Maging si dating bise presidente Leni Robredo na tumatakbo sa pagka-alkalde sa Naga, oras din ang hinintay sa botohan dahil sa mga pumalyang ACM. #Eleksyon2025
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Maging si dating Vice President Lenny Rubredo na tumatakbo sa pagka-alkalde sa Naga,
00:06oras din ang inantay sa butohan dahil sa mga pumalyang ACM.
00:10Ang sitwasyon doon, tinutukan live ni Salim Refran.
00:14Salima!
00:18Alam mo Vicky, exactong alas 7 ng gabi nagsara ang Clustered Precinct No. 5
00:24dito nga sa Julian Mileton Elementary School.
00:26At good news, katatapos lang namin mag-transmit ng resulta ng butohan.
00:31Na-transmit na po ang election returns sa National Board of Canvassers,
00:35Provincial Board of Canvassers, City Board of Canvassers, at maging sa media server.
00:40Kanikanina lamang, naiprint na rin yung election returns para,
00:44o nasa tatlong puyan na election returns para doon sa ating mga national positions.
00:49Pero Vicky, kukwento ko lang, medyo naantala kanina yan.
00:52Dahil maging yung printer natin, e nag-overheat.
00:56Pagkatapos nun, Vicky, e naipaskil na yung ating mga election returns dito sa classroom na ito.
01:02Kanina nga Vicky, sari-saring aberya yung naranasan ng Naga City sa unang paggamit ng automated counting machines.
01:10Maagang lumabas ang mga nagenyo para bumoto.
01:17Sinamantala ang early voting para sa mga senior, PWD, at mga buntiks.
01:23Unang natapos bumoto sa Naga Science High School,
01:26ang 68 na taong gulang na si Lola Lorna, nakasama pa ang apo.
01:30Ay kailangan magbuto tayo kahit tayo mga matanda ng mga senior para may participation pa rin sa gobyerno.
01:42Sa Julian Melaton Elementary School, maaga rin bumoto ang senior na si Rufina Tamayo.
01:47Ayaw po nang magkipagsiksikan, mainit.
01:49Baka atakayin ako.
01:50Naka-boto rin ang totally blind na si Rico Pano sa tulong ng kanyang anak.
01:56Nireview niya ang kanyang mga boto sa pakikinig sa audio feature ng ACM sa pamamagitan ng headset.
02:02Pinarinig naman sa akin kung talagang tama ang binutuhan kung mga kandidato.
02:09Sana yung mananalong kandidato, kung ano yung pinangako nila, sana tuparin nila.
02:16Pero, hindi pa man nagiinit ang botohan.
02:19Unti-unti nang pumalya ang mga ACM sa Naga Science High School.
02:25Ang isa, kahit bali-baligtarin ang mga balota, iniluluwa pa rin ng ACM.
02:31Pag gustot po yung balota, hindi masyadong tinatanggap ng machine.
02:35Kaya dapat maayos lang siya.
02:38Kaya ang balota, inuunat bago ipasok sa mga makina.
02:41Hindi rin tinanggap ang balota nang lumabas ang scanner dirty prompt sa screen na agad namang nilinis ng technical support staff.
02:50Apat na beses namang nag-paper jam o nagbara ang balota sa isang presinto.
02:55Dahan-dahan hinihila ang balota hanggang sa matanggal sa pagkakabara.
03:00May maluwag lang pong hinge dun po sa ACM po natin.
03:05Kasi pag-open po siguro nung ACM kanina, medyo maluwag lang po yung pagkasarado.
03:11And naayos ko naman po.
03:13Kahit agad nare-resolve ba ang mga aberya, naapektuhan na ang bilis ng botohan sa pagdating ng mga regular voter.
03:20Maging si dating vice-presidente Lenny Robredo, oras ang hinintay sa pila para makaboto.
03:26Usual naman siya nangyayari.
03:29Siyempre nakakaabala dun sa mga pumipila para bumoto.
03:34Ang iba, tatlong oras pumila pag nagkakaaberya yung machine, di lalo napapatagal.
03:41Pero otherwise, maliban dun, mukhang okay naman dito sa amin.
03:46Tumatakbo si Robredo para sa pagkaalkalde ng Naga City, kalaban ng tatlong independent candidates.
03:52Si dating pandan katanduanes Mayor Toots de Quiroz, abogadong si Ganda Abrazado, at ang retiree na si Louie Ortega.
04:00Vicky Pito, yung clustered precincts dito nga sa Julian Melaton Elementary School sa Naga City.
04:12At kapapasok lang na balita, dun po sa kabilang clustered precinct, e nagkaaberya po siya.
04:18Pero hindi po yan dun sa transmission, dun po yan sa printing naman.
04:23Nagkaroon daw po ng paper jam dun sa kanilang thermal paper.
04:26Pero sa ngayon, inaayosan daw po yan.
04:28In muna latest, wala nga dito sa Naga City.
04:31Ako po si Salima Refran, nakatutok 24 oras sa eleksyon 2025.
04:35Maraming salamat at ingat kayo, Salima Refran.