• 2 days ago
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Huwebes, April 3, 2025

-Lalaking nambubudol umano ng mga online seller, arestado; wala siyang pahayag

-Russian vlogger na nang-harass umano ng ilang Pinoy sa Taguig para sa kanyang content, arestado

-INTERVIEW: DANA SANDOVAL
SPOKESPERSON, BUREAU OF IMMIGRATION
Russian vlogger na nang-harass umano ng ilang Pinoy para sa kanyang content online, arestado

-DSWD, nagbabala laban sa pekeng cash and rice distribution program na kumakalat online

-WEATHER: Ilang panig ng Davao City, binaha dahil sa high tide

-PHIVOLCS: Bulkang Kanlaon, muling nagbuga ng abo ngayong umaga

-Brgy. Chairman, patay sa pamamaril; gunman, nakatakas

-Condominium na tinitirhan ng 4 na nawawalang Pinoy, nakunan ng video habang unti-unting gumuguho/Death toll sa Myanmar earthquake, umabot na sa 2,886

-Ilang dumaan sa EDSA Busway kahit bawal, sinita; isang rider na sinita, tinangka pang tumakas

-Kris Aquino: I now have 9 autoimmune disorders

-American author Nicholas Kaufmann, umaalma matapos mapagkamalang si Nicholas Kaufman na abogado ni FPRRD

-Ilang grupo, naghain ng petisyon sa SC para obligahin ang Kongreso na magpasa ng batas laban sa political dynasty

-LTFRB: Hindi driver kundi ride-hailing apps at operators ang papasan sa senior, PWD at student discount sa TNVS

-6-anyos na lalaki, patay matapos mabagsakan ng puno

-2 driver at 1 konduktor, nagsapakan dahil umano sa agawan sa pasahero

-Ikalawang Senate hearing kaugnay sa pag-aresto kay FPRRD, hindi dinaluhan ng mga imbitado mula sa executive branch

-Iba't ibang isyu sa bansa, tinalakay sa kampanya ng ilang senatorial candidates

-Paggamit ng cellphone bago matulog, hindi nakatutulong sa pagpapaantok; blue light mula sa gadgets, maaaring magdulot ng insomnia

-Mahigit 25 oras na talumpati ni Sen. Booker, bagong record bilang pinakamahabang talumpati sa U.S. Senate

-Global Reciprocal Tariff sa ilang bansa kabilang ang Pilipinas, inanunsyo ni U.S. Pres. Donald Trump

-Babaeng jogger, patay matapos masagasaan ng pickup; 2 kasama niya, sugatan

-P10M halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa isang lalaki

-Ilang empleyado ng MMDA na sangkot umano sa Salary Deduction Scheme, arestado

-2 akusado sa panghahalay sa 2 menor de edad, arestado sa magkahiwalay na operasyon; mga akusado, itinanggi ang mga paratang

