Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:

GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Sama-sama tayong magiging Sakli!
00:08Sama-sama tayong magiging Sakli!
00:38Sa lumabas na resulta ng mga survey noong kampanya.
00:42Saksi, si Van Mayrina.
00:48Kahit tanguna na si Sen. Bonggo sa ilang senatorial survey noong huling bahagi ng kampanya,
00:54nagulat pa rin daw siya sa partial unofficial results ng eleksyon 2025.
00:58Nasurpresa po ako sa naging resulta.
01:03Referendum po ito sa amin bilang incumbent senator.
01:07Ito po yung performance rating namin kung nagtrabaho ba kami sa loob ng alim na taon.
01:13Nagpasalamat sila ng kapartidong si Sen. Bato de la Rosa sa mga taga-suporta.
01:18Pangatlo si de la Rosa sa partial unofficial count.
01:20Pareho rin nilang nabanggit si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
01:23Sa lahat po nang sumusuporta at nagtitiwala sa akin at of course sa dating Pangulong Duterte na naging mentor ko po sa pagsiservisyo.
01:38Ito pag-angat natin ngayon dito sa partial results ay it came with a very heavy price at yan yung freedom ni Pangulong Duterte.
01:51Isa pang nanguna sa ilang senatorial survey, si Congressman Erwin Tulfo, na pang-apat ngayon sa Magic 12.
01:58Handa rin siya makipag-dialogo sa kanyang mga posibleng makatrabaho sa Senado, laloan niya para sa health care.
02:03Pag-official na tayo na, lembra na Senado din, nakausapin po natin.
02:08Lahat siguro from the opposition, from the left, from the right, para how can I help?
02:13Pero mismo mga survey firm, nagulat sa talon ng ranking ng ilang senatorial candidate.
02:18Halimbawa, si dating Sen. Bam Aquino, pangalawa sa partial unofficial count.
02:23Pero kung titignan ng mga huling survey ng SWS, Pulse Asia at Octa Research ay wala o hindi kataasan sa Magic 12.
02:31Si dating Sen. Kiko Pangilina naman, panglima sa partial unofficial count.
02:36Pero sa mga survey na isinagawa nitong Mayo lang o dulong bahagi ng Abril, may mga pagkakataon pang hindi siya pasok sa Magic 12.
02:43Tingin ni Pangilina, nakatulong ang pag-endorso ng mga lokal na opisyal, particular sa Cebot, Cavite.
02:49Masigasig na pangangampanya at pagsusulong ng kanyang advokasya para sa food security.
02:54Yung TV, meron kaming telegram thread. At doon ko nakita yung unang feed na nasa top, actually top 5 na nga. So akala ko fake news.
03:09Pero hindi raw niya inaasahan na gano'ng kataasan niya magiging ranking.
03:12Meron talagang gano'ng talagay kong voters na nagahanap. Siguro feeling nila masyadong magulo ang nangyayari, yung banga yan.
03:23E kami naman, hindi naman kami kasama doon sa dalawang naguumpugang bato, ika nga.
03:27Nagpapasalapas po po mese na sa mga sumulong, na sa mga volunteers, especially po yung mga kabataan.
03:33Tingin mo namin yung mga kabataan na nagayos at gula sa amin yung gender people sa winning circle po.
03:38May mga kandidato namang pasok sa mga survey pero sa ngayon ay laglag sa Magic 12.
03:44Gaya ni na Ben Tulfo, Senador Bongrevillea at Makati Mayor Abibinay.
03:49There were some surprises, no? For example, we didn't expect Abibinay or Bongrevillea to be where they are now in terms of the numbers.
04:00Of course, it can still change. There's still 20% of the vote. May margin of error lagi ang survey.
04:05Hindi siya perfecto, hindi rin siya crystal ball.
04:07So, dun sa margin of error, makikita niya, dikit-dikit talaga eh.
04:11Sa bawat survey na ay sinasagawa ng SWS, Pulse Asia at Okta Research,
04:15laging nariyan ang mga katagang kung ngayon gaganapin ang eleksyon.
04:19Ang mga sagot kasi ng mga sinasurvey, maaaring magbago sa mismong butohan.
04:23We have data to show that 20% of our voting population will only decide on the day of election.
04:29And then another 20%, close to 20%, 18%, will decide the week before the election.
04:37Maaaring rin naka-apekto ang mga nangyari mula ng huli sila mag-survey.
04:41Gaya ng nasa number 6 spot na si Congressman Rodante Marcoleta,
04:45kabilang sa mga maaaring rin nakatulong sa kanya ang suporta ng mga Duterte.
04:49At gayon din ang Iglesia Ni Cristo na kinabibilangan niya ang paglalabas ng endorsement ng INC.
04:55Hindi rin pasok sa survey period.
04:57From experience, yung Iglesia Ni Cristo, taragang solid yun.
05:00By solid, I mean 80%.
05:02Not 100, not 80%.
05:05My feeling always has been doon, but kukunti lang sila.
05:11Mga 5% lang ang mga Iglesia Ni Cristo voters.
05:14Di ba?
05:15So, I haven't seen yet that that could change the standings so much.
05:20Let us see.
05:21Anyway, hindi pwedeng Iglesia lang.
05:23Lubas din kamakailan ang endorsement kay Marcoleta ni Vice President Sara Duterte.
05:28I-endorse din ang visa si na Congresswoman Camille Villar at Senadora Amy Marcos
05:33at inampo ng PDP laban ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
05:37Pero hindi pa daw dapat pa kasiguro mga nasa dulo ng Magic 12.
