• last month
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Puro natural, walang halong kemikal, yan ang nabuong solusyon ng UPLB biotech researchers
00:17para labanan.
00:18Ang itinuturing na isa sa pinakamalubang teste na dahilan ng pagkalanta ng mga tanim tulad
00:24ng kamatis.
00:25Tara, let's change the game!
00:32Staple na sapag natin mga Pilipino, mapaulaman o sausawan ang kamatis.
00:37Kaya no surprise na isa ang Pilipinas sa top producer nito sa Asia Pacific, matapos mag-ani
00:43ng 7 billion pesos worth of tomatoes noong 2023.
00:47At para mapalakas pa ang industriyang ito, pinundohan ng DOST PCARD ang research and
00:53development ng isang biopesticide na kayang labanan ang Fusarium wilt, isang uri ng fungi
00:59na kayang pumutahin ng mga tanim tulad ng talong, sili, and yes, kamatis.
01:05Fusarium ay isa sa pinakamalubang peste na nararanasan na ating magsasakaan.
01:13Soil form pathogen yan, so nasa lupa, kaya mahirap kontrolin.
01:21Headed by Dr. Yuppie Marforey ng UPLB Biotech, nabuo ang Wilt Cure.
01:26Imbis na gumamit ng kemikal, organic na paraan at walang synthetic compounds ang ginamit
01:31sa pagbuo nito, kaya mas ligtas para sa mga magsasaka, pati na sa kalikasan.
01:37Yung kombinasyon ng plant callus at saka amag or fungus, pag pinagsama sila, may kakayahan
01:45sila na magproduce ng bioactive compounds.
01:47Pagkakapuso sa paggawaan netong Wilt Cure, magkukulchure muna tayo ng fungi dito sa corn
01:53grits for 10 days para tumami sya.
01:59Pagkatapos ikulchure at patuyuin, pupulbusin na ito at ready na i-formulate para maging Wilt
02:05Cure powder.
02:06Para i-apply itong Wilt Cure, ganito lang yung gagawin natin.
02:09Halawin natin, kukuha tayo ng kaunting seed, i-coat natin sya.
02:13Pwede niyo siyang ibabad ng mga limang minuto, kung may oras naman kayo, pwedeng over.
02:20At goods ng itanim, sa isinagawang field testing, dumabas na mas mababa ang tinamaan ng fosarium
02:26wilt sa mga pananim na nalagyan ng Wilt Cure, kumpara sa wala at ginamita ng chemical pesticide.
02:32Kaya mas mataas din ang kita.
02:35Nagwagay ang Wilt Cure ng silver medal sa nagdaang World Invent Singapore.
02:39O yan mga kapuso, isang safe, effective, at abot kayang biopesticide para sa mga magsasaka natin.
02:46All thanks to the hard work ng mga researchers dito sa Biotech UPLB.
02:50Para sa GMA Integrated News, ako si Martin Avier, changing the game!
02:56May ipinaabot na mensahe si dating Pangulong Rodrigo Duterte kay Pangulong Bongbong Marcos.
03:03In this coming election, I hope that the President, kung marinig niya ako,
03:09bigyan nila tayo ng, sabi ko, a fair shake of patas ng anlaban.
03:20Wala lang, he will not allow,
03:24kagaya ko noon, ang prangkaprangga ako sa mga tao,
03:28tayo,
03:32na huwag kayong pumasok sa takutan o kayong survival.
03:40Let us keep moving on.
03:42Sinabi yan ang dating Pangulo sa National Coordination Meeting ng Partido Demokratiko Pilipino o PDP laban sa Davao City.
03:48May git isang linggo bagong simulan ng pangangampanya para sa election 2025,
03:53dinalukan ang mga senatorial aspirant ng partido ang naturang pagditipun.
03:58Wala pang pahayag ang Pangulo kaugnay sa sinabi ni Duterte.
04:03Nagbigay suporta naman si Pangulong Bongbong Marcos sa mga kandidato ng Partido Federal ng Pilipinas.
