Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 3 days ago
The GMA Integrated News' 32-hour special coverage for #Eleksyon2025. 


Welcome to the official YouTube channel of GMA Integrated News, the News Authority of the Filipino. Updated daily with the latest top news and breaking news
.
Subscribe to the GMA Integrated News channel! https://www.youtube.com/@gmanews


Visit our website - https://www.gmanetwork.com/news/


Facebook - https://www.facebook.com/gmanews
TikTok - https://www.tiktok.com/@gmanews
Instagram - https://www.instagram.com/gmanews/
Twitter/X - https://x.com/gmanews

Category

📺
TV
Transcript
00:00Silipin natin ng sitwasyon sa isang voting center sa Pasig.
00:04Pag-uulat live si Marie Zumalid.
00:06Marie!
00:09Yes, ato maganda-umaga.
00:11Nandito nga tayo ngayon sa Nagpayong Elementary School.
00:13Ito sa pinakamaraming mga registered voters dito sa Pasig.
00:19Katunayan, mahigit 46,000 yung registered voters dito.
00:23At napakaaga pa lang kanina, bago pa lang mag-alasin ko,
00:26may mga ilan, mga 4 a.m. pa lang ay talagang pumunta na rito para pumila.
00:32At karamihan talaga rito, hindi lang yung mga senior citizens o yung mga vulnerable sectors,
00:37pati yung mga regular voters na alas 7 pa dapat boboto, pumila na rin dito.
00:41Pero ang nakakatuwa rito, Atom, walang patid talaga yung pagdating hanggang sa ngayon ng mga vulnerable sector.
00:48At makikita natin na sunod-sunod yung mga dumating na mga nakawillshare,
00:54kabilang na yung isa sa pinakamatanda sa mga inabutan namin dito, na edad 94 years old.
00:59Halos hindi na nga niya kami marinig.
01:03Naka-wheelshare, pero talagang isa siya sa pinakamaagang dumating dito.
01:08Meron ding isa na naka-wheelshare, hindi na siya makalaka,
01:11dahil masakit talaga yung balakang, naaksidente siya,
01:14nagka-fracture yung balakang niya, at nagka-arthritis pa.
01:18Meron din na mga naaksidente nung isang buwan.
01:21At bukod sa kanila, napakarami pang ibang mga nakawillshare dito
01:25na talagang makikita mo na hindi nila ininda yung maagang oras na pagpunta rito.
01:32At gusto nila talagang makaboto, marinig yung kanilang boses,
01:36makakontribute sa paglulukluk ng mahuhusay ng mga leader sa ating gobyerno.
01:42Pero hindi naman din talaga lahat naging very smooth,
01:45kasi merong lumapit sa atin na hindi niya mahanap yung kanyang pangalan
01:51dun sa presinto na 1036.
01:54Sabi niya, itong si Nanay Josefina Hacar, 63 years old,
01:59tuwing eleksyon, bumoboto siya,
02:02pero nagtataka siya kung bakit kahit alam niya na yung presinto niya,
02:06pagpunta niya dun sa mismong presint,
02:08ay hindi naman makita yung kanyang pangalan.
02:10So hanggang ngayon, di pa rin siya makaboto.
02:12Ilan lamang yan sa mga problema rito.
02:14Pero yung mga vulnerable sector naman,
02:17na hindi makaakyat dun sa kanilang mga sariling presinto,
02:20ay pumupunta lang dito,
02:21may mga inilaan ng mga kwarto dito sa first floor
02:26para dun sila bumoto,
02:29pero hindi na maipapasok agad yung kanilang mga ballot box
02:33dun sa mismong mga machines,
02:35kasi iaakyat pa yan isa-isa ng mga electoral board
02:40para ipasok dun sa mga makina.
02:43Dahil yung mga kwarto rito sa baba,
02:46ay walang mga makina rito.
02:48Pero talagang nilaan sila para dun sa mga
02:50priority holding place.
02:54Yung mga vulnerable sector na hindi na makakaakyat
02:57dun sa kanilang mga presinto,
02:59eh dun na lamang bumoboto.
03:01Hanggang sa mga sandali nito,
03:02makikita ninyo sa aking gilid,
03:04dito sa aking likuran,
03:05napakarami yung mga pumupunta at nagpapatulong
03:10dun sa assistance desk
03:12dahil nga hindi nila mahanap yung kanilang mga presinto.
03:16Ito po ay yung mga senior citizens,
03:19mga may kapansanan,
03:21at may ilang mga buntis na hanggang ngayon
03:23hindi pa rin po nila nakikita yung kanilang mga pangalan
03:26sa mga kanilang mga presinto.
03:28At gaya nga nang nabanggit ko lang din,
03:30sa labas po dito ng eskwelahan,
03:34hindi pa sila pinapapasok
03:35dahil 7 a.m. pa nakatakda
03:39yung oras ng pagboto ng mga regular na mga voters
03:45pero sa mga sandaling ito, Atom,
03:48ay mahaba na rin yung pila sa labas
03:51ng mga regular voters
03:52dahil anila dito raw sa nagpayong elementary school
03:56ay talagang napakahirapan daw po talaga yung pagboto
04:00sa haba ng pila sa dami ng mga bumuboto
04:03So, gaya nga nang binanggit ko,
04:05more than 46,000 yung registered voters dito.
04:08So, lahat yan dadagsa ngayong araw
04:10and normally dito po sa Pasig,
04:13which is the eighth vote-rich na city
04:16sa buong Pilipinas, no?
04:20At number five sa buong NCR
04:22ay normally nasa 85% yung voter turnout nito.
04:27Kaya talagang marami yung mga pumupunta rito.
04:29So, mamaya, patuloy tayo magbibigay
04:31ng mga karagdagang mga updates
04:32dito pa rin sa Pasig.
04:34Sa ngayon, yan muna ang latest na sitwasyon
04:36mula rito sa Nagpayong Elementary School.
04:38Ako po si Mariz Umali ng GMA Integrated News.
04:41Dapat totoo sa eleksyon 2025.
04:43Atom?
04:45Maraming salamat, Mariz Umali.

Recommended