For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
Transcript
00:00🎵
00:22Magandang Tanghali po!
00:24Oras na para sa maiinit na balita!
00:27At kulong ang isang lalaking ng luloko-umano sa mga nagbebenta ng gadgets sa Tacloban City.
00:32Ang suspect matagal na rin hinahanap dahil sa pagtutulak-umano ng iligal na droga.
00:37Balitang atin ni Bam Alegre, Exclusive!
00:44Nakipagkita sa isang fast food restaurant sa Zamora Street, Tacloban City,
00:47ang lalaking ito na mambubudul daw sana ng mga online seller ng mga gadgets.
00:52Ang modus, kaliwaan ng transaksyon, pero itatakas niya ang gadget bago po magkabayaran.
00:57Pero sa pagkakataong ito, walang scam na nangyari.
01:00Bago pa kasi maitakas ang gadget, nagpakilala ang katransaksyon niya, na polis pala.
01:05Nagpapangga po siya ang isang impliyado ng fast food chain, at doon po siya nakikipag-meet.
01:11Once na maawakan niya na po yung gadget,
01:16sasabihin niya na ipapacheck niya lang ito sa manager niya.
01:20At once na makaalis siya doon sa kanilang inuupuan o yung transaksyon area sa loob ng establishment,
01:28ay agad na po itong tatakas.
01:30Matagal na pinagkahanap sa Region 8 ng suspect dahil convicted siya noong 2024 pa
01:35dahil sa pagtutulak ng droga.
01:37Sa kanyang pagtatago sa batas, patuloy pa rin siya sa pang-scam sa mga nagbu-buy and sell ng mga gadgets
01:42gamit ng pekeng mga social media account.
01:44Paalala ng polis siya.
01:46Sa mga naging-engage sa online selling or buy and sell,
01:49hugalingin po natin na i-check ang mga social media accounts ng ating katransaksyon
01:54para malaman kung ito ba ilihiti mo o sila'y gumagamit lamang ng mga fake accounts.
01:59Huwag po tayong magbigay ng sobrang tiwala at ipagkatiwala ang mga gadgets na ating ibinibenta.
02:06Walang pahayag ng suspect na nasa kustodian na ng polisya.
02:09Bukod sa sentensya niya sa kasong pagtutulak ng droga,
02:12naaharap siya sa panibagong reklamong estafa.
02:14Bam Alegre, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:45Itinuturing ng Bureau of Immigration na Undesirable Foreign National,
02:49ang vlogger dahil sa kanyang ginawa.
02:51Nasa detention facility sa Camp Bagong Diwa,
02:54ang vlogger bago siya ipadeport.
02:56Wala pa siyang pahayag.
02:59Kaugnahin nga po ng balita ngayon na pag-aresto sa isang Russian vlogger
03:02na nangharas-umanoh ng ilang Pinoy para sa kanyang content.
03:05Kausapin natin si Bureau of Immigration spokesperson Dana Sandoval.
03:09Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
03:11Magandang araw din po kayo.
03:13Ano pong asunto? Ipadeport niyo ang Russian vlogger?
03:17Yes, itinuturing po natin ito na undesirable alien.
03:21Dahil dumating po siya dito, kanarating niya lamang po.
03:24Pero pagdating niya po dito for the content,
03:27ang ginagawa niya po ay puro pang-aabala,
03:31pagdating kung baga salot sa ating komunidad.
03:34Marami po siyang mga binabasto sa mga kababayan natin.
03:40Lahat po ng elemento ng pagiging undesirable alien.
03:43Moto-probe pa ba ito o may nag-file ng formal na reklamo kaya siya considered undesirable alien?
03:49Bukod pa po yan sa pag-considera natin sa kanya as undesirable alien
03:53dahil nakita pa lang po natin sa mga videos na pinupost niya
03:57kung saan siya halos manakit,
04:00nagmumura ng mga senior citizens,
04:03ng Google po, ng mga security guards in DTC.
04:08Meron pong nag-file, may nag-pablatter sa kanya na isa sa mga security guards na sanyang pinagluloko.
04:15Nag-file po siya at nag-pablatter po siya sa Makati C&P.
04:20Nung napag-alaman po ito, ang CIDG kinoordinate po sa amin
04:23at nag-implement din po kami ng arrest warrant namin against him.
04:27Meron na po bang pahayag itong vlogger na ito? Ano ang kanyang panic sa reklamo nito?
04:32Actually he did not seem to be remorseful about what he did.
04:37Nung inarresto po natin siya, naka-very serious pa ang kanyang itsura.
04:42Nung binivideohan po siya during reading ng kanyang Miranda Reyes,
04:46nagpa-fly and kiss pa po siya doon sa camera.
04:50Mukhang hindi po ito natatauhan doon sa gravity ng kanyang kakaharapin.
04:56Meron na po ba kayong information kung meron na siya ibang kaso sa ibang bansa na kapareho nito?
05:04Nung atin meresearch ang kanyang background, mukhang notorious talaga itong taong to sa ganitong mga uri ng content.
05:11Allegedly siya po ay banned sa ilang mga bansa na rin for disrupting the peace.
05:16Na-arresto na rin po siya ng ilang beses dahil nanggugulo po siya ng mga sports games,
05:23marami po siya mga kalokohang ginawa. So he has been arrested and banned in several countries already.
05:29So I would assume ganun din po ang mangyayari sa kanya dito sa Pilipinas?
05:33Yes, we will not tolerate yung mga ganitong actions na may disrespect sa mga Pilipino.
05:39At talagang tayo, we are a very hospitable people. Pero pag ganito po, sumusobra na.
05:46Hindi na niya ginalang at may respeto ang ating mga kababalag.
05:50Meron na pong paraan ng Bureau of Immigration para mapigilang makapunta na dito sa bansa?
05:54Yung mga ganitong, meron ng record sa ibang bansa at notorious na sa mga ganitong harassment.
06:00May crime na rin na ginagawa at puwedeng ma-flag pagpasok pa lang ng bansa?
06:05Yes, kung may crime po ang individual at yan po ay naipasok sa database ng Interpol,
