Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
PBBM, inilarawan si Pope Francis bilang pinakamahusay na Santo Papa;

Ilang world leaders, nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ng Santo Papa

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kinilala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta Marcos ang mga legasya ng Santo Papa.
00:08Kasabay nito ang pagpapaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ni Pope Francis.
00:14Si Kenneth Pasyente ng PTV sa Balitang Pambansa.
00:20Pinakamahusay na Santo Papa.
00:22Ganyan inilarawan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Pope Francis na pumanaw kahapon.
00:27Gate ng Pangulo, ibang klase raw ang pamamalakad ng Santo Papa kaya nakakalungkot ang paglisan nito.
00:34Nakikiisaan niya ang buong sambayan ng Pilipino sa pagkamatay ng haligi ng simbahang katolika.
00:40Sabi ng Pangulo, dala ang malalim na pananampalataya at kababaang loob.
00:44Nanguna si Pope Francis ng may karunungan at isang pusong bukas para sa lahat lalo na sa mahihirap.
00:50Itinuro raw nito ang pagiging mabuting Kristiyano sa pagpapalaganap ng kabutihan at pagmamalasakit sa isa't isa na nagresulta sa pagbabalik ng marami sa pagsamba.
01:00Kasabay ng pagluluksa, dapat din anyang alalahanin ang isang buhay na nagdala ng pag-asa at malasakit sa marami.
01:07At nagbigay ng inspirasyon na magmahalan gaya ng pagmamahal ng Diyos sa sangkatauhan.
01:12Isang biyaya naman para kay First Lady Luis Araneta Marcos ang pagkakataon na makilala ng personalang Santo Papa na habang buhay anyang dadalhin.
01:21Bagaman banayad ang pananalita, makapangyarihan anito ang mensahe ng Santo Papa, may awa, kababaang loob at pagmamahal.
01:30Hiling nito para sa Santo Papa ang mamuhay sa walang hanggang kapayapaan, kasabay ang pasasalamat sa pagiging ilaw na naging gabay ng nakararami.
01:38Nagpaabot din ang pakikiramay si U.S. President Donald Trump sa pagpanaw ng Santo Papa.
01:44Ipinagutos na rin nito ang paglalagay ng mga bandila ng U.S. sa half-mast, sa White House at iba pang public establishment gaya ng mga embahada, consular offices at iba pa bilang pagbibigay galang kay Pope Francis.
01:58Sinabi naman ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na naging larawan ng pag-asa ang Santo Papa, lalot kaisa ang Santo Papa sa pagdarasal ng kapayapaan sa Ukraine.
02:08Inilarawan naman ni Russian President Vladimir Putin ang Santo Papa bilang matalinong spiritual leader, lalot naging aktibo anya ito sa pagtataguyod ng dayalogo sa pagitan ng Russian Orthodox at simbahang katolika, gayon din ang pagtutulungan sa pagitan ng Russia at ng Holy See.
02:24Nagpaabot din ang pakikiramay si King Charles III, nagpahayag ng pag-alala sa Santo Papa para sa kanyang habag, pagpapalaghanap ng pagkakaisa sa simbahan at pagtataguyod ng kabutihan para sa kapakanan ng iba.
02:37Mula PTV Manila, Kenneth Pasyente, Balitang Pambansa.

Recommended