Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Inirekomenda ng komite ni Senador Imee Marcos na imbestigahan ng Ombudsman ang ilang opisyal na sangkot sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. Giniit din niyang may plano ang administrasyong pabagsakin ang mga Duterte bago mag-2028, pero sinabi ring hindi sila nag-away ni Pangulong Bongbong Marcos.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inirekomenda ng Komite ni Sen. Aimee Marcos na investigahan ng ombudsman ang ilang opisyal na sangkot sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
00:09Giniit din niyang may plano ang administrasyong pabagsakin ang mga Duterte bago mag-2028 pero sinabi rin hindi sila nag-away ni Pangulong Bongbong Marcos.
00:20Nakatutok si Maaf Gonzales.
00:21Ang pahayag ni Sen. Aimee Marcos laban mismo sa administrasyon ng kanyang kapatid.
00:30Ang pag-aresto at pagsuko kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC ay klarong may motibong politikal.
00:39Maliwanag ang pag-aresto kay dating Pangulo ay bahagi ng malawakang pagsisikap ng gobyerno na pabagsakin ang mga Duterte bago mag-2028 election pa.
00:52Sabi ng Senadora, yan ang lumabas sa investigasyon ng kanyang Senate Committee on Foreign Relations tukol sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
01:00Ayon pa kay Marcos, bahagi rin ng plano ang naonang pagsulong sa People's Initiative para baguhin ang konstitusyon.
01:06Ang investigasyon ng Quadcom ng Kamara sa Duterte Drug War.
01:10Ang investigasyon sa Confidential Funds ni Vice President Sara Duterte.
01:14At ang pagpapapasok sa mga kinatawa ng International Criminal Court.
01:18Ayon sa isang mapagkakatiwalaang source,
01:22naglunsad na ngayon ang administrasyon ng isang communication plan upang ilihis ang atensyon ng publiko
01:30patungo sa mga issue ng West Philippine Sea at diumanong disinformation ng mga tinatawag na China trolls ng kanilang embassy.
01:40Rekomendasyon ng Senadora, investigahan ng Ombudsman ang mga sangkot sa tinawag ng Senadora na invalid administrative arrest sa dating Pangulo.
01:49Kabilang si na Justice Secretary Boying Remulia,
01:52ang kapatid nitong si Interior Secretary John Vic Remulia,
01:56PNP Chief Romel Marbil,
01:58at PNP CIDG Chief Major General Nicolás Torre III.
02:02False testimony at perjury naman ang gustong isampa laban kay Ambassador Marcos Lacanilau.
02:07Hinihinga namin sila ng reaksyon kaugnay nito.
02:09Ayon kay Senadora Marcos,
02:11sa umanay Oplan Horus ng Partidong Lakasi ang di nakaalyado ng administrasyon,
02:16pagtutulungan aniya ng iba't ibang ahensya ang pagsira sa pamilya Duterte.
02:21Nakuha ang kinakailangan boto para sa impeachment ni VP
02:25sa pamamagitan ng paggamit ng tinatawag na soft projects katulad ng AICS, ACAP at TUPAD.
02:33Tinuko na kailangan pabilisin ang impeachment ni VP Sara at makakuha ang boto sa Senado sa pamagitan na naman
02:41ng pamimigay ng proyektong 4 Later Release or yung mahiwagang FLR bilang gantimpala sa tamang bumotong mga senador.
02:52Kinukuhanan pa namin ng tugon ang lakas CMD.
02:55Nang tanongin naman kung nagkausap na sila ng kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos,
03:00Masamang-masama ang loob ko, ngunit ang akin lamang,
03:05kailanman hindi kami nag-away ng aking kapatid,
03:07yung mga amuyong sa palasyo, yung mga larian, yung mga lulong,
03:14ayun sila, sila po ang ating kaaway.
03:17Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez, Nakatuto, 24 Horas.

Recommended