05:41Halos hindi naglalayo ang kanilang mga figures mula dun sa 10, 11, 12.
05:49So, pwedeng gumalaw.
05:51Para sa GMA Integrated News, ako si Ivan Mayrina ang inyong saksi.
05:54Ngayon po, silipin natin ang partial unofficial count as of 10.21 p.m.
06:01Nangunguna pa rin sa listahan ng mga Senador.
06:05Hongbo, 26,484,089.
06:11Palawa, Bam Aquino, 20,636,345.
06:16Number 3, Bato de la Rosa, 20,267,642.
06:21Sa ika-apat na pwesto, Erwin Tulfo, 16,814,780.
06:28Ikka-limang pwesto, Kiko Pangilinan, 15,087,765.
06:36Sa ika-anin na pwesto, Rodante Malcoleta, 14,906,896.
06:43Number 7, Ping Lacson, 14,856,359.
06:48Number 8, Tito Soto, 14,596,270.
06:55Sa ika-sam na pwesto, Pia Cayetano, 14,306,453.
07:02Sa ika-sampung pwesto, Camille Villar, 13,358,507.
07:08Sa ika-labing isang pwesto, Lito Lapit, 13,119,308.
07:16At sa ika-labing dalawang pwesto, Amy R. Marcos, 13,036,297.
07:23Number 13, Ben Tulfo, 11,886,201.
07:29Number 14, Bong Revilla, 11,788,789.
07:34At sa ika-labing limang pwesto, Abibinay, 11,569,458.
07:43Yan po ay partial unofficial count as of 10.21pm.
07:47At mula po yan sa 97.35% ng clustered precincts sa buong bansa.
07:53At batay po yan sa datos ng Comelec Media Server.
07:56Sa kala mga kapuso, naiproklama na ang lahat ng nanalong alkalde sa labing-anin na lungsod at nag-iisang bayan sa Metro Manila.
08:05Huling itrinoklama si Isko Moreno na papalitan.
08:09Ang dating running mate at kalaunay nakatunggali sa pagkamayon ng Maynila na si Honey Lapuna.
08:15Saksi si Mariz Umali.
08:17Matapos makakuha ng 530,825 na boto mula sa 1,584 clustered precincts,
08:27naiproklama na bilang susunod na alkalde na Maynila si Isko Moreno.
08:32Ayon sa City Board of Canvassers ay inaprubahan na ang mosyon ng kampo ni Moreno
08:36na ibabang threshold for proclamation dahil malayo na ang agwat ng kanyang boto
08:40sa implement Mayor Honey Lapuna.
08:43Buong kababaang loob nating tinatanggap ang kapasyahan ng higit na nakararami sa atin.
08:50Maraming salamat sa pagbigay ninyo ng pagkakataon na ako'y maging kauna-unahang babaeng
08:58punong lungsod sa kasaysayan ng Maynila.
09:01Una ko na muna ang panawagan sa ating mga mamamayan.
09:04Opo, tapos na po ang eleksyon, yung mga nagkontrapartido, magkatapat ng ilog,
09:12magbati-bati na po kayo na po tayo mag-iwaiwalay.
09:16At the end of the day, tayo-tayo rin ang magkikita sa finals.
09:21Nanawagan siya ng paghilom, matapos siyang maiproklama.
09:24Ipinroklaman namang Vice Mayor si Chi Atienza.
09:27Muling maupo bilang alkalde ng Pasig sa ikatlo at huling terminol si incumbent Mayor Vico Soto.
09:36Panalo rin ang running mate niya si incumbent Vice Mayor Dodot Jaworski
09:40at iba pang kasama sa giting ng Pasig Slate.
09:43Naipakita po natin na ang tao ayaw na sa tradisyonal na politika,
09:48ayaw na sa siklo ng korupsyon at maduming politika,
09:53ayaw na ng mga lumang kalakaran.
09:55Sa susunod na tatlong taon, pagtitibayin daw niya ang mga nasimulang pagbabago sa Pasig.
10:00May balak ba siyang tumakbo sa national position pagkatapos ng kanyang termino?
10:04Wala po akong balak. Sana hayaan din po ako ng mga tao na magtrabaho
10:10at hindi yung lagi po akong pinipressure o mag-isip ng kung ano-ano.
10:18Importante, magtrabaho po tayo everyday.
10:20Let's take it one day at a time. Let's do the best where we are right now.
10:25Focus po tayo.
10:27Wala pa rin daw sa isip na incumbent Quezon City Mayor Joy Belmonte
10:30kung tatakbo siya sa mas mataas na posisyon.
10:32Matapos niyang manalo sa ikatlong termino.
10:35Naiproklama na siya kanina at ang kanyang running mate na si Gian Soto.
10:38I-pagpapatuloy po natin ang pagsulong ng good governance sa ating lungsod.
10:42Mapalawak pa ang serbisyo para sa ating mga mamamayan.
10:46Huling termino na rin ipasay si TMI Calixto Rubiano.
10:49Sa aking mga kababayan, yung tiwalang binigay nila sa akin mula noon hanggang ngayon
10:54ay talagang pinaka-iingatan ko at ito po ay sinusukliang ko ng tapat at igit pa sa sapat ng pagdiri.
11:03Ang pamangkin niyang si Mark Calixto ang nanalong vice mayor ng lungsod.