04:11Nagbigay siya ng talumpati sa leader summit ng partido kanina
04:15na huli na round nila ang malawakang pagpupulong bagong magsimula ang kampanya para sa election 2025.
04:23Naroon sa summit ang mga kandidato ng partido.
04:26Sabi ng Pangulo, ang nice daw niyang maging resulta sa Senado ay 12-0.
04:33Ngayong Saban na na po magaganap ang kauna-unahang tapatan ng mga senatorial aspirant sa election 2025.
04:41Haharap sa diretsyahan at mabibigat na katanungan ang labing dalawang mga senatorial aspirant
04:48na kumasa sa Tanong ng Bayan, the GMA Senatorial Face-Off 2025.
04:53Nakatutok si Ian Cruz.
05:02The government that you are trying to overthrow is the same government or establishment that you are trying to join now.
05:09Mabibigat na Tanong ng Bayan.
05:11Ano po ang inyong reaksyon sa mga natuklasan umano ng Quadcom at sa rekomendasyon na kasuhan po kayo?
05:18Ano niyong sasagutin ang mga nagsasabing, isa po kayong political butterfly?
05:22Ito ang isa-isang sinagot sa kauna-unahang paghaharap ng mga senatorial aspirant ngayong election 2025.
05:31Sa Tanong ng Bayan, the GMA Senatorial Face-Off 2025.
05:37May 30 sa mga nangungunang senatorial aspirant base sa Pulse Asia at Estudios Surveys na inilabas noong December 2024
05:46ang inimbitahan ng programa.
05:48May mga tumangi, may mga walang tugon, at may ilang umatras.
05:53Sa huli, labindalawang senatorial aspirant ang kumasa sa Hamon para harapin ang mga tanong ng bayan
06:01upang makilala at makilati sa mga votante ang kanila mga plataforma at kakayahan para sa matalinong pagvoto sa eleksyon 2025.
06:12Ang harapan na ito, pangungunahan ng pinaka-premiyadong broadcast journalist ng bansa na si Jessica Soho
06:20kasama ang panel ng mga batikang mga pamamahayag ng GMA Integrated News at GMA Public Affairs,
06:27sina Vicky Morales, Emil Sumangil, Pia Arcangel, at Cara David.
06:33Pwede po bang pakilinaw, tatanggap po ba talaga kayo ng fourth barrel o hindi?
06:38Ano po ang magiging ambag ng isang walang karanasan sa politika pagdating niya sa Senado?
06:44Mapapanood na yan sa darating na Sabado, February 1, 9pm sa GMA.
06:50Simulcast sa GMA Pinoy TV at Super Radio DZBB at may livestream sa YouTube channels
06:58at social media platforms ng GMA Integrated News at GMA Public Affairs.
07:04Ito ang tanong ng bayan, the GMA Senatorial Face-Off 2025.
07:12Para sa GMA Integrated News, Ian Cruz na Katuto, 24 oras.
07:20Magandang gabi mga kapuso. Ako po ang inyong Kuya Kim na magbibigay sa inyo ng trivia sa likod ng mga trending na balita.
07:25Isa rin ba kayo sa mga na-challenge sa mabuo ang puzzle na ito? Ang Rubik's Cube.
07:30Ang nakakilala naming estudyante sa Negros Occidental, minamani lang ang pagsod nito.
07:35Kaya pangayam buuin nito kahit nakapiring ang kanyang mga bata.
07:39Magkanda hilo-hilo ng lahat sa pag-solve sa puzzle cube na ito. Ang Rubik's Cube.
07:45Pero hindi ang pinatang ito. Kahit kasi nakapiring ang kanyang mga mata, abay game na game siya.
07:52Siya ang second year college student na si Gabriel mula bago si team Negros Occidental.
07:55Siyan na taon lang daw si Gabriel na mahubaling sa paglalaro ng Rubik's Cube.
07:59Ang Rubik's Cube kasi is entertaining especially sa bawat solve mo is different cases at hindi siya paulit-ulit.
08:063x3 Rubik's Cube, ang pinakamabilis ko na official time is 9.13 seconds.