06:11halimbawa o kaya ininform tayo ng kadilang government, then we can prevent them from entering the country.
06:18Ang nagiging problema lang po ang mga ganitong petty crimes,
06:21hindi na pinapasok sa Interpol database, hindi na pinapagbigay alam sa atin ng kanilang mga gobyerno.
06:28May proactive approach natin kung may mga nasikita tayong ganito na disruptive individual who are inside our country,
06:35nagsismoop in ang ating intelligence division to effect an arrest and deport them para mapaalis sila sa ating bansa.
06:42Pwede kayo mare-consider yung ganong pulisiyan na pati petty crimes,
06:45mailagay na rin sa database kasi pwedeng petty crimes sa umpisa pero pwedeng mag-resulta yan sa isang mas malalim na krimen?
06:53Understandable po, but siguro yan magiging pulisiyan ng Interpol o kaya ng bansa na pinanggalingan ng individual.
07:00Tayo po ay on the receiving end on the types of crimes or information na binabato nila sa atin.
07:06Pero once na ibinato nila sa atin yan, nilalagay natin yan sa ating database para pag na-encounter sa mga paliparan,
07:15mapipigilan ang pagpasok ng individual sa Pilipinas."
07:18Siya lang po ba naaharap sa reklamo? Kasi doon sa kanyang video, kila may kumukuha sa kanye.
07:24Doon po sa investigation natin para mga Pilipino po yung mga kasama niya na kumukuha ng mga videos.
07:31But I am unable to answer for local law enforcement.
07:36But mukhang tinitingnan na rin po nila kung may mga possible liabilities itong mga Filipino partners
07:43or mga kasamahan po nitong Russian blogger na ito.
07:47Ano ang timeline sa kanyang deportation? Gano'ng kabilis? At meron ba tayong coordination with the Russian embassy?
07:53Hindi pa po natin masasabi sa ngayon kung gano'ng katagal ang kanyang deportation case.
07:58Kasi titingnan pa po natin kung meron mag-file ng local case sa kanya dito sa Pilipinas.
08:04If meron mag-file ng local case here in the Philippines, we would have to wait for the resolution of that local case.
08:11At halimbawa sintensyahan po siya ng pagkakulong dito sa Pilipinas dahil sa whatever crime na kanyang ginawa,
08:18kailangan niya po munang pag-serve yung sintensya na yun sa ating mga local jails before we can implement the deportation.
08:26Saan po finail? Sa Bureau of Immigration lang po ba nag-file? Yung gwardiya?
08:30Meron ba information na nag-file din siya sa local police?
08:34Meron po siyang blotter sa PNP Makati. Yung sa BI po was not a product of filing of anyone
08:42but as a product of proactive action nung nakita po natin na nag-viral itong foreign national na dito.
08:49So usaping deportation pa rin po, pakiusap kasi ng Paok sana raw ay mapabilis na yung pagpapadeport sa ilang banyaga na may kaugnayan sa Pogo.
08:57Ano pong plano ng BI dito?
08:59That's the goal po at yun ang sinisikap natin through the help of Paok, NBI and their embassy.
09:08Malaking tulong yung binibigay ng embakada nila in providing tickets para makalabas immediately itong foreign nationals na ito.
09:16Kasi parehas tayo ng goal with Paok, gusto natin mapaalis na itong mga ito, ma-deport na agad-agad para may space na po for new deportees
09:26kasi masami pa po tayong hulihin ng mga illegal Pogo workers.
09:31Nagpapatagal po ba sa proseso pag walang passport o legal documents na ipapakita?
09:35Definitely kasi yan po ay kailangan kuhanin nila sa kanilang embakada. The embassy would take some time in verifying
09:43pero nag-commit naman po sa atin ang kanilang embakada that they would expedite the processing of documentation needed by deportees.
09:51Huling issue na lamang po, may update sa pag-repatriate sa ilang Pilipino mula sa SCAM Hub sa Myanmar? Ilan ba inaasahan natin?
09:59Ang total na na-repatriate yung nakaraang linggo was 206 in 2 batches, magkasunod na araw yan.
10:07Iba po yung mga methods na ginamit itong mga kababayan natin na loob na magtrabahaw in SCAM Hub.
10:15But siguro yung pinaka-alarming for us, for the bureau, is yung 54 po na dumaan sa backdoor.
10:21Inamin po nila na nag-backdoor sila at tumakay po sila ng bangka palabas po ng bansa.
10:26But thankfully po, ang PNP ay nakahuli po ng pinatawag nating backdoor queen na ito po yung nag-a-assisting sa kanila
10:35tumakay ng bangka in the southern part of the Philippines para makatawid dagat illegally papunta sa Malaysia bago makarating dun sa bansang kanilang talagang magtatrabahuan.
10:45Maraming salamat po sa oras na binahagi niyo sa Balitang Hali.
10:49Salamat po. Magandang hali.
10:51Si Bureau of Immigration Spokesperson, Dana Sandoval.
11:05Ang card program na sinasabing nagbibigay ang DSWD ng 5,000 piso at 10 kilong bigas.
11:13Paalala po ng DSWD sa publiko, mag-ingat at huwag magpalinlang sa mga posts na hindi galing sa official Facebook page ng kagawaran.
11:23Hinihimok din po ang publiko na i-report agad sa kanila ang anumang kadudadudang posts o messages para ma-verify ang naturang impormasyon.
11:36Binaha ang ilang bahagi ng Davao City.
11:41Ang mga bahay malapit sa baybayin, pinasok na ng tubig.
11:45Umakyan din ng tubig dagat sa wharf at parkeroon.
11:48Dahil daw po iyan, sa high tide.
11:50Kaya minomonitor ng Coast Guard sa Davao ang sitwasyon.
11:53Pinapaalertorin ang mga nakatira sa coastal area sa banta ng high tide.
11:58Sa mga susunod na oras, posibleng ulanin ang ilang bahagi ng Davao Region, Sok Sarjen, Northern at Central Luzon,
