Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Naiproklama na rin ang ilang nanalo sa mga lokal na posisyon sa iba't ibang panig ng bansa.
00:06Saksi si Darlene Kai.
00:11Wag iulit sa pwesto sa Ilocos Norte 1st District si Congressman Sandro Marcos.
00:17Ipinroklama na rin Governor-elect ang kanyang tiyahing si Cecilia Araneta Marcos
00:21at Vice Governor-elect ang pinsa niya at outgoing governor na si Matthew Marcos Manoto.
00:26Natanong ang magpinsan kung tumutulong ba silang magkaayos muli ang ama ni Sandro na si Pangulong Bongbong Marcos
00:32at ina ni Matthew na si Senadora Aini Marcos.
00:45Muli rin nahalal sa ikalawang distrito ng probinsya si Congressman Angelo Barba.
00:49Sa Abra, ipinroklamang gobernador si Takit Bersamin, kapatid ni Executive Secretary Lucas Bersamin,
00:55vice-gobernador naman ang pamangking si Ann Bersamin, nanalo kong visista si J.B. Bernos.
01:00Muli rin nanalo si former President Gloria Arroyo bilang Pampanga 2nd District Representative.
01:05Sa kapitolyo, magpapalitan ng pwesto ang mag-inang si na Governor-elect Lilia Pineda
01:10at Vice Governor-elect Dennis Delta Pineda.
01:13Pero ang kapatid ni Dennis na si Maylene Pineda Kayab-Yab,
01:16tinalo ni re-electionist San Fernando Mayor Vilma Kaluwag na ipinoklaman na rin kaninang umaga.
01:21Vice Mayor ang konsihal na si Brenz Gonzalez.
01:23Re-elected naman sa Bulacan ang actor-turned politician sa sina Governor Daniel Fernando
01:29at Vice Governor Alex Castro.
01:32Ang anak ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulia na si Abing Remulia,
01:36ipinroklamang gobernador sa Cavite.
01:38Vice Governor naman ang walang kalabang si Ram Revilla Bautista, na anak ni Senator Bong Revilla.
01:43Habang sa Laguna, ipinroklaman ang gobernadora si Sol Aragones,
01:47Vice Governor-elect ang abogadong si J.M. Carait.
01:50Nagbabalik sa pagiging gobernadora ng Batangas si Vilma Santos Recto,
01:55pero hindi siya nakadalo sa proklamasyon at kinatawan lang ang humbarap sa Provincial Board of Canvassers.
02:00Ang anak at running mate niyang si Luis Manzano,
02:02tinalo sa pagkabise gobernador ni outgoing Governor Dodo Mandanas,
02:07ang isa pang anak ni Governor-elect Santos sa si Ryan Christian Recto,
02:10na nalang congressman ng ika-arim na distrito ng probinsya.
02:13Sa Cebu, natalo si incumbent Governor Gwen Garcia kay Pam Baricuatro.
02:18Bago ang proklamasyon, sinubukan ang kampo ni Garcia na ihain ang motion to suspend proclamation laban kay Baricuatro,
02:25pero hindi ito tinanggap ng Provincial Board of Canvassers.
02:28Ang running mate ni Garcia na si Glenn Soko,
02:30wagis sa karera ng pagkabise gobernador.
02:32Ipinroklaman na rin kinatawan ng 3rd Congressional District ng Negros Oriental si Pamplona Mayor Janice Degamo,
02:40byudad ng pinaslang na gobernador na si Roel Degamo.
02:43Roel, this is for you! Roel, this is for you!
02:47I want to see the day that I can win an electoral process without murdering anyone.
02:56Na pwede palang ipanalo ang eleksyon na hindi natin kailangang patayin yung component natin.
03:04Ang huupuan niyang pwesto, dating tangan na na-expell na kongresistang si Arnie Tevez Jr.,
03:10isa sa mga suspect sa pagpatay sa kanyang asawa noong March 2023.
03:14Nasa East Timor si Arnie Tevez ngayon kung saan siya sumusubok makakuha ng asylum.
