Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Mala-pelikula ang na-#HuliCam na pagtakas ng isang SUV matapos makabangga ng ibang sasakyan sa Quezon City. Habang humaharurot paatras ay nagpaikot-ikot ito sa isang gasolinahan hanggang may tamaan at sumisirit na likido. Tatlong sasakyan ang kaniyang nadisgrasya, pero ang SUV driver, tila hindi alam na may mga tinamaan siya.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magandang gabi po Luzon Visayas at Mindanao.
00:05Malapelikulang na hulikam na pagtakas ng isang SUV matapos makabanga ng ibang sasakyan sa Quezon City.
00:13Habang humakarurot paatras ay nagpaikot-ikot ito sa isang gasolinahan hanggang may tamaan at sunisirit na likiduk.
00:21Tatlong sasakyan ang kanyang na-disgrasya pero ang SUV driver tila hindi alam na may mga tinamaan siya.
00:28Nakatotok si Rafi Tima.
00:36Makikita ang isang polis sa viral video na ito na kinakausap at tila may pinagagawa sa driver ng kuting SUV tanghali kanina sa bahagi ng North Fairview sa Quezon City, maya maya pa.
00:48Humakarurot paatras ang SUV at pumasok sa isang gasolinahan.
00:53Ilang beses itong nagpaikot-ikot noon dahilan para mabanga ang ilang gamit tulad ng drab ng tubig.
01:00Kapansin-pansin din na patakbo ang mga taong sa gasolinahan dahil sa pagharurot ng SUV.
01:08Bago ang nahulikam na insidente, may isang van na palang ilang beses binanga ang SUV habang nakapark sa gilid ng kalsada.
01:14Ang may-ari ng sasakyan na si Rowena, nasa loob daw nang maramdaman nilang umuuga ito.
01:20Maraming tao naglabasan at sinasabi na binabangga na daw po yung sasakyan namin. Tapos tinignan ko sa likod, ay oo nga binabangga na tayo.
01:27Pero hindi po ganun kalakas?
01:29Hindi po ganun naman kalakas, pero mapapagalaw ka po naman.
01:32Ang driver ng van sinubukan daw katukin ang puting SUV.
01:36Tinapi ko yung tagiliran niya, tas sabay silip ko, siya lang mag-isa at nakaganon siya sa manobela.
01:42E nung sabi ko, pag ikot ko doon sa kabila, sinabayan ko si sir, sir katukin ko na lang.
01:48Sabi naman ni sir, huwag mo nang katukin, baka may baril daw.
01:51Dito na raw sila tumawag ng polis.
01:53Sa halos dalawampung minutong paghihintay, hindi raw lumabas ang driver ng SUV.
01:57Nang dumating ang mga otoridad, umatras daw bahagi ang SUV at muling binanga ang van.
02:02At ito na ang nakunan sa viral video.
02:05Sa isa panganggulo, makikita ang mabilis na pagatras ng puting SUV.
02:09Nang humupa ang sitwasyon, tila normal naman daw ang driver ng puting SUV paglabas nito ng sasakyan.
02:14Gayunman, tila hindi raw na ito alam ang nangyari.
02:17E sabi ko, sir anong po ba ang nararamdaman niyo? Sir, alam niyo ba ba yung nangyari?
02:21Sama hindi ko alam eh.
02:23Ang alam ko lang may tumama na sa akin dito, masakit nga eh.
02:26Ko saan ba kayo galing sir? Sabi niya sa makahati pa ako. Ayos naman siya makipag-usap sir.
02:31Sa kabuan, tatlong sasakyan ang nabangan ng SUV.
02:34Nasira din ang protective bar ng gasolinahan.
02:36Sa kabutihang palad, walang nasaktan sa insidente.
02:40Inaalam pa namang ambestigador kung magkano halaga ng pinsalan sa insidente.
02:44Sinusubukan pa namin hingin ng pahayag ang driver ng SUV.
02:48Para sa GMI Integrated News, Rafi Tima na Katutok, 24 Oras.

Recommended