08:11Hanggang sa ang kanyang simpleng mibangan, kanya raw seryoso.
08:15Nagsimula siyang sumali sa mga speedcubing competition.
08:18I take it seriously lang since senior high school.
08:21At ang isa raw sa pinakamalaking laban ni Gabriel, naganap nito lang January 4.
08:24Isang national competition na ginanap sa Bacolod kung saan nakatapat niya ang ilan sa pinakamagaling sa bansa.
08:29Ang kanyang kategorya, 5x5x5 cube blindfolded.
08:33Talagang pinaghahandaan and it requires a lot of practice and time and effort.
08:38Sa huli, si Gabriel hindi lang nagkampiyon, nagtala pa siya ng national record
08:42nang basolve niya ang 5x5x5 na cube na nakapiring sa loob lang ng 18 minutes at 39 seconds.
08:47It doesn't feel real na ako ay matatawag na na national record holder.
08:52My goal is to defend my national record.
08:54Ikaw, kayo mo bang kumasa sa cube puzzle na to?
08:57Kuya Kim, ano na?
09:00Ang Rubik's Cube ay isang 3D puzzle na inimbento ng Hungarian architecture professor na si Erno Rubik noong 1974.
09:06Una niya itong tinawag na Magic Cube.
09:08Pero dahil pumatok ito sa Hungary, kalaunan pinalitan nila ang pangalan nito sa pangalan nito ngayon
09:12bilang pagkilala sa husay ng inventor nito.
09:14Ang kauna-una Rubik's Cube World Championship naman.
09:16Ginanap sa Hungary taong 1982.
09:18Ang tinanghal na kampiyon, isang estudyante mula Amerika na nasolve ang puzzle sa loob lamang ng 22.95 seconds.
09:24Ngayon, marami ng iba't ibang klase ng Rubik's Cube na pwedeng isolve.
09:28Kabilang ng isang ito na talaga namang record-breaking sa laki.
09:33Anibersaryo ng isang learning hub sa Dubai noon 2023, binuun nila ito.
09:37Isang 3x3 na Rubik's Cube.
09:39Ang natunang Rubik's Cube binuun mo ng 21 fiberglass cubes.
09:42Bawat cube, halos isang metro ang taas.
09:45Kaya ang 3x3x3 meter na art installation na tinatayang magigit 300 kilos ang bigat,
09:51ang nakasungkit ng Guinness World Record para sa pinakamalaking rotating puzzle cube sa buong mundo.
09:56Sabadala para malaman ang tiliwan sa likod ng final na balita,
09:59i-post or i-comment lang, hashtag Kuya Kim Ano Na.
10:02Laging tandaan, ki-importante ang may alam.
10:04Ako po si Kuya Kim at sagot ko kayo 24 oras.
10:08Sinalakay ng mga otoridad ang opisina ng mga online lending app
10:12na inireklamo dagal sa umunoy pangakaras at pagbabanta sa kadalang mga customer.
10:17Inaalam din kung konektado ang mga ito sa Fogo.
10:20Nakatutok si Marisol Abduraman.
10:27Pinasok ng NBI at PAOC ang tanggapan na ito sa Makati kaninang hapon.
10:33Ang lugar ay habumanon ng mga nagpapatakbo ng mga online lending apps.
10:45Nagulat ang mga tauhan ng kumpanya.
10:47Merong pangamanga na himatay na empleyado.
10:50Ni-raid ang nasabing lugar.
10:52Matapos umanong makatanggap ng reklamo ang NBI at PAOC
10:55sa matindi at malalapang panghaharas na ginagawa ng mga tauhan ito.
11:20Isa sa mga online na biktima ang mga ito si Alyas Kikay
11:24na hindi nanggawas-abas sa harassment ang dinanas.
11:40Ayon sa mga otoridad, naiinganyo ang ilan na mangutang
11:43dahil sa bilis daw ng proseso.
11:45Ito'y sa kabila ng 35% umanong interes kada linggo sa inutang na pera.
12:15Ito ang pinaniniwalaan working station ng mga online lending application na ni-raid ng NBI at PAOC.