11:07Patuloy na yung magsisilbing alkalde ng San Juan si incumbent mayor Francis Zamora
11:12na nasa ikatlo na niyang termino.
11:14Panalo rin si incumbent vice mayor AAA Agcawili.
11:18Magpapalita naman sa pwesto ang mag-inang Aguilar sa Las Piñas.
11:22Unang termino sa pagka-alkalde ni incumbent vice mayor April Aguilar
11:25habang vice-alkalde ang ina niyang si incumbent mayor Imelda Aguilar.
11:29Maraming maraming salamat sa inyo.
11:31Sabi ko nga po isang tabi na natin yung politika.
11:34Magsama-sama tayo, magtulungan tayo.
11:37Para sa ikauulad na Las Piñas.
11:39Ang konsihala si Mark Anthony Santos ang ipinroklamang panalo sa pagka-kongresista.
11:44Tinalo niya ang tatlong katunggali kabilang na si Senadora Cynthia Villar.
11:49David and Goliath.
11:50Pero kalimutan na natin yun kasi it's time to move on.
11:54Tapos na ang eleksyon, trabaho na at kailangan sipagan pa natin.
12:01Sa Makati City, ipinroklamang alkalde sa incumbent Senator Nancy Binay,
12:09kapatid ni Senatorial Candidate at incumbent Makati Mayor Abby Binay.
12:14Tinalo niya ang asawa ni Abby na si incumbent Makati 2nd District Representative Luis Campos.
12:19Hindi changes eh. It's more of enhancement.
12:22Yung mga programa na nasimulan ng daddy ko, na tinuloy din naman ng mga kapatid ko, including Mayora Abby.
12:29Ipinrok naman na rin Vice Mayor si Makati Representative Kid Peña.
12:34Naiproklaman na rin bilang alkade ng Marikina si 1st District Representative Marjorie Ann Maan Teodoro.
12:40Papalitan niya ang asawang si outgoing Mayor Marcy Teodoro na nangunguna sa bilangan sa pagka-kongresista ng 1st District ng Lungsod.
12:47Sinuspindin ang Comelec ang proklamasyon kay Marcy Teodoro dahil wala pang resolusyon sa inihain reklamo laban sa kanya.
12:54Umapila naman si Teodoro sa Comelec na irespeto-a niya ang boses ng mga botante at ituloy ang proklamasyon.
13:00Muli namang manunungkulan sa ikalawang terminong si Kaloocan City Mayor Along Malapitan.
13:05Pinalo niya si dating Senador Antonio Trillanes IV.
13:08Masaya tayo na na-appreciate ng mga taga-Kaloocan yung mga ginawa natin nung ating first term.
13:16So sabi ko nga pagpapatuloy natin yung mga ginawa natin.
13:21Ang ama ni Along na si Congressman Oscar Malapitan, wagie bilang 1st District Representative.
13:27Labing walong taon ang hawak ng mga malapitan ang naturang posisyon.
13:31Wagie rin si Vice Mayor Karina Te.
13:34Muli rin mauupo bilang Malabon Mayor si Jeannie Sandoval.
13:37Ito po'y tudyat na ako po'y lalong magbibigay ng mas maigting, mas maalab at mas dedikadong servisyo publiko.
13:52Si Edward Nolasco naman ang nanalong Vice Mayor.
13:56Second term na rin ni Taguig City Mayor Lani Cayetano.
13:58Ipinrok lamang Vice Mayor ang running mate niyang si Arvin Ian Alip.
14:02Re-electionist at lone candidate naman si Wes Gatchalian na Alkade ng Valenzuela.
14:07Habang si Valenzuela District 1 City Councilor Marlon Alejandrino ang Vice Mayor.
14:12Lone candidate rin ang muling nahalal na Alkade ng Montinlupa na si Rufy Biazon.
14:17Vice Mayor si Fanny Tevez.
14:19Pareho rin ang unopposed ang nanalong Mayor ng Navotas na si John Ray Tianco at Vice Mayor na si Tito Sanchez.
14:26Unopposed din si Mandaluyong incumbent Vice Mayor Menchi Abalos na ipinrok lamang Alkalde ng Lungsod.
14:31Gayun din ang tumakbong Vice Mayor na si Anthony Suva.
14:34Sa Paranaque, si 1st District Representative Edwin Olivares ang nanalong Alkalde.
14:40Ipinrok lamang Alkalde ng patero si Gerald Herman.
14:43Habang si Carlos Santos ang ipinrok lamang Vice Mayor.
14:46Para sa GMA Integrated News, ako si Mariz Umaliang inyong saksi.
14:52Inanyayahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga bagong halal na opisyal,
14:56anuman ang partido o koalisyon na makipagtulungan tungkol sa ikabubuti ng bansa.
15:01Ang mensahe ng Pangulo pagkatapos ng eleksyon 2025,
15:05sama-samang umusad ng may bukas na pag-iisi at iisang layunin.
15:10Nagpasalamat din siya sa bawat Pilipinong bumoto at sa mga sumuporta sa mga kandidato ng Alyansa.
15:17Hindi man nila napanalunan ang buong Magic 12, tuloy pa rin daw ang trabaho at ang misyon.
15:22Si Vice President Sara Duterte naman, kirikilala ang resulta ng eleksyon.
15:27At bagamat hindi ito ang resulta ang inaasahan nila,
15:30hindi natitinag ang kanilang pangako sa taong bayan.
15:34Patuloy rin nilang isusulong ang mahalagang isyo at hindi titigil sa pagtatrabaho
15:39tungkol sa malakas at anyay constructive na oposisyon.