12:04pati na po umimaropa region, base sa rainfall forecast ng Metro Weather.
12:09Posibleng rin ang ulan sa ilang panig ng Metro Manila.
12:12Ayon sa pag-asa, Easter Lease ang nagpapaulan sa malaking bahagi ng bansa habang North Easterly Wind Flow sa Northern Luzon.
12:19Sa kabila niyan, ilang lugar muli ang makararanas ng matinding init at alinsangan.
12:24Posibleng umabot sa 43°C ang heat index sa Iba, Zambales at Dirac, Catanduanes.
12:30Extreme caution level naman ang posibleng alinsangan sa Metro Manila.
12:3437°C sa Pasay, habang 36°C sa Quezon City.
12:40Abiso naman po sa mga nakatira sa timog kanluran ng Vulcan Canlaon sa Negros Island.
12:46Posibleng pong magkaroon ng ash fall.
12:49Kasunod po yan ang muling pagboga ng abon ng Vulcan Pasado alasais ng umaga ngayong pong araw.
12:56Sa tala po ng PHIVOC sa nakalipas na 24 oras, nakalimang ash emission ang Canlaon.
13:03May naitala rin pong 16 na volcanic earthquakes at mahigit 2,000 tonelada.
13:09Nang ibinugang asupre o sulfur dioxide, nakataas pa rin po ang alert level 3 sa Canlaon.
13:16Ibig sabihin, nananatili ang banta ng mapaminsalang pagsabog ng Vulcan.
13:22Posibleng pong maitaas ang alert level 4 sa Vulcan ayon sa PHIVOCs.
13:32Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
13:36Isang babae ang hulikam na nanloob sa isang tindahan sa Mangaldan, Pangasinan.
13:42Chris, anong nakuha niya?
13:46Connie, natangay ng babae ang pera sa tindahan na nagkakahalaga ng Php 27,000.
13:52Sa kuha ng CCTV, hulikam ang pagsilip ng babae sa nasabing tindahan sa Barangay Salay.
13:58Nang makitang walang tao, ay nagsuot siya ng hood ng kanyang jacket,
14:03nag face mask, saka dumeretso sa dropper box ng tindahan.
14:07Pambaya daw sana ng may-ari ng tindahan sa kuryente
14:10at taga-deliver ng kanilang panindang alak ang perang natangay.
14:14Ayon sa may-ari, lumabas siya saglit para tingnan ang kanyang mga alagang aso
14:18at naiwang bukas ang tindahan.
14:20Patuloy ang investigasyon ng mga pulis para matukoy ang pagkakakilandan ng sospek.
14:27Patay naman sa pamamaril ang isang barangay chairman sa Santa Maria dito sa Pangasinan.
14:32Batay sa investigasyon, nagmamaneho ng tricycle ang biktima sa bahagi ng bypass road
14:37ng parahin ng lalaking naghihintay sa gilid ng kalesada.
14:41Pagkahinto ng biktima, bigla na lang daw siyang binaril.
14:45Agadal tumakas ang sospek.
14:47Ayon sa pamilya, wala silang kilalang kaaway ng barangay chairman.
14:51Narecover naman sa crime scene ng mga basyo ng bala ng kalibre 45 baril.
14:56Tinundin na naman ng Liga ng mga Barangay sa Bayan ang nasabing pamamaril.
15:00May person of interest na ang mga pulis at nangangalap na ng ebedensya.
15:05Kabilang sa mga sinisilip na anggulo ng pulis siya,
15:08ang politika at ang pagiging dating pulis ng biktima.
15:19Yan po ang kuha sa mga huling sandali na nakatayo pa ang Sky Villa Condominium
15:23sa Mandalay Mayon Mar nang tumamaro ng magnitude 7.7 na lindol nitong March 28.
15:28Unti-unting nagbagsakan ang ilang bahagin ng gusali habang nilalamon
15:32ang paligid ng makapal na alikabuk.
15:35Sa nasabing kondominium tumutuloy ang apat na Pilipino na ngayon nawawala matapos ng lindol.
15:40Hindi pa rin sila nahahanap.
15:42Patuloy ang search and rescue operations ng mga otoridad sa iba't ibang bahagin ng Myanmar.
15:47Kasama sa mga tumutulong sa search and rescue efforts,
15:50ang mga ipinadalang humanitarian team ng Pilipinas.
15:53Aabot na sa mahigit 2,800 ang naitalang patay sa lindol.
15:58Ilang motorista na dumaan pa rin sa EDSA busway kahit bawal ang sinita po sa operasyon ngayong umaga.
16:06Ang isa sa mga sinita, tinangka pang tumakas.
16:09Ang mainit na balita, hati ed ni EJ Gomez.
16:15Sa kabila ng malaking multa sa iligal na pagdaan sa EDSA busway,
16:19maraming rider pa rin ang patuloy na dumaraan dito.
16:22Ang multa, nasa 5,000 pesos.
16:26Ang isang motorcycle rider,
16:28nagtangka pang tumakas mula sa mga tauhan ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation o SAI.
16:35Nahabol ang rider ng mga enforcer na nakapuesto sa bandang dulo ng operasyon sa may Mega Q Mart.
16:41Ang iba ay hindi rehestrado ang mga motorsiklo at walang dalang ORCR.
16:46Sabi ng ilang nakausap nating rider na padaan daw sila sa EDSA busway dahil sa pagmamadali sa pagpasok sa kanilang trabaho.
16:54Sumilip lang ako, dumaan lang ako konti.
16:57Umuvertig lang ako, bumalik din ako agad naman.
17:00Late na po ma'am. Malintawag ako ma'am galing.
17:03Saan mo punta?
17:04Tapasig.
17:05Ma'am, kasi malilate lang ako sa trabaho.
17:08Wala tayong magsagawa.
17:10Bawal talaga.
17:11Isang kotse rin ang nahuli at natikita ng SAI.
17:14Paalala ng MMDA, bukod sa mga bus,
17:17mga sasakyang otorisado lang ng LTFRB ang pwedeng dumaan sa busway,
17:22kaya ng emergency vehicles at ilang sasakyan ng gobyerno.
17:25Ilang tauha naman ang saik ang nagmando ng trabiko para maibsaan ang bigat ng daloy kaninang rush hour.
17:31EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
17:42Mga mare at pare, may update tayo sa health condition ni Queen of All Media, Chris Aquino.
17:49Sa update ni Chris sa Instagram, sham na ang kanyang autoimmune diseases.
17:53Pinakabagong nadagdag sa mga sakit niya ang mixed connective tissue disease.
17:58Mahigit dalawang linggo na raw siyang nilalagnat dahil din sa iba pa niyang sakit.
