• yesterday
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Live from the GMA Network Center, this is your favorite program of the hour.
00:15Gian Rodrigo Roa Lutel.
00:19Magandang gabi po, Luzon Visayas at Mindanao.
00:31Nananatili sa hospital sa loob ng ICC Detention Center, si dating Pangulong Rodrigo Dutete.
00:38Pero maayos naman daw ang lagay, ayon sa anak niyang, si Vice President Sara Dutete.
00:43Nakikipag-usap na rin ng visa sa mga dayuang abogado para sa binubuo nilang All Foreign Defense Team ng dating Pangulo.
00:50Kasaludyan, ay bibitiw na rin sa Depensa, si dating Executive Secretary Salvador Medialdea.
00:57Ang latest sa Dahag, the Netherlands, tinututukan live ni Mary Zumali.
01:01Paris.
01:05Ma'am Emil, muli nga nakausap at bisita ni Vice President Sara Duterte at kanyang ama,
01:12si dating Pangulong Rodrigo Duterte, dito sa kanyang detention facility, dito sa Skeveningen Prison.
01:18At dito nga ay pinlanshan nila ang bubuo sa defense team ng kanyang ama.
01:24Pinuuwi na rin daw siya ng kanyang ama na nasa mabuti raw na kalagayan o kondisyon sa Malahotel daw niyang kulungan.
01:32Isang All Foreign Defense Team ang binubuo ngayon ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para magtanggol sa kanya sa International Criminal Court.
01:43Kinumpirma yan ni Vice President Sara Duterte na sya raw mismo ang nakikipag-usap sa mga foreign lawyers na may karanasan sa ICC.
01:50Naunan ang kinuha ng mga Duterte bilang lead counsel, ang British-Israeli lawyer Nicholas Kaufman,
01:56na naging abogado na rin sa ICC ni Jean-Pierre Bemba, dating Vice President ng Bansang Kongo na naharap noon sa kasong war crimes at crimes against humanity.
02:06Meron pa akong mga kakausapin ng mga lawyers, meron pa ang darating na isang abogado, i-interview ko siya para sumali sa team.
02:17Oras na maayos ang kanilang defense team, bibitiw na rao si dating Executive Secretary Salvador Medialdea na dinala sa ospital matapos sumama ang pakiramdam kahapon.
02:26And then once maayos na yung team for ICC, magwi-withdraw si Attorney Medialdea kasi meron lang limited ng mga slots for lawyers.
02:41And we want all the lawyers on board na merong ICC experience.
02:47Bukod kay Medialdea, hindi na rin bahagi ng defense team ang Vice Presidente na pinau-uwi na rao ng kanyang ama.
02:54Hindi na rin kasali si dating Presidential Spokesperson Attorney Harry Roque.
02:58Hindi pa kasi na-establish kung ano yung basis ng pag-stay niya dito sa Netherlands.
03:07And we don't want complications. We want him to focus on his asylum. And then we want our lawyers to focus on the case.
03:17Kung nais pa rin daw ni Roque na tumay yung abogado ng dating Pangulo, ay kailangan niya itong talakayin kay FPRRD.
03:24Hiningan namin ang reaction dito si Attorney Roque, pero no comment muna ang kanyang sinagot.
03:29Sabi pa ni Vice President Sara, maayos ang lagay ng ama na nasa hospital part pa rin daw na nanatili sa ngayon para ma-monitor ng mga doktor.
03:48Pero mataas daw ang moral ng ama, katunayan ay nakagawa na rao ng mga kaibigan sa loob ng kulungan.
03:53Sabi niya, wala din naman daw siyang ginagawa sa labas kasi hindi pa naman daw siya mayor so might as well tumiram daw muna siya sa loob.
04:01So may anu na po siya, parang routine na po siya.
04:03So he can still make it now, no?
04:05Is he enjoying?
04:07Oh, I have to tell you, he's charming. He's very friendly with people inside. So mayroon na silang banter e.