12:25Inambutan ng ilan sa kanila, actually lahat sila,
12:28na ongoing pa ang transaksyon sa mga pinaniniwalaan nilang mga kliyente.
12:33Nakita sa kanila mga desktop ang mga informasyon na mga may loans sa kanila.
12:38Meron ding tele-script na ginagamit nila sa pangingganyo para umutang
12:41at para sa mga paniningin ng utang.
12:45Walang nanatnaan ang mga otoridad na may-arin ng online lending app company,
12:49pero itinanggi ng ilang tauha na nakausap namin kanina ang aligasyon ng harassment.
13:15Q. So kapag hindi nangbabayad ay nangaharas kayo?
13:18A. Hindi po.
13:21Sa SEC Circular 2019-18, nakalatag ang mga pinagbabawal na debt collection practice
13:27tulad ng mga pagmumura, pagbabanta at pagsasapubliko ng informasyon.
13:32Sasampahan ang patong-patong na reklamo,
13:35kabilang na ang harassment and grave threat ang mga nahuling customer agent.
13:39Violation po ng Data Privacy Act, unauthorized processing of personal information.
13:45Tapos may violation din ng RA-10175, yung mga cyber libel.
13:54Yung sisiraan ka dun sa mga kakilala mo.
13:58Patuli namang iniimbestigahan ng PAOK at NBI ang connection ng mga OLAS sa POGO.
14:04May possibility na iyong ibang mga dating nag-cooperate ng POGO is nagswitch na sa ganitong loan scamming.
14:11May mga nahuli na kasi tayo before na ang nagpapatakbo mga Chinese nationals.
14:16Yung mga una naming na-check, mga grupo rin sila ng mga magpopogo.
14:21Ayaw lang, ito kasi mas tago sila dito.
14:24Para sa GMA Integrated News, Marisol Abduraman, nakatuto 24 oras.
14:33Tumukon din ang mga sumbong laban sa mga mapang-abusong online lending apps sa Recibo.
14:38Walang lusot ang may atraso.
14:40Abangan po iyan tuwing linggo, ala 5 ng hapon, bagong 24 oras weekend.
14:45Nasa mahigit 6,000 ang tinatayang mabibigyan ng trabaho sa inilunsan ngayong malapihang job fair sa Maynila.
14:52Inilaan yan para sa mga miyembro ng Pantawid Pilipino Program of 4Ps, lalo na yung mga fresh graduate.
15:00At nakatutok si Darling Kai.
15:04Maghahapong may pila sa labas ng Rizal Memorial Coliseum sa Maynila ngayong araw
15:08dahil sa job fair ng pamahalaan para sa mga binipisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program of 4Ps.
15:1412,000 4Ps beneficiaries ang pumunta rito, kaya paunti-unti lang ang pinapapasok.
15:19Isa sa kanila ang high school graduate na si Jesus, na halos dalawang taon ng walang trabaho matapos mabalian sa isang aksidente sa motor.
15:27May harap po.
15:29Dahil?
15:30Dahil po may diperensya na sa paan.
15:33Maging ang 23 taong gulang na si Erica, hirap maghanap ng trabaho kahit college graduate at nasa maayos na kalusugan.
15:40Napaka-reality po na experience po talaga yung hinahanap.
15:44Puris si Guido raw makatulong sa pamilya kahit nakatatanggap siya ng ayuda mula 4Ps.
15:48Ang hirap po talaga. Kaya kinanap ko na rin po yung opportunity na to.
15:52Hirap din maghanap ng trabaho ang senior high graduate na si Charbaine kahit isa sa layunin ng K-12 program ang maging employable ang mga graduate nito.
16:00Mag-iipon po muna ako tapos mag-aaral po ulit.
16:03Mahigit 6,000 raw yung magkakaroon ng trabaho dito sa Dole Job Fair ngayong araw.
16:09Hindi kailangang nakapagtapos yung pag-aaral basta na sa legal age at hindi na kailangang magdala ng kahit ano
16:15dahil meron daw silang crediting services para sa kanilang bio-data at ID pictures.