18:03Itong Martes, ibinahagi ni Chris na nag-flare ang sintomas ng kanyang lupus.
18:08Humihingi ng prayers si Chris habang nagpapatuloy ang kanyang treatment.
18:12Sabi ni Chris, she's not winning right now, pero bawal daw sumuko.
18:17At tuloy lang ang laban.
18:21International Criminal Court is now in session.
18:24Rodrigo Roa Duterte.
18:35Umaal na ang Amerikanong author na si Nicholas Kaufman na napagkamalang abogado ni dating pangunong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court.
18:42Nakausap siya ng GMA Integrated News at apelan niya sa mga Pilipino.
18:46Tigilan na ang pagpapadala sa kanya ng napakaraming mensahe.
18:50Balit ang hatid ni Bea Pinlak.
18:55Parehang Nicholas Kaufman.
18:57Ang pagkakaiba, isang letra sa kanilang apelido.
19:02Ang isa, tumata yung lead defense counsel ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court.
19:09At ang isa naman, Amerikan author o mayakda ng iba't ibang libro na may tema na horror at thriller.
19:16Ang author, tila na damay sa usapin ng kaso ni Duterte online.
19:21Sa isang post, sinabi ni Kaufman na binabaha ng mga comment at message ang kanyang social media pages mula sa Pilipino netizens.
19:29Kaya napapost siya, para sabihin na hindi siya ang Kaufman na abogado ni Duterte.
19:35Sa panayam ng GMA Integrated News, sinabi ni Kaufman na parehong anti at pro Duterte ang mga nagpapadala sa kanya ng mensahe.
20:05Dalawang beses nang nagpost si Kaufman sa Facebook at umaapelang ihinto na ang pagpapadal sa kanya ng mga mensahe.
20:35But most of them said, oh, we know it's you. You look exactly like him, which I don't.
20:39So apparently they feel that Nicholas Kaufman from the ICC has a side gig as a writer of horror and thrillers in New York City, which is very strange.
20:52I don't understand why these folks won't listen to reason or why they believe that Duterte's lawyer would lie to them about who he is.
21:01Ayon kay Kaufman, dati na niyang narinig ang pangalan ni Duterte, pero ngayon lang daw siya nagbasa tungkol sa dating pangulo nang madawit na ang kanyang pangalan.
21:10Sabi ng author, kahit may naging kalituhan, hindi naman daw nito naapektuhan ang pagtingin niya sa lahat ng mga Pilipino.
21:18It has not affected how I see Filipinos in general. It has definitely affected how I might view Duterte supporters in particular.
21:28The anti-Duterte people who have shown up to try to explain or to try to apologize for what's happening do seem a little more rational and sane minded.
21:40But I have nothing but respect for the Filipino people themselves.
21:45Please stop. You've got the wrong guy. I would like for them to please just, you know, kindly stop.
21:51Bea Pinlac, Nagbabalita, para sa GMA Integrated News.
21:59Para maprotektahan ang inyong puso, dapat din daw bantayan ang inyong waistline.
22:05Ayon sa Executive Director ng Philippine Heart Association na si Dr. Avelino Aventura Jr., 33-34 inches lang dapat ang waistline ng mga babae.
22:1737 inches naman para sa mga lalaki.
22:21Kapag daw obese, mas nahihirapang mag-function ang puso na posibling mag-resulta sa heart failure at iba't-iba pang mga sakit.
22:29Bukit po sa waistline, sinabi rin ni Dr. Aventura na dapat din bantayan ang inyong blood sugar, presyon, at body mass index.
22:38Para naman sa ilang senior citizen, exercise is the key para malusog na ang ating puso at katawan.
22:50Alam pa ninyo na maging sa political dynasty may payat, mataba, at obese din?
22:59Ayon sa isang pag-aaral na inilathalan ng Ateneo School of Government, may tuturing na payat ang isang political dynasty kung sunod-sunod na mga membro ng iisang pamilya ang nanonungkulan sa pwesto.
23:10Fat o matabang dynasty kapag dalawang membro ng pamilya ang magkasabay na nanonungkulan.
23:17Obese o sobrang tabang dynasty naman daw kapag tatlo o higit pang magkakaanak ang sabay-sabay na nakaupo sa pwesto.
23:24Kaya panawagan ng ilang grupo sa Korte Suprema obligihin na ang Kongreso na magpasa ng batas laban dyan.
23:31Balit ang atin ni Tina Panganiban Teres.
23:37Hiling sa Korte Suprema ng ilang grupo, sa inihain nilang petition for certiorari and mandamus,
23:43utusan ng Kongreso na magpasa ng batas laban sa political dynasty.
23:47Nakasaad sa 1987 Constitution na bawal ang political dynasty alinsunod sa definisyong nakasaad sa batas.
23:55Pero po na ng mga naghain ng petisyon sa Korte Suprema, apat na dekada na ang nakararaan pero wala pa ring batas.
24:03Pununaan nila ang gobyerno na mga nahalal na ang tila kwalifikasyon lang imbis na karakter at kakayahan ay ang pinanggalingang pamilya.
24:12Kung tutusin mula 8th Congress, iba-tibang panukala na laban sa political dynasty ang inihain sa Senado at Kamara.
24:20Ngayong 19th Congress, naghain sina Sen. Grace Poe at Robin Padilla ng magkahiwalay na panukala sa Senado,
24:28habang si kabataan Partylist Rep. Raul Manuel sa Kamara.
24:33Lahat nakabimbin sa Komite.
24:35Long overdue na task ng Kongreso na isa batas yan.
24:40Siyempre dahil sa pag-dominate ng mga political dynasty sa legislative branch natin kaya hindi talaga yan sumusulong.
24:51Paniwala rin ng ilang mababatas. Hindi pwedeng pakialaman ang Korte Suprema ang trabaho ng Kongreso magpasa ng batas.
24:59Kabilang sa naghayag, sina Sen. Minority Leader Coco Pimentel at House Deputy Majority Leader Lawrence Defensor.