03:18Ang tiyahin niyang si Janice Tevez ang siyang tinalo ni Mayor Degamo.
03:22Nakasuot ng bulletproof vest si Kerwin Espinosa nang iproklama bilang Mayor ng Albuera Lete.
03:28Ang unahin ko ang peace and order at bigyan ng solusyon ang droga dito sa Albuera.
03:40Linisi namin ang droga dito sa aming lungsod.
03:44Isero tolerance namin ang droga.
03:47Nabaril si Espinosa habang nangangampan niya noong Abril.
03:50Vice Mayor ang kapatid niyang si R.R. Espinosa.
03:53Muli namang uupong Mayor ng Ormoc City sa Leite si Lucy Torres Gomez
03:58habang magsisilu yung Vice Mayor si Leo Carmelo Locsin Jr.
04:02Re-elected ding Leite First District Representative si House Speaker Martin Romualdez.
04:07Ano po sa wala siyang kalaban?
04:08Para sa GMA Integrated News ako si Darlene Kaya ang inyong saksi.
04:13Sa ipambalita, binaha ang ilang lugar sa Metro Manila matapos bumuhos sa malakas na ulan kanina hapon.
04:19At tulad na lang sa Taguig City kung saan hanggang gutter ang paha.
04:23Sa Roos Boulevard naman, may bumagsak na puno sa daan.
04:28At nagdulot ito ng pagbaga sa galay ng Capico.
04:31At nakaranas naman ng zero visibility sa Espanya-Mainila dahil sa ulan.
04:36Ayon po sa pag-asa, ang pagulan sa Metro Manila ay dulot ng localized thunderstorms.
04:41At kahit may pag-ulan na naranasan sa bansa, ay patuloy namang umiira lang easterly sa frontal system.
04:49Kaya ramdam pa rin ang alinsangan sa malaking bahagi ng Pilipinas.
04:53Nasa 22 lugar ang posibleng makaranas ng heat index na aabot sa danger level bukas.
04:58Aabot po sa 42 hanggang 44 degrees Celsius ang init.
05:04Kasama riyan ang Metro Manila.
05:07At batay sa datos ng Metro Weather, umaga bukas maaliwalas pa ang panahon sa halos buong bansa.
05:13Pero pagsapit po ng tanghali hanggang gabi, mataas ang chance ng umulan sa malaking bahagi ng Luzon at Mindanao.
05:19Malalakas ang ulan sa ilang lugar na posibleng magdulot ng baha o landslide.
05:24May mga kalat-kalat na ulan din sa Visayas at nananatili rin mataas ang chance ng ulan sa Metro Manila.
05:31Opesyal na ang iprinok lamang alkalde ng Nagas City Camarines Sur, si dating Vice President Lenny Nogredo.
05:37Siya po ang kauna-unahang babaeng alkalde ng Luzon.
05:40Saksi si Salim Marefra.
05:42Matapos magkuha ang mahigit 90% ng kabuwang buto.
05:50Our new mayor with a vote of 84,371, Mayor Lenny Nogredo.
06:02Iprinoklama si dating Vice President Lenny Nogredo bilang mayor-elect at kauna-unahang babaeng alkalde ng Nagas City.
06:09Pinaka-dream ko, hindi lang napagbutihin palalo yung buhay ng mga nagenyo, pero maipakita sa buong bansa na pag may mabuting pamamahala, taong bayan din yung makikinabang.
06:24Ayon kay Robredo, uunahin niya ang mga proyekto para sa edukasyon, kalusugan at kalikasan at para maging resilient ang Nagas sa mga sakuda.
06:33Sa sentro raw ang pamamahala ni Robredo sa Good Governance at People Empowerment, pagpapatuloy sa mga nagawa ng kanyang asawang si Jesse Robredo, at pagpapatibay sa mga nasimulan niya noon bilang Vice Presidente ng Bansa.
06:48Lahat sinusukat na kung saan namin ini-invest yung pera, dapat nasusukat namin na bumabalik yung investment. Maraming kailangan gawin.