04:17And then he said that he doesn't regret anything that he did sa pagtatrabaho niya para sa bayan.
04:25At nakita naman daw ng bayan kung ano yung resulta ng kanyang servisyo para sa bayan.
04:33Para rao hotel ang kanyang tinutuluyan. Komportable at kontrolado ang temperatura, pero hindi lang makalaya.
04:40He's in very good spirits. Tinanong ko siya kung kamusta yung pagkain.
04:43Sabi niya, meron namang rice. And then tinanong ko siya kung paano yung ulam.
04:49Sabi niya, half-half daw. So hindi ko alam kung ano yung ibig sabihin ng half-half.
04:54Giniling ko yun.
04:56Pwede raw siyang padalhan ng sulat sa loob ng kulungan, pero ito ay sinusuri muna na matauhan ang detention facility.
05:03Bagaman hindi siya nahirapan sa pagbisita sa Amasa Detention Facility, mahigpit lang ang proseso niyang dinadaanan.
05:09Every time na kailangan ko pumunta doon para magpa-abot ng mensahe sa kanya,
05:15pinapasok ko siya online, sinasubmit ko, and then nagre-respond sila.
05:21And then siya yung nagsasabi yes or no.
05:24But apparently, ang rules nila dito ay, you on detainee ang magsasabi ng yes or no.
05:29You apply, and then he'll say yes or no.
05:31Sabi naman ang dating pangulo, huwag nang papuntahin ang pamilya sa dahig.
05:34Pinag-usapan namin sa loob ni Pangulong Duterte.
05:38Sabi niya kasi huwag na papuntahin dito yung mga kapatid ko.
05:42Kasi unmarried si President Duterte, so he's single.
05:46So ang next of kin niya is kaming mga anak.
05:49At sabi niya na huwag na pumunta dito dahil wala naman daw silang gagawin dito unless gusto daw nilang sumama doon.
05:57Kaugnay sa gaganaping rally rito sa the Netherlands sa March 23, at sa iba pang mga rally para suportahan siya.
06:04Nagpapasalamat daw ang dating pangulo, pero ayaw niya raw madisrupt o makaabala sa iba.
06:15Emil, kaugnay naman sa latest na kalagayan o kondisyon ni dating Executive Secretary Salvador Medialdea na itinakbo kahapon sa ospital.
06:22Kani-kani na lamang ay nakausap natin si Sen. Robin Padilla, nakabibisita lang din sa ospital at ayon sa kanya ay maayos naman daw ang kondisyon ng dating Executive Secretary.
06:36Siya ay nakakausap pero mukhang kakailanganin daw na manatili munang naka-confine sa ospital sa ngayon.
06:42At sinabi nito ni Sen. Robin Padilla na kahit na emergency na ito ang dating Executive Secretary ay iniisi pa rin niya paulit-ulit pa rin niya ibinibiliin ang mga kakailangan ng dating pangulo.
06:57Si Sen. Robin Padilla naman ay nag-aabang sa detention facility para hintayin kung ma-approve ba ngayong araw ang kanyang request na makabisita rin sa dating pangulo bilang isang political ally.
07:08At samantala inaabangan din natin dito si Atty. Nicholas Kaufman, ang lead counsel ng dating pangulo para alamin sa kanya kung ano yung latest na sitwasyon.
07:18Pero ayon din sa kanya, sa loob ng isang linggo ay mabubuo na ang defense team na kakatawan sa dating pangulo dito sa kanyang kinakaharap na reklamong Crimes Against Humanity sa International Criminal Court.
07:30So yan muna ang latest mula pa rin dito sa Dahig.
07:33Netherlands, balik sayo Emil.
07:35Maraming salamat Mariz Umali.
07:38Nagpaalala naman ng Malacanang kay Vice President Sara Duterte na dapat pa rin siyang magtrabaho bilang visa.