25:06It's not for the Supreme Court to compel. While the Constitution says that there is a prohibition against the dynasty under a bill passed by Congress,
25:20it does not state a timeline when Congress will pass it.
25:24Duda rin ng isang political scientist sa pagkukusa ng Kongreso na magpasa ng batas kontra political dynasty.
25:31Lalo tuwalo sa 10 kongresista ay miembro ng political dynasty base sa pag-aaral ng Philippine Center for Investigative Journalism.
25:41Kung iaasa lang po natin sa Kongreso ang pagpasa ng itong panukalang ito, it's like asking Dracula to guard the blood bank.
25:51Alam po natin, ang Kongreso ay cesspool of political self-interest."
25:59Wala pang tugon ang mga liderato ng Kamara at Senado kaugnay nito.
26:03Pero sabi ni Sen. Minority Leader Pimentel, naniniwala siyang darating din ang panahon na may isa sa batas ang anti-political dynasty bill, lalo unti-unti namumulat ang mata ng mga botante.
26:21Naglalakar ang dalawang estudyanteng yan sa gilid ng kalsada sa Bana, Ilocos Norte, nang biglang duma ng isang SUV at nabundol ang isa sa kanila.
26:31Napaikot at napadapa ang biktima, agad naman siyang tinulungang makatayo ng kanyang kasama.
26:36Hindi huminto ang driver ng SUV.
26:39Ayon sa pulisya na tuntunan nila ang driver nito base sa nakuha ng CCTV footage sa lugar.
26:44Nakatakdang mag-usap ang driver at pamilya ng nabangga.
26:50Doble disgrasyang inabot ng isang motorcycle rider sa Quezon City.
26:54Bumangga na siya sa gilid ng jeep na agulungan pa ng isa pang motorsiklo.
26:58Narito ang aking report.
27:03Binabagtas ng isang rider ang kahabaan ng Congressional Avenue sa Quezon City nang biglang.
27:09Sumalpok ang nasa harapan niyang rider sa jeep na nakatigil sa gilid ng daan.
27:13Sa lakas ng impact, tumalsik ang helmet ng rider at saka siya tumilapor hanggang sa...
27:19Magulungan siya ng isa pang motorsiklo.
27:21Ayon sa nakahuli kam na rider ng si Jover Canding,
27:24nagtaka siya na tila hindi nagminor ang rider kahit na may jeep na tumabi para magbaba ng pasahero.
27:38Kita rin sa video na tumabi ang nakasagasang motorsiklo pero kalauna'y umalis din.
27:48Tapos siguro yung nangingisay na yung rider na naaksidente, maya maya lang dumerecho na po siya.
27:55Tinulungan ng mga nakasagasang rider at pasahero ng jeep ang biktima.
28:02Habang naghihintay ng rescue, punti-punting nagkamali ang biktima pero pinigilan siyang gumalaw ng mga kapwa-rider.
28:07Kinuha rin ni Kahanding ang nahulog na cellphone ng biktima at ninawaga ng huling nitong kamessage.
28:13Ayan sa QCPD Traffic Sector 6, nagtungo ang kapatid ng rider sa kanilang opisina para kumuha ng police report.
28:19Maayos na raw ang lagay ng biktima na isinugod sa ospital.
28:22Wala namang balak magsampan ng reklamo ang mga kaanak ng biktima.
28:26Raffi Pima nagbabalita para sa GMA Integrated News.
28:29Iniutos ng LTFRB na mga ride hailing app at TNVS operators at hindi na mga driver ang papasaan sa 20% discount
28:36ng mga pasaherong Senior Citizen, PWD at Estudyante.
28:39Batay sa LTFRB na Marandum Circular 5050 ang hatian ng mga operator at ride hailing app.
28:45Ipatutupad po ito simula Lunes, April 7.
28:49Tugunyan ng LTFRB matapos lumabas sa pagbinig ng Senado noong Desyembre na ang mga TNVS driver
28:56ang sumasalo sa discount ng mga pasahero.
28:59Iba-iba rin daw dati ang hatian sa mga sinasalong discount kada platform.
29:29Raffi pinagbantaan daw kasi ng lalaki ang kanyang nobya na ipapakalat ang kanilang mga sensitibong larawan at video
29:37kapag siya'y nakipaghiwalay.
29:39Batay sa salaysay ng biktima, naghihingi pa ang lalaki ng 20,000 piso.
29:45Nagawa rin daw ng suspect na mag-post ng larawan na nakatag pa ang paaralan ng kanyang anak.
29:51Nasa kusudian na ng CIDG Iloilo Provincial Field Unit ang suspect na nahaharap sa patong-patong na reklamo.
29:58Wala siyang pahayad.
30:02Disgra siyang inabot ng isang batang lalaki sa Mandawe, Cebu matapos mabagsakan ng pulo.
30:07Kwento ng mga tagaparanggay, ibabaw estansya, bigla nalang natumba ang buri tree
30:12at tumama sa ulo ng bata na no'y naglalaro sa labas ng kanilang bahay.
30:16Nakaburo na ang biktima na graduating na sana sa kindergarten.
30:21Pustisya ang panawagan ng mga kaanak na bata na 2024 pa nag-request sa City Hall na putulin ang nasabing pulo.
30:28Sumulat na rin sa mga otoridad ang iba pang residente para hindi na maulit ang nangyari.
30:33Ayon sa Mandawe LG, yung nagsasagawa na sila na investigasyon at nangakong magbibigay ng tulong pinansyal sa pamilya ng bata.
30:41Tinitiyak din nilang may mananagot sa insidente.
30:52Mare, may meme remake ang first evictees ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
30:59na si Ashley Ortega at AC Bonifacio sa It's Showtime.
31:11Sa segment na sine mo to, nire-create nila ang viral meme nang ma-evict sila sumula sa bahay ni kuya.
31:18Yan ang pag-iyak ni AC at ang tulala namang si Ashley.
31:21Hindi rin nagpahuli ang It's Showtime host sa kanilang version ng meme.
31:26Sumalang din si Ashley at AC sa gagam battle kung saan nanalo si Ashley.
31:32Speaking of PBD, isang bagong task ng pagkapatutuo ang hinarap ng housemates.
31:42Singing ko eto na yung time.
31:45I'm not straight.
31:53I am bi.
31:57Umani ng suporta mula sa housemate si Clarice de Guzman matapos niyang mag-come out bilang bisexual.