15:43Hindi raw ito ang katapusan kundi isang panibagong simula.
15:48Naiproklama na rin ang ilang nanalo sa mga lokal na posisyon sa iba't ibang panig ng bansa.
15:53Saksi si Darlene Kai.
15:57Wag i-ulit sa pwesto sa Ilocos Norte 1st District si Congressman Sandro Marcos.
16:04Ipinroklama na rin Governor-elect ang kanyang tiyahing si Cecilia Araneta Marcos
16:08at Vice Governor-elect ang pinsan niya at outgoing governor na si Matthew Marcos Manoto.
16:13Natanong ang magpinsan kung tumutulong ba silang magkaayos muli
16:16ang ama ni Sandro na si Pangulong Bobo Marcos
16:19at ina ni Matthew na si Senadora Aimee Marcos.
16:22Muli ring nahalal sa ikalawang distrito ng probinsya si Congressman Angelo Barba.
16:36Sa Abra, ipinroklamang gobernador si Takit Bersamin,
16:40kapatid ni Executive Secretary Lucas Bersamin.
16:43Vice-gobernador naman ang pamangking si Ann Bersamin.
16:45Nanalo kong lisista si J.B. Bernos.
16:48Muli ring nanalo si former President Gloria Arroyo bilang Pampanga 2nd District Representative.
16:53Sa kapitolyo, magpapalitan ng pwesto ang mag-inang si na Governor-elect Lilia Pineda
16:57at Vice Governor-elect Dennis Delta Pineda.
17:00Pero ang kapatid ni Dennis na si Maylene Pineda Kayab-Yab,
17:03tinalo ni re-electionist San Fernando Mayor Vilma Kaluwag na ipinoklaman na rin kaninang umaga.
17:08Vice Mayor ang konsihal na si Brens Gonzalez.
17:11Re-elected naman sa bulakan ng actor-turned politician sa sina Governor Daniel Fernando
17:16at Vice Governor Alex Castro.
17:19Ang anak ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulia na si Abing Remulia,
17:23ipinoklamang gobernador sa Cavite.
17:25Vice Governor naman ang walang kalabang si Ram Revilla Bautista na anak ni Senator Bong Revilla.
17:30Habang sa Laguna, ipinoklaman ang gobernadora si Sol Aragones.
17:34Vice Governor-elect ang abogadong si J.M. Carait.
17:38Nagbabalik sa pagiging gobernadora ng Batangas si Vilma Santos Recto.
17:42Pero, hindi siya nakadalo sa proklamasyon at kinatawan lang ang humbarap sa Provincial Board of Canvassers.
17:47Ang anak at running mate niyang si Luis Manzano,
17:50tinalo sa pagkabisiya gobernador ni outgoing Governor Dodo Mandanas,
17:54ang isa pang anak ni Governor Alex Santos sa si Ryan Christian Recto,
17:57na nalang congressman ng ika-alim na distrito ng probinsya.
18:01Sa Cebu, natalo si incumbent Governor Gwen Garcia kay Pam Baricuatro.
18:05Bago ang proklamasyon, sinubukan ang kampo ni Garcia na ihain ang motion to suspend proclamation laban kay Baricuatro,
18:12pero hindi ito tinanggap ng Provincial Board of Canvassers.
18:15Ang running mate ni Garcia na si Glenn Soko, wagis sa karera ng pagkabisiya gobernador.
18:21Ipinroklaman na rin kinatawan ng 3rd Congressional District ng Negros Oriental si Pamplona Mayor Janice Degamo,
18:27byudad ng pinaslang na gobernador na si Roel Degamo.
18:30Roel, this is for you! Roel, this is for you!
18:35I want to see the day that I can win an electoral process without murdering anyone.
18:44Na pwede palang ipanalo ang eleksyon na hindi natin kailangang patayin yung opponent natin.
18:51Ang huupuan niyang pwesto, dating tangan na na-expand na kongresistang si Arnie Tevez Jr.,
18:57isa sa mga suspects sa pagpatay sa kanyang asawa noong March 2023.
19:00Nasa East Timor si Arnie Tevez ngayon kung saan siya sumusubok makakuha ng asylum.
19:06Ang tiyahin niyang si Janice Tevez ang siyang tinalo ni Mayor Degamo.
19:10Nakasuot ng bulletproof vest si Kirwin Espinosa nang iproklama bilang Mayor ng Albuera Lete.
19:15Ang unahin ko, ang peace and order at bigyan ng solusyon ang droga dito sa Albuera.
19:27Linisi namin ang droga dito sa aming lungsod.
19:31Isero tolerance namin ang droga.
19:34Nabaril si Espinosa habang nangangampan niya noong Abril.
19:37Vice Mayor ang kapatid niyang si R.R. Espinosa.
19:40Muli namang uupong Mayor ng Ormoc City sa Leyte si Lucy Torres Gomez
19:45habang magsisilwing Vice Mayor si Leo Carmelo Locsin Jr.
19:49Re-elected ding Leyte First District Representative si House Speaker Martin Romualdez.
19:54Ano po sa wala siyang kalaban?
19:55Para sa GMA Integrated News ako si Darlene Kay ang inyong saksi.
20:00Sa ipang balita, binaha ang ilang lugar sa Metro Manila
20:03matapos bumuho sa malakas na ulan kanina hapon.
20:06At tulad na lang sa Taguig City kung saan hanggang gutter ang paha.