07:48Sinabi rin itong dapat paigtingin ang investigasyon sa confidential funds ng Office of the Vice President dahil sa mga bago at kakaibang pangalan ng mga nakatanggap ng pondo.
08:00Ang tugon ng visa sa pagtutok ni Yvonne Mayrina.
08:04Hanggang April 30 pa ang visa ng travel authority na ibinigay kay Vice President Sara Duterte ng Office of the President.
08:12Pero may paalala na ang Malacanang kay VP Sara.
08:15Kailangan din po siya ng Pilipinas bilang VC Presidente.
08:18Siya po dapat ay nagtatrabaho hindi lang para sa kanyang ama although na acceptable po at maiintindihan po natin sa ngayon ang kanyang nararamdaman.
08:28Pero tandaan niya po, sinasabi niya po, million na Pilipino ang bumoto sa kanya at kailangan din po niyang pagsilbihan ito."
08:37Sinabi ito ng Malacanang nang tanungin tungkol sa lumutang ng mga bagong pangalan.
08:41Nang umunay nakatanggap ng confidential funds ang OVP at kung may gagawing hakbang ang Malacanang para pasagutin ang visa tungkol sa mga ito.
08:47Si Jay Camote, si Miggy Mango, saka yung Dodong Gang, saka si Xiaomi 8. E talagang mga peking tao pa rin yung ginagamit ko na hanggang ngayon.
08:58Kung ito man po ay na-discovery po, siguro mas paigtingin pa po talaga ang pag-iimbestiga patungkol po dito.
09:08Bakit po? Kasi karapatan po ng taong bayan malaman kung saan po talaga ginagasta ang pera, ang pondo ng bayan."
09:16Sinusubukan namin kunin ang tugon ng vice-presidente tungkol sa pahayag ng Malacanang.
09:21Tungkol naman sa mga bagong pangalang lumutang kaugnay ng confidential funds. Sabi ni VP Sara,
09:25Kagabi sa isang talakayan na nilivestream sa social media. Sinabi ng nakababatang kapatid ng Vice na si Davao City Mayor Baste Duterte na pinagiinitan sila ng Administrasyo Marcos.
09:53Administrasyo Marcos.
10:10Kung tungkol sa pag-arestorawang tinutukoy ni Mayor Baste ayon sa palasyo, wala raw silang magagawa rito dahil ang dating pangulo pala ang may warant mula sa ICC.
10:19Magyang kakulangan na investigasyon at hindi pagsasampan ng mga kaso kaugnay ng mga umano'y libu-libong extrajudicial killing na nagtulak sa ICC para ipagpatuloy ang kanilang investigasyon.
10:28Bunga rin daw ng kawala na aksyon ng nakarang administrasyon.
10:32Walang sinisinggle out dito. Ang nangyari dito, yung mga kasong dito tungkol sa crimes against humanity, kagagawan din po ng kanyang ama na ibinibintang sa kanila.
10:45Patuloy na naninindigan ng palasyo na hindi nasaklaw ng kapangyarihan ng ICC ang Pilipinas mula nang kumalas ito noong 2019. Pero kinikilala naman ang jurisdiction nito sa mga kaso bago ang pagkalas.
10:56Hindi pa rin na pag-uusapan ang muling pagsapi sa ICC.
11:00Para sa GEMA Integrated News, Ivan Mayrina nakatutok 24 oras.
11:05Pinag-aaralan ni Sen. Bato de la Rosa na magtago sakaling ipa-aresto ng International Criminal Court.
11:11Tanong niya, kung wala nang makitang justisya sa bansa, eh bakit daw siya susuko?
11:16Nakatutok si Ma'am Gonzalez.
11:17Sakaling ipa-aresto ng International Criminal Court tulad ng nangyari kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, posibling magtago si Sen. Bato de la Rosa, kabilang yan sa pinag-aaralan niya.
11:48Pero nilinaw ng dating PNP chief na hindi siya manlalaban.