32:03Ni-reveal niya rin na mayroon siyang girlfriend for four years na inaalagaan ngayon ang kanyang nanay.
32:09Masaya raw siya na tanggap siya ng kanyang pamilya.
32:12Nagpasalamat din siya sa housemates na full support sa kanya.
32:16Dagdag ni Clarice ang pagpasok daw ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle D
32:21ang isa sa nakita niyang sign para mag-come out.
32:25Happy and proud naman si Michelle na naging inspirasyon siya ni Clarice.
32:34Kanya-kanyang sapak ang tatlong lalaki yan sa labas na isang terminal sa Coronadal City nitong Martes.
32:39Isang babae ang makikitang umaawat sa kanila.
32:43Ilang sandali pa, natumban na sila sa kalsada.
32:46Ayon sa mga nakasaksi, agawan sa pasahero ang dahilan ng away ng dalawang driver at isang konduktor ng van.
32:52Inaawat naman sila ng ilang opisyal ng terminal at mga tricycle driver na naroon.
32:57Dinala sila sa barangay at pinag-ayos.
32:59Wala silang pahayag.
33:02Ongoing po ngayon ang ikalawang pagdinig ng Senado ko ugnay sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
33:09At may ulit on the spot si Mav Gonzalez.
33:12Mav?
33:14Connie, nilangaw ang pagdinig ng Senate Committee on Foreign Affairs, Foreign Relations,
33:19ukol sa pag-aresto ng ICC kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
33:22Pero ito yung nulay pa rin ng Chairman ng Komite na Senador I.M. Marcos
33:25ang pagdinig kahit wala lahat ng Cabinet Secretaries na inimbitahan niya kagaya ni Justice Secretary Sus Crispin Remulia,
33:33DILG Secretary John Vic Remulia, National Security Advisor Eduardo Año, mga kapulis, at maging mga taga AFP at PND.
33:40Nauna ng sumulat si Executive Secretary Dukas pero sa mean sa Senado,
33:44kung saan iginiit nila ang executive privilege kaya hindi na nila pinadalo ang mga Cabinet Secretaries.
33:49Nasagot na rin lahat ng tanong ng Komite pero hindi sangayon si Sen. Marcos.
33:54Sabi ng Senadora, hindi pwede igiit ng Executive Branch ang subjudice dahil kung in aid of legislation ang hearing ng Senado,
34:01wala raw nalalabag kaugnay sa subjudice rule.
34:04Ang present lamang sa pagdinig ngayon ay ang taga-academe na si Atty. Alexis Medina at dalawang abogado ng Securities and Exchange Commission.
34:12Ikinalungkot rin ng ilang Senador na halos walang dumalo sa pagdinig.
34:16Si Sen. Ronald Bato de la Rosa sinabing kung patuloy na iisnabin ng mga taga-ehekutibo ang pagdinig ng Senado, maaaring mauwi ito sa constitutional crisis.
34:25Kaya hiniling ni de la Rosa na ipasabtina ang mga opisyal ng gobyerno na hindi dumalo sa pagdinig ngayong araw.
34:31Sabi ni Sen. Chief Escolero, pinag-aaralan ngayon ng Senate Legal Department kung i-issuha ng sabtina ang mga opisyal na ipinatawag pero hindi dumalo sa pagdinig ng Komite.
34:42Ayaw niya ro kasing magkaroon ng constitutional crisis dahil nag-invoke na ng Executive Privilege ang mga miyembro ng Gabinete.
34:49Hindi naman daw dahilan ang hindi pagdalo ng mga opisyal ng ehekutibo para sabihing may tinatago ang gobyerno ukot sa pag-aresto sa datatangol.
35:12Pag-aaralan ng Sen. Rodante Marcoleta sa Maynila, naroon din si Phillip Salvador na naislabana ng korupsyon, kriminalidad at ilegal na droga.
35:19Kasama rin nila ng kampanya noon si Mark Luis Gamboa.
35:24Programang pag-agrikultura at suporta sa mga magsasaka ang itinutulak ni Sen. Aimee Marcos.
35:30Industrial hubs at maayos na saud sa probinsya ang panukala ni Ariel Quirubin.
35:35Nagtungo naman sa Cebu si Tito Soto at Sen. Pia Caetano.
35:40Sa Oroquieta City, Misamis Occidental, kinilala ni Sen. Francis Tolentino ang papel ng mga LGU.
35:45Suporta sa Mango Farmers ang isinulong ni Cong. Camille Villar sa Pangasinan.
35:50Pagtanggal sa VAT sa kuryente ang isa sa ipinangako ni Benher Abalos.
35:55Suporta sa Talaba Growers ang binigyang D.E. ni Bam Aquino.
36:01Nag-ikot sa Kaloocan si David D. Angelo.
36:05Si Leo D. D. Guzman itinutulak ang paggamit ng renewable energy sa Leyte.
36:11Si Sen. Bong Go isinusulong ang pagundlad ng mga imprastruktura.
36:16Pagpapalakas ng disaster response ng bansa ang inilatag ni Ping Laxon.
36:21Agritourism naman ang balaktutukan ni Sen. Lito Lapid sa Cebu.
36:27Patuloy namin sinusundan ang kampanya ng mga tumatakpong senador sa eleksyon 2025.
36:32Rafi Tima nagbabalita para sa GMA Integrated News.
36:56Ang konsomya ang tao o yung hirap po sa pagtulog.
37:00Nagdudulot din daw ng mental stimulation ang paggamit ng cellphone
37:04kaya mas nagigising ang tao at nalilito pa ang katawan.
37:08Para sa mas maayos na tulog, huwag nang mag-cellphone isa hanggang dalawang oras bago matulog.
37:14Malaking tulong din daw kung papalamigin o ibaba ang temperature ng kwarto.
37:19At gawing madilim para ma-stimulate ang utak na maglabas ng melatonin
37:24o hormone na nakatutulong sa pagtulog.
37:27May breathing exercises rin na pupwedeng gawin para sa mas maayos na tulog.
37:31Yan po yung 4-7-8 technique.
37:344 seconds na inhale, 7 seconds na hold, at 8 seconds exhale.
37:40Ulitin niya ng 5 hanggang 10 beses hanggang sa marelas.
37:45May bagong na check sa kanyang bucket list ang beauty queen at Sparkle Star na si Rabia Mateo.
37:56Ang latest hadid ni Nelson Canlas.
38:01One fearless and adventurous queen si Sparkle Star Rabia Mateo
38:06sa kanyang skydiving experience sa Texas, Amerika.