20:10Sa Rojas Boulevard naman, may bumagsak na puno sa daan.
20:15At nagdulot ito ng pagbaga sa daloy ng trapeko.
20:18At nakaranas naman ng zero visibility sa Espanya-Mainila dahil sa ulan.
20:23Ayon po sa pag-asa, ang pagulan sa Metro Manila ay dulot ng localized thunderstorms.
20:29At kahit may pagulan na nararanasan sa bansa,
20:32ay patuloy namang umiira lang easterly sa frontal system
20:36kaya ramdam pa rin ang alinsangan sa malaking bahagi ng Pilipinas.
20:40Nasa 22 lugar ang posibleng makaranas ng heat index na aabot sa danger level bukas.
20:46Aabot po sa 42 hanggang 44 degrees Celsius ang init.
20:51Kasama riyan ang Metro Manila.
20:53At matay sa datos ng Metro Weather, umaga bukas, maaliwalas pa ang panahon sa halos buong bansa.
21:00Pero pagsapit po ng tanghali hanggang gabi, mataas ang chance ang umulan sa malaking bahagi ng Luzon at Mindanao.
21:06Malalakas ang ulan sa ilang lugar na posibleng magdulot ng baha o landslide.
21:10May mga kalat-kalat na ulan din sa Visayas at nananatili rin mataas ang chance ng ulan sa Metro Manila.
21:18Official na iprinok lamang alkalde ng Nagas City Camarines Sur, si dating Vice President Lenny Logredo.
21:24Siya po ang kauna-unahang babaeng alkalde ng Luzon.
21:27Saksi si Salimeref na.
21:32Matapos pagkuha ang mahigit 90% ng kabuwang goto.
21:37Our new mayor with a vote of 84,377, Mayor Lenny Logredo.
21:49Iprinoklama si dating Vice President Lenny Logredo bilang mayor-elect at kauna-unahang babaeng alkalde ng Nagas City.
21:57Pinaka-dream ko, hindi lang napagbutihin palalo yung buhay ng mga nagenyo,
22:03pero maipakita sa buong bansa na pag may mabuting pamamahala, taong bayan din yung makikinabang.
22:11Ayon kay Robredo, uunahin niya ang mga proyekto para sa edukasyon, kalusugan at kalikasan
22:17at para maging resilient ang Nagas sa mga sakuda.
22:20Sa Centro Rawang pamamahala ni Robredo sa Good Governance at People Empowerment,
22:25pagpapatuloy sa mga nagawa ng kanyang asawang si Jessie Robredo
22:29at pagpapatibay sa mga nasimulan niya noon bilang Vice Presidente ng Bansa.
22:35Lahat sinusukat na kung saan namin ini-invest yung pera, dapat nasusukat namin na bumabalik yung investment.
22:45Maraming kailangan gawin.
22:46Pero gusto din namin na aside from making our city a happy place for Naganyos,
22:55gusto namin makapag-initiate ng mga projects na replicable all over the country.
23:00Nanalo rin bilang vice-alcalde ang katandem ni Robredo na si Congressman Gabby Bordado.
23:06Labis din kinatuwa ni Robredo na hindi lang pasok sa top 12, kundi mataas pa sa butuhan
23:11ang mga kinampanyang sinabam Aquino at Iko Pangilinan,
23:15pati na mga sunuporta kang party list na akbayan at pamamayang liberal.
23:19Very uplifting not just for myself but for the entire movement kasi maraming nawawala ng pag-asa eh.
23:27Pero yung strong showing ni BAM sa kanikiko, pati na din ng party list.
23:31Assurance ito na yung tao naghahanap pa din ng maayos na mga leaders.
23:37Para sa GMA Integrated News, ako si Salima Refraga ng inyong succeed.
23:41Sa kamila naman ng pagkakapiit ni dati Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague, Netherlands,
23:48wag hi pa rin siyang alcalde ng Davao City.
23:50Ang tanong, paano ang kanyang proklamasyon?
23:54Saksi si Marisol Abdurama.
23:55Sa botong 662,630, panalong si dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang mayor ng Davao City.
24:08Tinalo niya ang nuoy miyembro ng kanyang gabinete,
24:11si dating Secretary to the Cabinet na si Attorney Carlo Nugrales,
24:15na nakakuha ng 80,852 na boto.
24:19Dahil nakakulong si Rodrigo Duterte sa The Hague, Netherlands,
24:21tinanong ang Commission on Elections kung paano siya may pro-proclama bilang mayor.
24:26Hindi po requirement yung presence ng isang kandidato during the proclamation.
24:30Dito ko, may like hanggang proclamation lang po kami.
24:33After proclamation, PILG.
24:37651,356 naman ang nakuhang boto ni Vice Mayor Baste Duterte,
24:42malayo sa botong nakuha ng kanyang mga katunggali.
24:45Biguring maagaw ng kapatini Carlo na si Attorney Migsugrales
24:48ang congressional seat sa 1st District ng Davao.
24:52Mula kay Congressman Paulo Pulong Duterte.
24:54Pero no siya sa proclamation ang magkapatid na Pulong at Baste.
24:57Ang dumalo, tangyong mga anak ni Pulong,
25:00na si Rodrigo Rigo Duterte,
25:02na nungon ang konsiha sa 1st District at bagong hala na kongresistang si Omar.
25:10Kagabi, nagkita kami sa pumunta.
25:13Sabi nila, kami na lang daw magpunta in behalf.
25:16Hindi ko rin alam.