06:59Pero gusto din namin na aside from making our city a happy place for nagenyo, gusto namin makapag-initiate ng mga projects na replicable all over the country.
07:13Nanalo rin bilang vice-alcalde ang katandep ni Robredo na si Congressman Gabby Bordado.
07:19Labis din kinatuwa ni Robredo na hindi lang pasok sa top 12, kundi mataas pa sa butohan ang mga kinampanyang sina Bam Aquino at Kiko Pangilinan, pati na mga sunaporta ang party list na akbayan at pamamayang liberal.
07:33Very uplifting not just for myself, but for the entire movement. Kasi maraming nawawalan ng pag-asa eh.
07:39Pero yung strong showing ni Bam saka ni Kiko, pati na din ng party list. Assurance ito na yung tao naghahanap pa din ng maayos na mga leaders.
07:50Para sa GMA Integrated News, ako si Salima Refra ng inyong saksi.
07:56Sa kamila naman ng pagkakapiit ni dati Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague, Netherlands, huwagi pa rin siyang alcalde ng Davao City.
08:03Ang tanong, paano ang kanyang proklamasyon?
08:06Saksi, si Marisol Abdurama.
08:09Sa botong 662,630, panalong si dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang mayor ng Davao City.
08:21Tinalo niya ang nuoy miyembro ng kanyang gabinete, si dating Secretary to the Cabinet na si Attorney Carlo Nubrales na nakakuha ng 80,852 na boto.
08:31Dahil nakakulong si Rodrigo Duterte sa The Hague, sa Netherlands, tinanong ang Commission on Elections kung paano siya may pro-proclama bilang mayor.
08:39Hindi po requirement yung presence ng isang kandidato during the proclamation.
08:42The proclamation.
08:43Dito ko, may like hanggang proclamation lang po kami. After proclamation, PILG.
08:50651,356 naman ang nakuhang boto ni Vice Mayor Baste Duterte, malayo sa botong nakuha ng kanyang mga katunggali.
08:58Biguring maagaw ng kapatid ni Carlo na si Attorney Migsugrales ang congressional seat sa 1st District ng Davao mula kay Congressman Paulo Pulong Duterte.
09:07Pero no siya sa proclamation ang magkapatid na Pulong at Baste ang dumalo tanging mga anak ni Pulong na si Rodrigo Rigo Duterte,
09:15na nungon ang konsihas sa 1st District at bagong hala na kongresistang si Omar.
09:19Kaya kagabi, nagtita kami sa pumunta. Sabi nila, kami na lang daw magpunta in behalf.
09:29Hindi ko rin alam. Oo, baka may gawin pa, may flight pa.
09:34Para sa GMA Integrated News, Marisol Abduraman ang inyong saksi.
09:41Labing-animang patay sa mga insidente ng karahasan mula na magsimula ang election period, batay sa tala ng PNP.
09:47Mananatili na ka-full alert ang PNP hanggang Webes.
09:51Saksi, si Rafi Tima.
09:57Nagpakawala ng warning shots sa mga sundan at pulis sa ilang voting precinct sa Marawi.
10:01May nagtipon-tipon daw kasi mga taga-suporta ng isang mayoral candidate, kaya kailangan nila itong palayuin.
10:06Ayon sa isa sa mga leader ng grupo, nais lang nilang puntahan ng grupo ng kanilang fall watchers na umanay pinahara sa loob ng voting precincts.
10:13Sa kabila ng komosyon, matagumpay na naihatin sa munisipyo ang mga balota.
10:28Sa Pualas, Lano del Sur, limang lalaki ang inresto matapos manong magpaputok ng baril sa labas ng polling center.
10:34Mahaharap sila sa reklamong paglabag sa election gun ban.
10:37Ayon sa AFP, tatlo ang namatay dahil sa election-related violence sa buong Lano del Sur.
10:42Pero unang pagkakataon daw ito na walang naitalang failure of elections sa anumang bayan ng lalawigan.
10:48First time, nangyari sa Lano na walang failure of election.
10:52So, maganda ang ating nagawa dito ngayon sa election ng 2025.
11:00Sana torituloy na ito.