38:10Kita ang kiligad excitement kay Rabia while free-falling into life's best moments.
38:16Sigurado rao na nagpapanik ang kanyang mami habang pinapanood ang kanyang skydiving video.
38:23May mahigit 260,000 views na yan sa Instagram.
38:28Nelson Canlas nagbabalita para sa GMA Integrated News.
38:41Record-breaking po ang naging speech na isang senador sa Washington, D.C. sa Amerika.
38:5625 hours and 5 minutes kasing tuloy-tuloy na nagtalumpati ang Democratic U.S. Senator na si Cory Booker.
39:02Bahagi po ng talumpati ang pagtulig sa kay U.S. President Donald Trump at isa sa mga advisor niyang si Elon Musk.
39:09Binasag ni Senator Booker ang unang record na 24 hours and 18 minutes na nagawa ng isang senador rin mula sa South Carolina noong 1957.
39:20Wow!
39:24Kabilang po ang mga produkto mula sa Pilipinas sa mga papatawa ng taripasa ng Amerika.
39:29Ayon kay U.S. President Donald Trump, 17% ang reciprocal tariff na ipapataw sa Pilipinas.
39:35Kabilang din sa mga papatawa ng reciprocal tariff ang ilan pang bansa sa loob at labas ng Asia na mula 10% hanggang 49%.
39:44Ayon kay Trump, sa ganitong paraan ay inuuna ng kanilang gobyerno ang interes ng Amerika.
39:49Wala pang komentor yan ang Malacanang.
39:54Ito ang GMA Regional TV News.
39:58Patay ang isang babae matapos masagasaan sa Bacolod City.
40:02Ayon sa embesigasyon, kumukuha ng mga larawan ang 53-taong gulang na babaeng jogger at dalawa niyang kasama nang masagasaan sila ng isang pickup.
40:12Sinikap silang i-rescue na mga residente.
40:15Pero namatay ang biktima na nagtamu ng malubahang sugat sa ulo matapos umanong tumilapon.
40:20Sugata naman ang dalawa niyang kasama.
40:23Depensa ng driver, sumama ang kanyang pakiramdam kaya hindi nakita ang mga biktima.
40:28Disidido ang pamilya ng mga biktima na magsampan ng reklamo laban sa driver.
40:35Arestado ang isang lalaki sa bypassed operation sa Dasmariñas, Cavite.
40:40Nakuha sa suspect ang isat kalahating kilo ng hinihinalang shabu na mahigit sampung milong pisong halaga.
40:47Gayun din ang Budol at Mark Money na ginamit sa operasyon.
40:50Maarap ang suspect sa mga reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
40:55Hindi siya nagbigay ng pahayag.
40:59Bistado sa loob ng Metro Manila Development Authority ang modus na tinatawag na salary deduction scheme.
41:05Ayon sa RMDA, ilang empleyado ng kanilang payroll division ang arestado
41:09dahil sa umunipagmanipula ng computerized payroll system para mailipat sa sarili nilang account ang bahagi ng sweldo ng iba.
41:16Sumailalim na rin sila sa inquest proceedings.
41:19Walang pahayag ang mga inaresto.
41:21Maiba pang kasabuat sa salary deduction scheme at iniahanda na rin ang reklamo laban sa mga ito.
41:28Eto na ang mabibilis na balita.
41:33Arestado sa magkahihwilay ng operasyon sa Rizal ang dalawang akusado sa pangahalay umano sa dalawang minor de edad.
41:39Ang isang akusado inaresto sa kanyang bahay sa baras dahil sa panggagaha sa umano
41:43sa 11 taong gulang na biktimang kanya rin inaalagaan.
41:47Batay sa investigasyon, tinatakot ng akusado ang biktima na palalayasin siya kapag nagsumbong.
41:54Itinanggina akusado ang paratang.
41:56Maharap siya sa kasong statutory rape at rape by sexual assault.
42:00Sa anguno nadakit naman ang pulis siya ang isang pangakusado sa pangahalay sa isay ring minor de edad.
42:05Ang akusado, garja ng bata at itinuturing niyang lolo.
42:10Itinanggina akusado ang paratang at sinabing halik lang sa pisngi ang kanyang ginawa,
42:14hindi pangihipo at panggagaha sa.
42:17Maharap siya sa kasong statutory rape.
42:24Ang netizen sa reaksyon ng isang fur baby nang bigyan siya ng birthday surprise.
42:30Full of feelings daw kasi ang aso ng kantahan at bigyan ng birthday cake.
42:34Oh, pasin naman ang touching moment na yan.
42:40Happy birthday to Ashley!
42:44Ayan oh, pa-close up nga.
42:47Tila teary-eyed ang Aspen na si Ash ng kantahan.
42:51Happy birthday ng kanyang fur family sa Pandacan, Maynila.
42:54Mas na-fulfill nga rao kasi ni Ash ang moment na yan dahil bukod sa cake at birthday song,
42:59may birthday hat and shirt din siya.
43:02Pero wait, may plot twist.
43:04Hindi rao talaga para sa kanya ang celebration na yan,
43:07kundi sa isa pang aso na hindi makuhana ng video dahil makulit.
43:12Ang ganap na ganap na moment na yan ni Ash ay may mahigit 700,000 views na online.
43:18Aba Ash, ikaw ay...
43:20Trending!
43:22Ang cute naman ang aso niya.
43:24Hindi pala siya yung may birthday acting na acting siya.
43:27Sabi niya, wow, moment ko na to.
43:30At saka feeling ko dahil yung pagkakakanta,
43:33e, arf arf arf arf.
43:34Nagigets niya.
43:35May ganap arf arf.
43:37Totoo kaya yung app na yun?
43:39Mayroon may app na natranslate.
43:41Pero ang maganda dito, good vibes ito.
43:45At paalala, may feelings.
43:48Ang mga alaga natin.
43:50At dapat talagang tinuturin natin.
43:52At tunay naman, nakakapagpasaya naman kasi sila sa atin.
43:55Love, love, love.
43:56Part ng family.
43:57Happy birthday, Ash!
43:58Kahit hindi mo birthday.
43:59Happy birthday, Ash!
44:00Dito po ang Balitang Halid.
44:02Bahagi kami ng mas malaking mission.
44:04Ako po si Connie Cizon.
44:05Raffi Timo po.
44:06Kasama niyo rin po ako, Aubrey Carampero.
44:08Para sa mas malawak na paglalingkod sa bayan.
44:10Mula sa GMA Integrated Use,
44:12sa News Authority ng Pilipino.

Recommended