25:17Oo, baka may gawin pa, may flight pa.
25:21Para sa GMA Integrated News, Marisol Abduraman ang inyong saksi.
25:28Labing-animang patay sa mga insidente ng karahasan mula na magsimula ang election period,
25:33batay sa tala ng PNP.
25:34Mananatili na ka-full alert ang PNP hanggang Webes.
25:38Saksi, si Rafi Tima.
25:44Nagpakawala ng warning shots sa mga sundanot polis sa ilang voting precincts sa Marawi.
25:48May nagtipon-tipon daw kasi mga tagusuporta ng isang mayoral candidate,
25:51kaya kailangan nila itong palayuin.
25:53Ayon sa isa sa mga leader ng grupo,
25:55nais lang nilang puntahan ang grupo ng kanilang fall watchers
25:58na umanik pinahara sa loob ng voting precincts.
26:00Sa kabila ng komosyon,
26:11matagumpay na naihatin sa munisipyo ang mga balota.
26:13Sa Pualas, Lano del Sur,
26:17limang lalaki ang inresto matapos manong magpaputok ng baril sa labas ng polling center.
26:21Mahaharap sila sa reklamong paglabag sa election gun ban.
26:25Ayon sa AFP,
26:26tatlo ang namatay dahil sa election-related violence sa buong Lano del Sur.
26:30Pero unang pagkakataon daw ito,
26:31na walang naitalang failure of elections sa anumang bayan ng lalawigan.
26:35First time, nangyari sa Lano na walang failure of election.
26:38So, maganda ang ating nagawa dito ngayon sa election ng 2025.
26:47Sana turituloy na ito.
26:50Oo, oo, oo, ito!
26:52Kina na pa rin!
26:52Oo!
26:53Kina halas kami!
26:54Kina halas kami!
26:55Sa Maguinerad del Sur,
26:56gumamit ng chili spray o alkohol na hilaluan ng binikding na sili
27:00ang mga sundalo ng 601st Infantry Brigade.
27:03Ginamit nila ito para maawat ang gulo sa pagitan ng mga supporter ng mga kandidato doon.
27:07Parang po sa kapayapaan na hinihiling natin.
27:11Pagkagaling po yan dapat sa atin.
27:13Iusap po tayo, lahat na po, nang tapos na.
27:16Dahan-dahan na po na tayo mag-exit.
27:18Nagbukas at nagsara rin ng mga prosinto na walang naitalang nasa week.
27:21Sa pangkalahatan, generally, we have still, we can still say, no,
27:26as a conclusion na generally peaceful naman, no?
27:29Additional process o yung augmentation,
27:31nakatulong yun, nakakontribute yun ng malaki.
27:36Kaya nagkaroon tayo ng ganitong relatively successful conduct ng eleksyo dito sa ating area.
27:44Ayon sa PNP, naging maayos ang butuhan sa buong bansa.
27:47Mas tahimik daw ngayon kumpara sa mga nakarang eleksyon.
27:50Sa kabila ito nang naitala nilang 16 na patay
27:53dahil sa election-related violent incidents
27:55muna na magsimulang election period noong January 12, 2025.
27:59Wala rin naitalang failure of elections sa anumang panig ng bansa.
28:02Sa datos ng PNP na nakuha ng GMA News Research,
28:05noong 2022 elections,
28:0727 ang naiulat na election-related incidents kung saan 4 ang nasa week.
28:13Ayon sa PPCRV,
28:14bagamat marami silang natanggap na reklamo,
28:16karamihan daw dito ay mula sa mga garit na butante.
28:19That's a good indication.
28:20People are very passionate and feel very strongly about what they're voting for.
28:24Para sa GMA Integrated News,
28:26ako si Rafi Timang inyong,
28:28Saksi!
28:29Sa kabila ng ilang aberya,
28:32iginitang Comalek na maayos na gumana
28:34ang mga automated counting machine o ACM sa pangkalahataan.
28:37Saksi, si Maki Pulido.
28:43Sa labing-pitong minuto ni Luis sa loob ng presinto kung saan siya bumoto,
28:47sampung minuto ay naubos lang sa paghihintay sa sinusundan niyang butante
28:51na hindi maipasok-pasok ang balota sa makina.
28:55Sabi ng mga electoral board,
28:56kung madumihan ang balota,
28:58hindi na binabasa ng ACM.
29:00Ultimo, si Pangulong Bongbong Marcos.
29:02Sa ikalawang pag-feed lang pumasok ang balota.
29:05Problemang maraming beses naranasan sa buong bansa.
29:09May mga bumarang balota tulad sa Nagaseti.
29:12At may ilang nag-iwan na lang ng shaded na balota
29:14at ipinasuyo na lang ang pagpasok nito sa electoral board
29:18dahil sa tagal ng pag-aayos sa makina tulad sa Batangas.
29:22Pero giit ng Comelec,
29:23nagampanan ng mga automated counting machine ang trabaho nila.
29:27Kung noong 2022 elections,
29:29halos 2,000 vote counting machine ang pinalitan
29:32dahil sira na.
29:33Ngayon nasa 311 lang at dahil lang sa minor issues ayon sa Comelec.
29:38Pinalitan naman naman ito para hindi na maantala ang butuhan.
29:42The ACM and the automated election system performed well.
29:46In fact, more than our expectations.
29:48Nagpakalat kami ng 16,000 contingency machines.
29:52And yet, 311 lang yung nagamit.
29:55So ganun po kaganda ang performance ng ACM.