16:20Mahigit 70 employer ang lumahog sa job fair kabilang ang mga kumpanya ng IT man, power services, wholesale and retail at restaurants.
16:28Hired on the spot bilang tagak carwash ang 57 taong gulang ng si Anginef.
16:33Masaya po ako kasi makakatulong na sa pamilya at sa apokong nag-aaral.
16:38Sabi ng DSWD, ito raw ang kauna-unahang job fair na inorganisa para lang sa 4Ps beneficiaries.
16:45Para masigurado na yung mga 4Ps graduates natin o yung mga beneficiaryo na maaring lumabas na sa programa,
16:52e patuloy na masubaybayan ang inyong mga pangangailangan.
16:56Sa datos ng Philippine Statistics Authority o PSA, 1.66 million na Pilipino ang walang trabaho,
17:025.35 million ang underemployed o mga mga gawang nais ng karagdagang trabaho o ora sa trabaho.
17:08Para sa GMA Integrated News, Darlene Cai, Nakatutok, 24 Horas.
17:16Be healthier and stronger this 2025!
17:20Yan ang goal ni Kylie Padilla na marami raw self-discovery ngayong 32 years old na siya.
17:26Biggest motivation nga raw niya, ang dalawang kids kahit pa magiging busy dahil sa bagong project.
17:31Makitsika kay Aubrey Carampel!
17:37Blooming in gold si Kylie Padilla sa kanyang photo and vlog shoot para sa isang endorsement campaign.
17:43Kapansin-pansin na mas fit ngayon si Kylie at ngayong 2025, priority raw niya ang maging strong and healthy.
17:51Regular siyang nag-workout at importante rin daw ang pagkain ng balanced meal.
17:57Motivation niya ang kanyang mga anak na sina Alas and Axel.
18:01I wanna be healthier and stronger for the kids kasi siyempre haba pa ng buhay nila.
18:05Kailangan ako din! Diba? Oo.
18:07Tsaka ini-imagine ko pa yung pag nagka-anak na sila, siyempre kailangan malakas pa rin ako bilang lola.
18:12Mas nade-discover ko yung sarili ko and I'm more comfortable.
18:15Totoo pala yun na pag nag-30 ka na wala ka ng paki dun sa mga maliliit na bagay.
18:19You find yourself more in your 30s and you're more, parang mas in-own mo na yung sarili mo when you're 30.
18:27Kylie just turned 32 last January 25.
18:31Nakaroon siya ng intimate celebration with the family, organized by her papa, Senator Robin Padilla, and wife Marielle.
18:39Siguro ano kasama na rin sa age ko na ito na gusto ko simpti na lang yung birthday ko and kasama ko yung family ko.
18:45Especially si Mama Eva.
18:48And to embrace another year and also to welcome the Lunar New Year,
18:53nag-photoshoot si Kylie na ang concept ay Year of the Snake.
18:57Kasi yung unang pasok sa akin ng Year of the Snake, may nagsabi lang na,
19:01o Year of the Snake, mag-ingat sa mga ahas.
19:03Parang sabi ko, ang negative naman.
19:05Negative mga ibig sabihin ng Snake, transformation into a new you.
19:09Parang yun yung gusto kong sabihin sa mga picture na yun.
19:14Pagkatapos naman ang paginap niya as Hannah sa asawa ng asawa ko, may pinag-ahandaan daw si Kylie na bagong serye.
19:22I'm really grateful.
19:24Kasi, syempre, ang babae after mga anak nag-aalala kayo eh.
19:29Baka, di ba, I'm past the, ano.
19:32But, you know, GMA is very kind to me and they trust me.
19:35So, I'm really grateful.
19:45At yan ang mga balita ngayong biyernes.
19:47Ako po si Mel Tianko.
19:48At kanoon po si Vicky Morales para sa mas malaking misyon.
19:51Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
19:53Ako po si Emil Sumangil.
19:56Mula sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Pilipino.
20:00Nakatuto kami, 24 oras.

Recommended