12:02Sa ngayon ay nasa Pilipinas paumano si de la Rosa.
12:05Kinuconsideran niyang magpakandong sa gusali ng Senado para hindi masilbihan ng warrant of arrest.
12:11Lalo't sinabi ni Sen. Chief Escudero na papayagan ito habang sinasagad niya ang legal remedies.
12:18Lalabas naman aniya siya kung paalisin na sa Senado.
12:20Masalamat ako sa ating Senate President na he's willing to protect me while I'm still a Senator of this Republic.
12:31Kaugnay naman ang pahayag niya noon na kusang susuko kung ipa-aresto ng ICC para maalagaan si dating Pangulong Duterte sa the Netherlands, ikinatuyuran niyang imposible na yan.
12:42At hirap makabisita kay Duterte kahit ang mga anak.
12:44Naglabas din si de la Rosa ng tampo kay National Security Advisor Eduardo Año na naging dating Duterte AFP Chief at Cabinet Member.
12:53Sinasabing isa si Año sa ilang may alam noon ng isinikretong pag-aresto kay Duterte.
12:58Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez nakatutok 24 oras.
13:16May patutsyada si Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile tungkol sa anyay Karma.
13:25Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Enrile na nakakaawa at nakakatakot, nakabalintunaan.
13:33Ang paghahanap ngayon ang ustisya ng mga taong nagsagawa noon ng di makatarungan at bayulenteng mga aksyon na ngayong desperado na.
13:42Nagsasagawa daw sila ng mga prayer rally para humingi ng tulong sa Diyos na dati nilang tinawag na stupid.
13:50Sinisisi nila ang lahat maliban sa kanilang mga sarili para sa mga problemang dabuo dahil sa kanilang pagnanasa,
13:59pagiging arugante, labis na kayabangan at pagkagahaman sa kapangyarihan at kayamanan.
14:05Maghahanap daw sila ng suporta at simpatya para makawala sa anyay legal trap na sila mismo ang may kagagawan.
14:15Hindi binanggit ni Enrile kung sino ang tinutukoy niya sa naturang post.
14:22Hinold up at tinakot paumanong babarili ng isang estudyante sa Taguig City.
14:27Bago siya nilakawalang cellphone, nagpasama parawang suspect at inangkasap siya sa motosiklo.
14:32Nahuli kami yan sa pagtutok ni Ian Cruz.
14:40Kung panonoorin lang sa CCTV, hindi mahalata basta ang umanoy hold up ang nagaganap sa kuhang ito sa barangay Kalzada, Taguig,
14:48bago mag-ala sa isang umaga.
14:50Nakaangkas ang estudyante ng lalaki sa motosiklo mula H. Sulit Street at kumaliwa sa A. Santo Street.
14:56Sa dulo nito ay huminto ang motosiklo ng mahigit isang minuto.
15:00Nakailang andar, gilid at buwelta pa ito bago ibinaba sa kanto ang estudyante.
15:07Naglakad pala yung estudyante pero sinusundan pa rin ng tingin habang kinakausap ng rider.
15:13Tila may isinuksok na cellphone sa bulsa ang rider at kaswal na umalis na.
15:18Nalinawan ang nasakuha sa kwento ng 12 anos na angkas, naramdampang takot ng makausap ko kasamang kanyang ina.
15:25Kwento niya, susunduin niya ang isang kaklase ng tanongin ng rider tungkol sa tatlong tao na nagkataong kilala niya.
15:44Sa kuha kung saan makikitang matagal silang nakahinto,
15:47ay hiniram ng lalaki ang kanyang cellphone para padalhan ang minsahe ang hinahanap umanong tao.
15:52Nagpaikot-ikot umano sila hanggang wala ng tao sa kanyang paligid.
15:57Nang ibaba naman siya, ay nag-iwan umano ng bantaang rider bago umalis nang hindi binabalik ang cellphone.