29:59Sabi pa ng Comelec, kahit naman daw bago,
30:01hindi ibig sabihin wala ni isa rito ang magkakaaberya.
30:04To me, thus for an object,
30:06lilinisin lang sana yan yung scanner.
30:08Pero ang sabi nga namin kung magtatagal pang linisin,
30:10e palitan na natin.
30:12Sa inisyal naman na assessment ng election watchdog na Lente,
30:16nagampana naman ang ACM ang papel nito sa butuhan at bilangan.
30:20Pero maibibigay lang daw nila ang kanilang full assessment
30:22pagkasagawa ng random manual audit
30:24kung saan manumanong bibilangin ang ilang balota
30:27at ikukumpara sa mga binilang na boto ng makina.
30:30I think it's a good direction
30:32na dapat naman talaga ready tayo for contingencies.
30:36Hindi naman talaga 100% yan in terms of equipment.
30:39But I guess the contingency plans are actually working right now.
30:45Para sa Miro Systems,
30:46maliban sa minimal technical issues,
30:48maging hawang naidaos ang 2025 elections.
30:52Naging standard na nila ang naganap na eleksyon
30:54dahil natugunan agad lahat ng mga issue
30:57na nagresulta sa uninterrupted voting.
31:00Sa natanggap anilang report,
31:02mas mabilis ang pagboto
31:03dahil sa kanila anilang mga makinang PWD-friendly,
31:07mas kaunting kaso ng paper jamming
31:09at mas mabilis na processing.
31:12Para sa GMA Integrated News,
31:14ako si Maki Pulido, ang inyong saksi.
31:17Matapos ang explosive eruption noong Abril,
31:20muli yung pumutok kanina madaling araw
31:21ang vulkan kanlaon.
31:23At ayon sa FIVOX,
31:24posible ang panibagong pagsabog ng vulkan.
31:26Saksi, si Aileen Pedreso ng GMA Regional TV.
31:32Habang naghihintay ng risulta ng botohan
31:34ng mga taga-negros occidental,
31:36ito ang bumalabok sa mga residente
31:38mag-alas 3 ng madaling araw.
31:41Mula ang liwanag sa pagputok ng vulkan kanlaon,
31:43dinigang dagundong sa lakasilya
31:45ng negros occidental
31:46at kanlaon city, negros oriental.
31:50Ayon sa FIVOX,
31:52explosive eruption ang nangyari sa kanlaon
31:55na nagdulot ng pyroclastic density currents
31:57o PDC
31:58na dumaloy sa dalisdis ng vulkan.
32:00Ito yung kombinasyon ng gas,
32:03volcanic ash,
32:04and volcanic debris.
32:06Mabilis yung daloy nito.
32:08Bumabagsak ito sa dalisdis ng vulkan.
32:11Delikado ito dahil
32:12it can incinerate everything on its path.
32:15Kayang sunogin ang vegetation,
32:18makakasira ng mga ari-ari asad,
32:20dinadaanan nito,
32:21pati na rin sa,
32:22pwede rin itong kumitilang buhay.
32:25Dahil sa pagbara pa rin sa crater
32:27at sa ilalim ng vulkan,
32:28ang tinitingnang dahilan na muling pagputok nito.
32:31Nagbabala rin ang FIVOX
32:32sa posibilidad ng isa pang pagsabog.
32:34Basis sa current parameters
32:36that we are monitoring,
32:37that we have recorded,
32:39may posibilidad na
32:40pwedeng magbago
32:42o may mas malakas pa na pagsabog
32:44sa mga susunod na arot.
32:45Nakataas pa rin ang alert level 3
32:47sa vulkan kanaon.
32:48Kung mag-escalate farther
32:50yung activity ng vulkan,
32:52we may raise the alert level
32:54from 3 to 4
32:55and with that,
32:56we may also extend
32:58the danger zone.
33:00Nakapagtala naman ang ashfall
33:01sa ilang bahagi
33:02ng Negros Occidental.
33:04Sa La Carlota City,
33:06nabalot sa abo ang mga kasada.
33:09Ilang bubong
33:10at halaman din
33:11ang may bakas ng ashfall.
33:12Hindi, ano eh?
33:15Kalain eh.
33:16Katulong sa mata,
33:17katulong sa panit.
33:18Ah, pinot ng lugar.
33:20Para sa Jemmy
33:21in Tugani News,
33:22ako sa Aileen Pedreso
33:24ng Jemmy Regional TV
33:25ang inyong saksi.
33:27Inaasahan ng Comelec
33:29na sa Biyernes o Sabado
33:30ay makakapag-proklama
33:32ng mga nanalong senador.
33:34Saksi,
33:35si Sandra Aguinaldo.
33:36Alas 10 noong umaga
33:41nang magsimulang mag-canvas
33:42ng boto ang Comelec
33:43bilang National Board of Canvassers.
33:46Kabuang bilang ng 175
33:48na Certificates of Canvas
33:50o COC
33:51ang ika-canvas dito.
33:53Ayon sa Comelec,
33:54masasabing mabilis
33:55ang kanilang pagka-canvas.
33:57Wala tayong dire-refer
33:58sa tabulation and audit group.
33:59Sa mga nag-manual election po
34:00natatandaan yung tab
34:01and audit group,
34:03wala po tayong ganun ngayon.
34:04Wala na.
34:04So anong replacement?
34:06Ay hindi po kailangan
34:07dahil automatic na
34:08nag-ta-tabulate yung system
34:09ay hindi po natin kakailanganin.