11:01Sa Maguindano del Sur, gumamit ng chili spray o alkohol na hinaluan ng binikding na sili
11:12ang mga sundalo ng 601st Infantry Brigade.
11:15Ginamit nila ito para maawat ang gulo sa pagitan ng mga supporter ng mga kandidato doon.
11:20Para po sa kapayapaan, na hinihiling natin. Pagkagaling po yan dapat sa atin.
11:25Iusap po tayo, lahat na po nang tapos na. Naandahan na po na tayo mag-exit.
11:30Nagbukas at nagsara rin ng mga prosinto na walang naitalang nasa week.
11:34Sa pangkalahatan, generally, we have still, we can still say, no, as a conclusion na generally peaceful naman, no.
11:42Additional process o yung augmentation, nakatulong yun, nakakontribute, nakakontribute yun ng malaki.
11:48Kaya nagkaroon tayo ng ganitong relatively successful conduct ng eleksyon dito sa ating area.
11:56Ayon sa PNP, naging maayos ang butuhan sa buong bansa.
12:00Mas tahimik daw ngayon kumpara sa mga nakarang eleksyon.
12:03Sa kabila ito nang naitala nilang 16 na patay dahil sa election-related violent incidents
12:08muna na magsimula ang election period noong January 12, 2025.
12:12Wala rin naitala ang failure of election sa anumang panig ng bansa.
12:15Sa datos ng PNP na nakuha ng GMI News Research,
12:18noong 2022 elections, 27 ang naiulat na election-related incidents kung saan 4 ang nasawi.
12:25Ayon sa PPCRV, bagamat marami silang natanggap na reklamo,
12:29karamihan daw dito ay mula sa mga galit na butante.
12:32That's a good indication.
12:33People are very passionate and feel very strongly about what they're voting for.
12:37Para sa GMI Integrated News,
12:39Ako si Rafi Pima ang inyong Saksi.
12:42Sa kabila ng ilang aberya,
12:44iginit ng Comalek na maayos na gumana ang mga automated counting machine o ACM sa pangkalahatan.
12:51Saksi, si Maki Pulido.
12:52Sa labing pitong minuto ni Luis sa loob ng presinto kung saan siya bumoto,
13:00sampung minuto ay naubos lang sa paghihintay sa sinusundan niyang butante na hindi maipasok-pasok ang balota sa makina.
13:08Sabi ng mga electoral board kung madumihan ang balota, hindi na binabasa ng ACM.
13:12Ultimo si Pangulong Bongbong Marcos sa ikalawang pag-feed lang pumasok ang balota.
13:18Problemang maraming beses naranasan sa buong bansa.
13:21May mga bumarang balota tulad sa Naga City.
13:24At may ilang nag-iwan na lang ng shaded na balota at ipinasuyo na lang ang pagpasok nito sa electoral board
13:30dahil sa tagal ng pag-aayos sa makina tulad sa Batangas.
13:34Pero giit ng Comalek,
13:36nagampanan ng mga automated counting machine ang trabaho nila.
13:39Kung noong 2022 elections,
13:42halos 2,000 vote counting machine ang pinalitan dahil si Rana.
13:45Ngayon nasa 311 lang at dahil lang sa minor issues ayon sa Comalek.
13:51Pinalitan naman naman ito para hindi na maantala ang butuhan.
13:54The ACM and the automated election system performed well.
13:58In fact, more than our expectations.
14:01Nagpakalat kami ng 16,000 contingency machines.
14:04And yet, 311 lang yung nagamit.
14:08So ganun po kaganda ang performance ng ACM.
14:11Sabi pa ng Comalek, kahit naman daw bago,
14:14hindi ibig sabihin wala ni isa rito ang magkakaaberya.
14:17To me, thus for an object,
14:19linisin lang sana yan yung scanner.
14:20Pero ang sabi nga namin, kung magtatagal pang linisin,
14:23e palitan na natin.
14:25Sa inisyal naman na assessment ng election watchdog na Lente,
14:28nagampanan naman ang ECM ang papel nito sa butuhan at bilangan.
