Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Girit ang Commission on Elections na walang anomalya sa bilangan ng voto sa election 2025.
00:06Sa kabilang omanay discrepancy sa bilang ng partial and unofficial results.
00:11Malapit na rong matapos ang canvassing at posibleng maiproklama na ang mga nanalong senador sa weekend.
00:17May unang balita si Sandra Aguinaldo.
00:19Mula sa kabuang 175 Certificates of Canvass, 159 na ang nabilang ng National Board of Canvassers.
00:32Kabilang sa mga na-canvass ang mga COC mula sa ibang bansa at local absentee voting.
00:38Nabilang din ang COC mula sa limang lunsod sa Metro Manila, Baguio City, limang probinsya sa Luzon,
00:45Lapu-Lapu City sa Cebu, General Santos City at probinsya ng Kamigin.
00:51Halos lahat na rin daw ng COC ay na-transmit na.
00:55Yung po mga nakakaraan, dalawang linggo eh, yung canvassing.
00:58First time, kahit i-research nyo sa kasaysayan, sa unang araw pa lang ng canvassing 58,
01:04kinakailangan mabilis pero pinagkakatiwalan.
01:07Pusibleng matapos na raw ang canvassing,
01:09kaya hindi na rin daw kailangan ng hiling ni Congressman Rodante Marcoleta
01:13na partial proclamation para sa mga senatoriable na sa tingin ng COMELEC ay statistically impossible ng maapektuhan ng ranking.
01:22Sa tansya ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia,
01:25sa Sabado o Linggo ay maipoproklama na ang mga bagong halal na senador.
01:30Sa kasunod na araw naman, inaasahan ang proklamasyon ng party list para raw magkasa sa venue.
01:36Halimbawa tapos ka na ng canvassing ng Webes o Viernes,
01:38meron ka man lang isang araw to prepare, to prepare the venue.
01:43Gusto naman natin ibigay na kahit paano marangal at maayos yung lugar kung saan ipoproklama
01:50yung mga magigiting nating senador at saka membro ng kongreso sa party list.
01:55So hinahanda pa po yan, may mga formal na invitation pa nga po na pinapadala
01:59upang sila ay makadalo at kasama yung mga membro ng kanilang pamilya.
02:04Isa pang hiniling ni Marco Leta ay linawin at ilagay sa record ng COMELEC
02:08ang paliwanag nito sa issue ng umunay discrepancy o duplication
02:13sa partial and unofficial count na lumabas sa media.
02:17Sasagutin daw ito ng formal ng COMELEC sabay ng pagsabing walang anomalyang nangyari.
02:22Wala pong misteryo na naganap dyan. Talagang yung processing and sequencing po
02:27ang nagkaproblema kung bakit nagkaroon tayo ng delay ng pagtadala.
02:30And then again po, pinoint out po yan ng mga tao ng transmission group ng COMELEC
02:34doon sa mga IT people ninyo. At wala po naging question yung IT people ninyo
02:38dahil kitang kita, nandun talaga. At kitang kita po yung pagkakalatag doon sa results website.
02:43Wala po kasing dobling sa results website eh. Doon po doon sa mga private websites
02:47nagkaroon ng pagdodoble. Nung nakorek po yun, nagpapasalamat din po kami
02:51doon sa ilang ahensya na inayos nila kagad. Tignan nyo po yung mga websites ngayon
02:56pati sa PPCRB, sabay-sabay na po, halo siya, magkakapareho na po kami ng datos.
03:01Wala, wala. At ang tangilang lagi namin sinasabi, even in the past,
03:07ang kadayaan ay nangyayari doon sa mga natitira pa rin mga human interventions.
03:12Bagamat wala pang inilalabas na opisyal na resulta ng canvassing ang COMELEC,
03:17nagpalabas na ng pahayag si Sen. Bong Revilla.
03:20Sa kabila raw ng hindi inaasahan, ay nagpapasalamat pa rin siya sa mga taong sumuporta sa kanya.
03:26Pang-labing apat si Revilla sa partial and unofficial count,
03:30pang-number 13 si Ben Tulfo na wala pang inilalabas na pahayag.
03:34Habang pasok sa top 12 si Sen. Aimee Marcos.
03:38May gitsang milyon ang lamang niya sa mga sumunod sa kanya.
03:42Sa mga nagdaang eleksyon, naging mainit ang agawan sa huling slot sa senatorial race
03:47nang ilan ay nauwi noon sa election protest.
03:50Si Mayor Abibina ay na pang-labin lima sa unofficial count,
03:55nagpasalamat sa 11 milyong Pilipinong nagtiwala sa kanyang kaya niyang gawing better ang Pilipinas.
04:02Handa naman daw maglingkod si Congresswoman Camille Villar na pasok sa top 10 base sa unofficial count.
04:08Ang kanyang ina na si Sen. Cynthia Villar nagpasalamat din sa mga sumuporta sa kanya
04:15kahit di siya pinalad na manalo bilang kongresista sa Las Piñas.
04:20Si Piglaxo naman sinabing maraming matututunan sa nagdaang eleksyon
04:24at sa huli tao ang magpapasya na siyang kahalagahan ng demokrasya.
04:29Ang malakanyang iginagalang daw ang resulta ng eleksyon.
04:32Ano mang kulay yan, we welcome po talaga ng Pangulo na makaisa ang bawat leaders natin
04:39para tugunan kung ano man ang problema at magbigyan solusyon ang pangangailangan ng mga kababayan natin.
04:47Inaasahan na rin daw ng administrasyon ang presensya ng lehitimong oposisyon
04:52pero handa raw nilang labanan ang mga tinawag niyang obstructionist.
04:56Pag sinabi natin lehitimong oposisyonist, ang ipinaglalaban nila ay ang bansa.
05:04Obstructionist, walang gagawin, kundi manira, walang makikitang maganda sa ginagawa ng gobyerno
05:10at ang sariling interes lamang ang gustong palagawin.
05:14Kung gagawa man sila ng fake news, kung ano-ano mga balita o ano-ano mga statement
05:18na maaari makasira sa gobyerno ng walang basihan, ito po ay ating tutugunan kagad.
05:24Ayon sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV,
05:28tinatayang 80.27% ang voter turnout nitong election 2025.
05:35Mataas dyan kung ikukumpara sa mga nagdaang midterm elections.
05:39Ito ang unang balita, Sandra Aguinaldo para sa GMA Integrated News.
05:45Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube
05:50para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
05:54Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News.