Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Kakabalik lang ng power supply sa Gaudencio B. Lontok Memorial Integrated School sa Lipa, Batangas matapos biglang mag-brownout.

Panoorin dito ang 32-hour special coverage ng GMA Integrated News para sa #Eleksyon2025!


WATCH: https://ow.ly/cEFT50VQHix

Welcome to the official YouTube channel of GMA Integrated News, the News Authority of the Filipino. Updated daily with the latest top news and breaking news
.
Subscribe to the GMA Integrated News channel! https://www.youtube.com/@gmanews


Visit our website - https://www.gmanetwork.com/news/


Facebook - https://www.facebook.com/gmanews
TikTok - https://www.tiktok.com/@gmanews
Instagram - https://www.instagram.com/gmanews/
Twitter/X - https://x.com/gmanews

Category

📺
TV
Transcript
00:00Tumungo naman tayo sa Batangas, ang ikapitong vote-rich province sa bansa.
00:03Nakatotok live si Darling Kai.
00:05Darling, anong balita dyan ngayon?
00:11Igan ako, kababalik lang ng power supply o ng kuryente dito sa Gaudencio Lontoc Memorial Integrated School sa Lipacity sa Batangas.
00:21Kanina kasi bigla na lang nag-brown out o nawalan ng kuryente rito.
00:25Pero kung natatandaan nyo, isa sa features ng automated counting machines o ACM ay yung pagkakaroon niya ng baterya kung saan pwede siyang humugot ng power supply up to 14 hours.
00:39Kaya hindi naman kailangang direct ang nakasaksak yung mga makina.
00:43Kaya nung nag-brown out kanina, hindi naantala yung botohan.
00:47Tuloy-tuloy lang yung mga botante doon sa pagboto at nakapag-feed naman, nakakita kami ng mga botante na nakapag-feed ng kanilang mga balota sa mga ACM.
00:59At smooth naman yung naging proseso.
01:01Ang nakita lang namin kanina, syempre walang ilaw.
01:05Kaya gumagamit sila ng flashlight sa paghanap ng kanilang mga pangalan doon sa voters list.
01:11At yung iba ay gumagamit ng flashlight sa pag-shade ng kanilang mga balota.
01:16Tumawag kami doon sa mga ibang kalapit na school.
01:19Yung malitlit elementary school dito pa rin po sa Lipacity ay nakaranas din ng kawalan ng kuryente.
01:28Tumagal yung power interruption na yan ng mga 15 minutes o 15 minuto.
01:35Sa ngayon ay hindi pa kami nakakakuha ng official statement kung ano yung naging problema, kung bakit nawalan ng kuryente.
01:42Pero ang sabi sa amin ng mga ibang residente na nakausap namin dito, hindi naman scheduled yung power interruption na naranasan namin ngayon.
01:51Sa ngayon, kung makikita nyo, mayroon pa rin mga bumuboto.
01:54May naghihintay pa rin sa labas ng kanilang mga clustered polling precincts.
02:00Pero sa tansya naman daw nung mga nakausap namin na miyembro ng electoral board, mukha naman daw nakakayanin maubos ito hanggang 7pm mamaya.
02:09Yan ang latest mula rito sa Batangas, Darlene Kain ng GMA Integrated News.
02:14Dapat totoo para sa eleksyon 2025.
02:17Darlene, yung mga nasa likod mo, yan ang mga huling bilang ng mga boboto.
02:21So aabot sila sa alas 7 mamayang gabi.
02:28Yes, Igan, itong mga nasa likod ko ngayon, halo-halo na yan.
02:31Yung iba, mga natapos ng bumoto, tapos medyo nagsistay na lang dyan, ninihintay yung kanilang makasama.
02:36Yung iba naman, e, boboto pa lang at naghihintay ng kanilang turn para pumasok sa kanika nilang mga polling precincts.
02:43Ang sabi, kahit naman daw, meron pa rin mga ilan-ilan na nag-aabang sa labas ng mga presinto.
02:49Sa tansya ng mga nakausap namin dito, e, kakayanin naman maubos by 7pm.
02:53Gayunman, kung may matira na nakapila come 7pm o pagpatak ng alas 7 ng gabi, e, papayagan naman daw nilang makaboto.
03:03Kasi nasa rules naman ng COMELEC na kapag malapit ka sa presinto mo, ay papayagan ka pa rin namang mag-cast ng iyong balot.
03:11Maraming salamat, Darling Kai.

Recommended