14:32Pero maibibigay lang daw nila ang kanilang full assessment
14:35pagkasagawa ng random manual audit
14:37kung saan manumanong bibilangin ang ilang balota
14:40at ikukumpara sa mga binilang na boto ng makina.
14:43I think it's a good direction
14:45na dapat naman talaga ready tayo for contingencies.
14:48Hindi naman talaga 100% yan in terms of equipment.
14:52But I guess the contingency plans are actually working right now.
14:58Para sa Miro Systems, maliban sa minimal technical issues,
15:01maging hawang naidaos ang 2025 elections.
15:05Naging standard na nila ang naganap na eleksyon
15:07dahil natugunan agad lahat ng mga issue
15:10na nagresulta sa uninterrupted voting.
15:13Sa natanggapan nilang report,
15:15mas mabilis ang pagboto dahil sa kanila
15:17anilang mga makinang PWD-friendly,
15:20mas kaunting kaso ng paper jamming
15:22at mas mabilis na processing.
15:25Para sa GMA Integrated News,
15:26ako si Maki Pulido, ang inyong Saksi.
15:30Matapos ang explosive eruption noong Abril,
15:32muli yung pumutok kanina madaling araw
15:34ang Burkang Kanlaon.
15:35At ayon sa FIVOX,
15:36posible ang panibagong pagsabog ng Burkan.
15:39Saksi, si Aileen Pedreso ng GMA Regional TV.
15:43Habang naghihintay ng resulta ng botohan
15:47ng mga taga-negros occidental,
15:49ito ang bumulabok sa mga residente
15:51mag-aalas tres ng madaling araw.
15:53Mula ang niwanag sa pagputok ng Burkang Kanlaon,
15:56dinigang dagundong sa lakasilya ng Negros Occidental
15:59at Kanlaon City, Negros Oriental.
16:01Ayon sa FIVOX,
16:05explosive eruption ang nangyari sa Kanlaon
16:07na nagdulot ng Pyroclastic Density Currents
16:10o PDC na dumaloy sa dalisdis ng vulkan.
16:13Ito yung kombinasyon ng gas,
16:16volcanic ash, and volcanic debris.
16:18And mabilis yung daloy nito,
16:20bumabagsak ito sa dalisdis ng vulkan.
16:23And delikado ito dahil it can incinerate
16:26everything on its path.
16:28Kayang sunogin ang vegetation,
16:31makakasira ng mga ari-ari asad,
16:33binadaanan nito,
16:34pati na rin sa,
16:35pwede rin itong kumitilang buhay.
16:38Dahil sa pagbara pa rin sa crater
16:39at sa ilalim ng vulkan,
16:41ang tinitingnang dahilan ng muling pagputok nito.
16:44Nagbabala rin ang FIVOX
16:45sa posibilidad ng isa pang pagsabog.
16:47Basis sa current parameters
16:49that we are monitoring,
16:50that we have recorded,
16:52may posibilidad na pwedeng magbago
16:54o may mas malakas pa na pagsabog
16:56sa mga susunod na araw.
16:58Nakataas pa rin ang alert level 3
16:59sa vulkan kanoon.
17:01Kung mag-escalate farther
17:03yung activity ng vulkan,
17:05we may raise the alert level
17:07from 3 to 4
17:07and with that,
17:09we may also extend the danger zone.
17:13Nakapagtala naman ang ashfall
17:14sa ilang bahagi ng Negros Occidental.
17:17Sa La Carlota City,
17:19nabalot sa abo ang mga kasada.
17:22Ilang bubong at halaman din
17:23ang may bakas ng ashfall.
17:26Hindi, ano eh?
17:28Kalain eh.
17:29Katulong sa mata,
17:30katulong sa panit.
17:32Kapilot ng lugar.
17:33Para sa Jemmy Integrity News,
17:35ako sa Aileen Pedreso
17:36ng Jemmy Regional TV,
17:38ang inyong saksi.
17:40Inahasa ako ng Comelec
17:42na sa biyernes o sabado
17:43ay makakapag-proklama
17:45ng mga nanalong senador.