34:10Kung meron man pong issue,
34:11it will be referred
34:12to the supervisory committee.
34:14Si supervisory committee po
34:15nandyan si legal group,
34:16nandyan yung audit group.
34:18Pero bukas pa raw sila
34:19makakapag-release
34:20ng partial and official results
34:22dahil sa ginagamit nilang system,
34:24pumapasok lamang
34:25ang resulta ng mga COC
34:27pero hindi ito naglalabas
34:29ng running total.
34:31Nakikita po natin
34:32doon sa sistema,
34:32pag tinignan nyo po,
34:33wala po nakalagay doon
34:35na running tally.
34:36Nagmamano-pano po
34:37na nagtatali yung ating grupo dito,
34:39ang control and releasing group
34:40para sa kabatiran ng lahat.
34:42Dahil po yung ating automated nyan,
34:44ay pagkatapos natin
34:45mag-close ng sistema,
34:47automatic mag-generate po
34:49ng certificate of canvas
34:51and proclamation.
34:52Dalawa po yun,
34:53for senators and party list.
34:55Wala naman pong obligasyon
34:56ng COMELEC sa batas natin
34:57na mag-release
34:58ng partial and official.
34:59Ang lagi pong release po namin
35:01ay full,
35:03complete and official results.
35:05Desisyon na raw ng NBOC
35:07kung ilang certificate
35:08ang kaya nila i-canva
35:09sa isang araw.
35:10Sa tansya ni COMELEC chairman
35:12George Erwin Garcia,
35:13maaring biyernes o sabado
35:15ay makakapag-proklama na sila
35:17ng senators.
35:18Maari daw mas matagal
35:20ng ilang araw
35:20ang pagbibilang sa party list.
35:22Dagdag din ang COMELEC,
35:24kadalasang pinoproclamang
35:25sabay-sabay
35:26ang labindalawang bagong senador.
35:28Kadalasang partial naman
35:30ang proclamation sa party list.
35:322013 lang po yata
35:34yung nag-anin tayo.
35:35Yun lang po ang natatandaan ko
35:36na nag-anin-anin po tayo.
35:39Pero hindi na po yun.
35:40After 2013,
35:42good na po tayo na 12.
35:44Party list po,
35:45lagi tayo nagpo-partial.
35:46Hindi pa po ako naka-experience
35:48ng isang party list proclamation
35:50na kumpletong-kumpletong gandulo.
35:52Tandaan po natin kasi
35:53ang mabigat po sa party list,
35:54ang computation
35:55ay dependent
35:56on the total number
35:58of party list votes.
36:00Ina-account ko namin
36:01ang lahat ng voto sa party list.
36:03Para sa GMA Integrated News,
36:06ako si Sandra Aguinaldo,
36:07ang inyong saksi.
36:10May bawas sigil sa kuryente
36:11ngayong Mayo.
36:12Ayon sa Meralco,
36:1375 centavos kada kilowatt-hour
36:15ang bawas sa electric bill.
36:17Natumbas po yan
36:17ng 150 pesos
36:19na kantas sa bill
36:20ng bahay
36:20na kumukonsumo
36:21ng 200 kilowatt-hour
36:22kada buwan.
36:24Ang sabi na Meralco,
36:26ang bawas sigil
36:26ay bunsod
36:27ng mas mababang generation
36:28at transmission charges
36:29at may bawas rin
36:31sa presyo
36:31ng produktong petrolyo
36:32ngayong araw.
36:33Siyam na po sentimo
36:35ang kaltas sa kada litro
36:36ng diesel,
36:3730 centimo
36:38sa gasolina,
36:39habang piso
36:40at 25 centimo
36:41naman sa kerosene.
36:43Ang sa Oil Industry
36:44Management Bureau
36:44ng Department of Energy,
36:46ang bawas presyo
36:47ay bunsod
36:47ng pagtaas
36:48ng produksyon
36:49ng produktong petrolyo
36:50at ang negosyasyon
36:51sa kalakalan
36:52sa pagitan na Amerika
36:53at China.
36:55Mayit-limampung botante
36:57ang pinutakti
36:58ng babuyog
36:59sa isang presinto
36:59sa Bacolod City kahapon.
37:02Nahulog ang beehive
37:03sa pila ng maboboto
37:04na nagsitakbuhan
37:05patungo sa loob
37:06ng silid arala.
37:07At dahil dito,
37:08naantala ang botohan doon.
37:10Agad namang tinulungan
37:11ng mga youth volunteer
37:12ang mga nakagat.
37:14Tiniyak ng Bacolod CDR-RMO
37:16na kukunin ang beehive
37:17para maiwasang
37:17makaapekto
37:18sa mga estudyante
37:19sa pagbubukas ng klase.
37:22Salamat po
37:23sa inyong pagsaksi,
37:24mga kapuso.
37:25Ako po si Pia Arcangel
37:26para sa mas malaki misyon
37:28at sa mas malawak
37:29na paglilingkod
37:30sa bayan.
37:31Mula sa GMA Integrated News,
37:33ang news authority
37:34ng Filipino.
37:36Hanggang bukas,
37:37sama-sama po tayo
37:38magiging
37:39Saksi!
37:48Mga kapuso,
37:50maging una sa Saksi.
37:51Mag-subscribe sa
37:52GMA Integrated News
37:53sa YouTube
37:54para sa ibat-ibang balita.
37:59olubumbungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungung기로ungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungungung

Recommended