni Senate President Chiz Escudero na paingayin ang usapin ng pagpapalit ng liderato ng Senado, sa gitna ng napipintong pagbabalik ni dating Senate President Tito Sotto. Tiwala naman si Escudero na hindi makaka-apekto sa pagde-desisyon sa impeachment ang mga partido o mga nag-endorso sa mga Senador.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ayaw muna ni Senate President Cheese Escudero na paingayin ng usapin ng pagpapalit ng liderato ng Senado
00:06sa gitna ng napipintong pagbabalik ni dating Senate President Tito Soto.
00:10Tiwala naman si Escudero na hindi makaka-apekto sa pagdedesisyon sa impeachment
00:14ang mga partido o mga nag-endorso sa mga senador.
00:18Nakatutok si Mav Gonzalez.
00:23Pagpasok ng 20th Congress, Senate President pa rin si Sen. Cheese Escudero
00:27maliba na lang kung may suportahang iba ang mayorya ng mga senador.
00:31Isa sa mga magbabalik Senado, si dating Sen. President Tito Soto.
00:35Katatapos lang ng eleksyon at bangayan at ingay, sisimulan nyo na naman agad.
00:39Palipasin nyo naman, sino man sa amin, kabilang si Sen. Soto,
00:44ang may bilang, hindi niya dapat talikuran yung responsibilidad at yung hamo na yun
00:50na binibigay na kumpiyansa ng mayorya ng mga senador.
00:55Hindi ko nga pinangarap na po yung Sen. President.
00:57Sabi ni Soto, ipauubayan niya sa mga kapwa senador ang desisyon.
01:01Pero handaro siyang tanggapin anumang trabaho at responsibilidad ang ibigay sa kanya.
01:06Labing tatlong boto o higit pa ang kailangan para maglukluk ng Senate President.
01:10Sakaling magkabotohan, paliwanag ni Escudero na hindi porkit na sa oposisyon ka
01:15o kontra sa administrasyong Marcos Jr. ay minority senator ka na.
01:19Hindi administration opposition, majority minority.
01:23Majority means you voted for the winning speaker or Senate President.
01:26Minority means you did not vote for him or voted for someone else.
01:30Which is totally separate and distinct from being opposition or administration
01:33in relation to the sitting government.
01:36Mahalagang maplansya ang liderato ng Senado.
01:39Lalo't may dagdag na trabaho ito bilang impeachment court.
01:43Sa susunod na linggo nga, padadalhan na ng notice ng Senado ang Kamara
01:46para ipaalam na kailangan nilang ipresenta sa Senado ang impeachment charges laban sa BICE.
01:52Tingin ni Sen. President Chief Escudero,
01:55hindi maaapektuhan ang desisyon ng mga senador ng kanika nilang partido
01:58o kahit ng mga nag-endorso sa kanila.
02:01Depende sa kanilang personal na pananawat ang desisyon
02:05at hindi dinidiktahan ang partido.
02:07Nakita niyo naman siguro sa social media
02:09na nagbago-bago ng posisyon yung mga in-endorse dati.
02:13Panawagan niya sa mga kasama,
02:15huwag magkomento kaugnay ng impeachment.
02:17At kahit may mga malinaw na makaduterte,
02:20hindi ano niya masasabi kung boboto sila para i-acquit ang BICE.
02:23Siyam na boto lang ang kailangan para ma-acquit siya.
02:26Ayokong pangunahan ano man ang magiging resulta ng impeachment.
02:29Hayaan natin tumakbo ang proseso.
02:32Kahit magharap-harap ang magkakalabang paksyon,
02:34inaasahan ni Escudero na hindi magiging sirkos ang impeachment trial.
02:38Mga veterano, batikan sa legislation, sa parliamentary rules ang mga ito.
02:44Sa emotional outbursts.
02:45Bahagi yun, but we will maintain order and we will keep order within the impeachment court.
02:50We will make sure of that.
02:52With the help of course of the other members,
02:54as well as the sergeant at arms if necessary.
02:57Kinequestion itong naging impeachment complaint sa Supreme Court.
03:01So that will have to also be resolved.
03:03In the end, it is a constitutional duty of every sitting senator in an impeachment court to proceed with it.
03:11So tingnan natin ano ang magiging ebidensya, etc.
03:16We will just have to uphold the rule of law.
03:19Sa posibilidad naman na magkaroon ng Marcos Block at Duterte Block sa susunod na kongreso,
03:24kumpiyansa ang Senate President na hindi ito makakaapekto sa botohan ng mga panukalang batas.
03:29Sa pang-araw-araw na issue, mga panukalang batas na pag-uusapan namin,
03:35sa tingin at pananaw ko, hindi yan titignan ng mga miyembro ng Senado bilang bahagi ng Duterte Block,
03:40bilang bahagi ng Marcos Block.
03:43Titignan nila yan gamit ang kanilang karanasan.
03:45Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez, Nakatutok, 24 Horas.
03:59Titulky vytvořil Jirka Kováč

Recommended