17:47Saksi,
17:48si Sandra Aguinaldo.
17:49Alas 10 noong umaga
17:54nang magsimulang mag-canvas
17:55ng boto ang Comelec
17:56bilang National Board of Canvassers.
17:58Kabuang bilang ng 175
18:01na Certificates of Canvas
18:03o COC
18:03ang ika-canvas dito.
18:05Ayon sa Comelec,
18:06masasabing mabilis
18:08ang kanilang pagka-canvas.
18:10Wala tayong nire-refer
18:11sa tabulation and audit group.
18:12Sa mga nag-manual election po
18:13natatandaan yung tab
18:14and audit group,
18:15wala po tayong ganun ngayon.
18:16So anong replacement?
18:19Ay hindi po kailangan
18:19dahil automatic
18:20na nag-tabulate yung system.
18:22Hindi po natin kakailanganin.
18:23Kung meron mang pong issue,
18:24it will be referred
18:25to the supervisory committee.
18:26Si supervisory committee po
18:27nandyan si legal group,
18:29nandyan yung audit group.
18:30Pero bukas pa raw sila
18:32makakapag-release
18:33ng partial and official results
18:35dahil sa ginagamit nilang system,
18:37pumapasok lamang
18:38ang resulta ng mga COC
18:40pero hindi ito naglalabas
18:42ng running total.
18:43Nakikita po natin
18:44doon sa sistema,
18:45pag tinignan nyo po,
18:46wala po nakalagay doon
18:47na running tally.
18:49Nagmamanopano po
18:50na nagtatally
18:51yung ating grupo dito,
18:52ang control and releasing group
18:53para sa kabatiran ng lahat.
18:55Dahil po yung ating automated nyan,
18:57ay pagkatapos natin
18:58mag-close ng sistema,
19:00automatic mag-generate po
19:02ng Certificate of Canvas
19:03and Proclamation.
19:05Dalawa po yun,
19:06for senators and party list.
19:07Wala naman pong obligasyon
19:08ng COMELEC
19:09sa batas natin
19:10na mag-release
19:11ng partial and official.
19:13Ang lagi pong release po namin
19:14ay full,
19:15complete and official results.
19:18Desisyon na rao ng NBOC
19:20kung ilang certificate
19:21ang kaya nila i-canva
19:22sa isang araw.
19:23Sa tansya ni COMELEC Chairman
19:24George Erwin Garcia,
19:26maaring biyernes o sabado
19:28ay makakapag-proclama na sila
19:30ng senators.
19:31Maari daw mas matagal
19:32ng ilang araw
19:33ang pagbibilang
19:34sa party list.
19:35Dagdag din ang COMELEC,
19:36kadalasang pinoproclamang
19:38sabay-sabay
19:39ang labindalawang
19:40bagong senador.
19:41Kadalasang partial naman
19:43ang proclamation
19:44sa party list.
19:452013 lang po yata
19:46yung nag-anin tayo.
19:48Yun lang po
19:48ang natatandaan ko
19:49na nag-anin-anin po tayo.
19:52Pero hindi na po yun.
19:53After 2013,
19:55good na po tayo
19:56na 12.
19:57Part list po,
19:58lagi tayo nagpo-partial.
19:59Hindi pa po ako
20:00naka-experience
20:01ng isang
20:01party list proclamation
20:02na kumpletong-kumpletong
20:03hanggang dulo.
20:04Tandaan po natin
20:05kasi ang mabigat po
20:06sa party list,
20:07ang computation
20:07ay dependent
20:09on the total number
20:11of party list votes.
20:12Ina-account ko namin
20:14ang lahat
20:15ng voto
20:15sa party list.
20:16Para sa GMA Integrated News,
20:18ako si Sandra Aguinaldo,
20:20ang inyong saksi.
20:22Mga kapuso,
20:24maging una sa saksi.
20:25Mag-subscribe
20:26sa GMA Integrated News
20:27sa YouTube
20:27para sa ibat-ibang balita.
20:29Mga kapuso,

Recommended