16:09Messenger ng biktima ang ginamit ng rider kaya nabasa pa ng biktima sa ibang gadget ang minsahe ng suspect para sa umano'y kakilala.
16:18Sa minsahe niya, nagpakilalang Jason na taga-romantic ang suspect.
16:24Ayon sa kanyang ina, first time nagdala ng cellphone ng anak dahil sa isang open exam kung saan pinapayagang mag-cellphone.
16:31Takot na takotan niya ang anak dahil sa sinabi sa kanya.
16:40Nakipagtulungan ang mag-ina sa barangay Kalzada para matunto ng suspect.
16:48Sinamahan din ang barangay ang mag-ina para formal na makapagreklamo sa taging polis.
16:55Ang kapal naman ng mukha mo, tsaka kung may konsensya kapag pakibalik yung cellphone, 2 days pa lang nahawakan ng anak ko yun.
17:02Kung sa bagay, kung hindi mo man yun ibalik, hindi mo rin magagamit yun dahil ipapablak namin.
17:07Para sa GMA Integrated News, Ian Cruz na Katutok, 24 Horas.
17:11Walang takas, kahit nagtagor ito sa Pilipinas.
17:15Ang Amerikanong Pugante ng Miembro Manok ng isang gang at kasabuat ng big-time na drug cartel.
17:22Nakatutok si John Consulta.
17:25Exclusion!
17:31Pagdikit ng sasakyan ng mga ahente sa kanilang high priority target,
17:35kumilos na ang arresting team ng Bureau of Invasion Fugitive Search Unit.
17:46You have your passport with you?
17:48Okay, just cooperate, okay? We're agents of Bureau of Immigration Fugitive Search Unit.
17:52Di na nakapalag ang 50 anos na U.S. Fugitive na nahuli sa Pulanggi, Albay,
17:57kung saan ito nagtago pagdating niya sa Pilipinas galing Amerika.
18:00Agad tayong nagbuo ng tracker team upang siya ay hanabin.
18:04Napansin natin na medyo mailap itong subject kasi noong unang surveillance natin ay nakuha niya pang lumipat ng bahay.
18:12Ayon sa BIFSU, may warrant of arrest sa U.S. ang Amerikanong fugante
18:17dahil sa pagkakapasok ng droga sa Amerika kasabuat ang Sinaloa Drug Cartel.
18:22Pinasabing siya ay membro nitong Devil's Disciples Gang na kung saan siya ay nagdi-distribute ng methamphetamine at heroin sa kanyang area,
18:33kung saan ang source niya ay ang Sinaloa Drug Cartel.
18:37Bukod sa pagsmuggle ng droga,
18:40Collector umano ng gang ang inarestong U.S. National na gumagamit ng karahasan sa mga di nakakapagbayad sa kanilang criminal group.
18:47Sa ngayon ay alamin natin kung may kinasasangkutan siya dito,
18:51mga local na krimen or may involvement siya sa drug trafficking dito sa atin bago natin siya mapa-deport pabalik ng U.S.
19:00Sinusubukan pa namin kunin ang panig ng dayuang fugante.
19:03Nagsasagawa na ng backtracking operations ang B.I. Vigilance Search Unit sa mga lugar na pinuntahan ng dayuang Amerikano dito sa Pilipinas
19:10para malaman kung may kasabuat itong Pilipino sa kanyang pagatago.
19:14Para sa GMA Telegrity News, John Consulta, Nakatutok, 24 Hora.
19:19Magkakasa ng tatlong araw na transport strike ang grupong Manivela.
19:25Ayon kay Manivela Chairperson Mar Valbuena,
19:27Sisimula ng three-day nationwide strike sa lunes, March 24, hanggang miyerkules, March 26.
19:33Ang tigil pasada ay bilang panawagan daw kay Transportation Secretary Vince Dizon,
19:38na si Bakil, among opisyal ng LCFRB, kabilang ang chairman itong si Teofilo Guadis.
