Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Panoorin dito ang 32-hour special coverage ng GMA Integrated News para sa #Eleksyon2025!

WATCH: https://youtu.be/r3TGnPhyU5Y

Welcome to the official YouTube channel of GMA Integrated News, the News Authority of the Filipino. Updated daily with the latest top news and breaking news.

Subscribe to the GMA Integrated News channel! https://www.youtube.com/@gmanews

Visit our website - https://www.gmanetwork.com/news/

Facebook - https://www.facebook.com/gmanews
TikTok - https://www.tiktok.com/@gmanews
Instagram - https://www.instagram.com/gmanews/
Twitter/X - https://x.com/gmanews

Category

šŸ“ŗ
TV
Transcript
00:00Nala! Hanggang online na ang labanan para makakuha ng boto at kung ikukumpara sa mga nagdaang eleksyon, lumawak pa ngayon ang digital campaigning.
00:10Pero ang nakababahala ayon sa ilang eksperto, may ilang nagagamit ito para magpakalat ng maling impormasyon.
00:16Kaya ang Comelec naglabas ng resolusyon para mapanagot ang maling paggamit ng digital tools.
00:22Narito ang report ni Chino Gaston.
00:24Bukod sa panunuyo sa mga butante ng harapan sa mga kampanya, maging sa mga political ads sa radyo at telebisyon.
00:39Ngayon hanggang online na ang labanan para makakuha ng boto.
00:43Bahagi na ng campaign strategy ng ilang politiko ang pagkuha sa mga content creator at influencer, ang makabagong celebrities ng social media.
00:52The content creator is the more genetic term because it means it's someone who produces engaging materials like videos, photos, blogs, or even art for the audience.
01:05Influencers also create content but their intention is really sort of to market something whether it's a product, an idea, you know, a viewpoint.
01:15Ayon sa isang sociologist, hindi may kakaila ang kanilang hatak at relatability sa publiko.
01:23Hindi sila super malayo na artista kasi nagsimula sila bilang regular na tao lang na gumagawa lang ng content.
01:31Uy, alam ko ito kasi lumalabas lang ito sa feed ko.
01:36Uy, nakakasagot ako ito. Nagre-replay siya agad sa comments ko.
01:40Ang content creator na si Gaia Polly nakatanggap daw ng collab request mula sa isang kandidato para magpa-endorso.
01:49Pero tinanggihan niya ito dahil hindi raw tugma ang kandidato sa kanyang mga advokasya.
01:55Dineclaim natin dahil syempre kahit papaano, meron naman tayong prinsipyo.
02:00Sabihin natin na umaabot ng hundreds of thousands to millions.
02:04Isipin natin saan nanggagaling yung ganong klaseng kalaking pera.
02:07Pero hindi lang pag-i-endorso ng kandidato ang pwedeng gawin ng mga influencer at content creator.
02:17Ayon kay Professor Khan ng UP College of Media and Communication,
02:21meron ding ginagamit para manira o kaya'y magpakalat ng maling informasyon.
02:26They can put up anything. They can even invent anything.
02:30Unless we do our own fact-checking, there's really no way to determine if what they say is true or not.
02:36Ang mas nakababahala, may mga AI app na rin na pwedeng magamit para magpakalat ng maling informasyon.
02:43Ayon sa Lente o Legal Network for Truthful Elections,
02:47masama ang epekto ng misinformation at disinformation sa eleksyon.
02:51Nakaka-apekto siya sa pag-iisip ng mga botante.
02:55Nakaka-apekto siya sa pagtingin ng botante sa mga kandidato sa legitimacy na electoral process.
03:02At kung ikukumpara sa mga eleksyon noong 2016 at 2022, mas malawak na raw ngayon ang digital campaigning.
03:10Ngayon, lahat halos na ng kandidato o meron silang recognition na kailangan magturoon din sila ng magandang kampanya,
03:18whether good or bad campaign sa mga iba't-ibang online platforms.
03:22Ang maling paggamit ng digital tools ng mga kandidato pwede nang maparusahan sa ilalim ng Comelec Resolution No. 11064.
03:35Nakasaad dito na pwede nilang i-regulate ang kampanya ng mga kandidato sa radyo,
03:39telebisyon, diaryo at iba pang uri ng media, kabilang ang internet o social media.
03:45Diyan, may mga paglabag patungkol sa misinformation, disinformation at fake news. Yan ang nilalabanan ng Comelec.
03:52Kasama sa mga online campaign tactics na may election rules violation,
03:57ang pagkakaroon ng fake news factories o yung pagpapakalat ng mga maling impormasyon para mag-promote o mga atake ng kandidato.
04:05Bawal din ang election sabotage o pagpapakalat ng kasinungalingan patungkol sa election system, Comelec o sa proseso ng eleksyon.
04:14Mga fake account at mga bot army para lang makapagparami ng online engagement.
04:20Coordinated deception online o sa bayang panlilinlang kung saan minamanipula ang mga diskurso sa social media.
04:28Mga deep fakes at cheap fakes, AI-generated contents na walang disclosure na ito ay AI at fake social media accounts.
04:37Yan ay isang election offense at isang ground to disqualify the candidate.
04:40Ibig sabihin, ang mismong task force KKK namin na in-establish dito sa Comelec resolution na ito,
04:47ang mag-initiate ng mga complaints o yung mga petisyon laban sa mga kandidato kung may paglabag na nakikita kami dito.
04:54Nirequire na ng Comelec ang mga kandidato at partido na irehistro ang lahat ng kanilang official social media accounts.
05:01Nang sa gayon ay madali raw makita kung sino ang mga lumalabag.
05:05Plano kasi namin kapag na-iregister nila yung social media account nila, sasabit namin sa mga platform.
05:12And therefore, alam na mga platform, pagka hindi yan nakarehistro sa Comelec, dapat nilang tanggalin yung mga posts na yan.
05:20Ayon sa Lente, magandang hakbang ang paglalabas ng Comelec ng resolusyon.
05:29It's one of the first actually in the world.
05:31If you take a look at the experience and the functions of different election management bodies all over the world,
05:39ito yung unang resolusyon pagdating sa use of AI or artificial intelligence sa elections.
05:45Pero, hindi raw ito sa pan.
05:46Kailangan talagang masolusyonan na ating kongreso na yung online campaigning ay magkaroon na na tayo ng panibagong patas patungkol dyan.
05:55Kaysa sinistretch na ni Comelec eh, ang Fair Election Act, Omnibus Election Code,
06:00para kahit pa paano magawa nila ng paraan to regulate campaigning in the different online platforms.
06:06So that Comelec will have more power to regulate online campaigning.
06:11Kakaailangan mo talaga ang tulong ng iba't ibang sektor at grupo.
06:15Hindi kaya ng Comelec lang, wala namang kaming kakayanan, wala namang kaming resources,
06:19wala kaming mga sapat na tao upang imonitor ang lahat ng social media accounts ng lahat ng kandidato.
06:24Para sa GMA Integrated News, Chino Gaston, dapat totoo sa eleksyon 2025.
06:30Paripaikan.

Recommended