19:44Ani Valbuena, nagsinungaling ang LCFRB nang sabihin itong 86% na ng operators at drivers
19:50ang nag-consolidate para sa POV modernization program.
19:53Dahil dito, marami an niya ang hindi nakapagparegistro o kaya'y hinuhuli at itinuturing na iligal.
20:01Ang DOTR naman, makikipag-undayan daw sa transport groups.
20:04Ape lang nila, magkaroon ng dialogo sa kalip na transport strike.
20:08Sa kapilan yan, magkakanda raw ang gobyerno para masigurong hindi maapektuhan ang mga commuter.
20:14Sinusubukan pa namin makuha ang panig ni LCFRB Chair, Guadis.
20:23Chika Minute na mga kapuso!
20:26At first time na maghahatid ng latest sa showbiz happenings ngayong gabi,
20:31si sparkle artist at former NCAA courtside reporter, Hannah Aguelez.
20:37Hannah?
20:39Thank you, Ms. Mel, at happy midweek chikaan mga kapuso!
20:44Bittersweet ang nararamdaman ng cast ng My Ilongga Girl sa huling dalawang gabi ng serie.
20:49Bukod sa mga naghihintay pang revelations, may pakilik ding aabangan ng mga manonood mula sa mga bidang
20:57si Najellian Ward at Michael Sager.
20:59Makicika kay Larson Tiago!
21:20Mabibisto na bang dinaya ang DNA test?
21:27O mapapahamak lang lalo si Tata?
21:31Sa huling dalawang gabi ng My Ilongga Girl, bittersweet ang nararamdaman ng cast.
21:37Ang mga bidang si Najellian Ward at Michael Sager marami raw mamimiss sa isa't-isa,
21:44lalot naging sobrang close sila habang ginagawa ang series.
21:49Si Michael, yung pagiging sobrang caring niya.
21:53Actually, he's very, very sweet.
21:56Super gentleman po siya.
21:59Again, every morning, he would get me my favorite drink, may gusto kong food.
22:06Kahit pagbaba ako ng stairs, nakaalalay siya yung mga ganun pong mga bagay.
22:10So, sobrang na-appreciate ko yun.
22:12Ako naman siguro mamimiss ko ang alagaan ka and being with you kasi iba yung energy na binibigay mo sa akin
22:19being in this type of environment, this working setting.
22:22Masaya ako and masaya talaga ako nakapartner kita.
22:25Mamimiss ko yung kakulitan natin and of course, yung mga moments ko on set na very fun lang.
22:32At hindi siyempre matatapos ang kilig ng mga manunood dahil sa huling gabi,
22:38may pakilig pa rin si Natata at Frances.
22:42So, nakakatuwa po na na-experience ko siya.
22:44And ayun, habang tinitake namin yung eksena yun, na walang talaga kami nang tawa.
22:49So, unforgettable siya for me.
22:51Iba pala yung feeling nun, siguro kahit hindi totoo.
22:53I mean, yung nararamdaman was something very special and I wanted to show it in this eksena.
22:58And kami ni Jill were both very young, kaya na-experience namin yun was fun.
23:02Hindi mapapanood ni Michael ang pagtatapos ng My Ilonggo Girl dahil nasa loob siya ng bahay ni Kuya.
23:10Kaya naman nagbigay na ng mensahe para sa kanya si Jill.
23:15I pray na maging smooth lahat sa loob ng bahay ni Kuya.
23:21I think dun sa house ni Kuya makikita po ng mga tao din kung gano rin talaga ka-genuine si Michael and that he's actually really nice.
23:30At para sa mga manunood na natutuhan ng mahalin si Natata, Frances at ang mga karakter sa My Ilonggo Girl,
23:38huwag malungkot dahil may sorpresa sa inyo ang GMA.
23:44Maglalabas ng Director's Cut ang serie online.
23:49LAR Santiago updated sa Showbiz Happening!

Recommended