Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 10/4/2024
Panayam kay Chairperson Jennifer Sibug-Las ng National Commission on Indigenous Peoples ukol sa mga programa para sa pagpapatibay ng mga karapatan ng indigenous peoples

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:30 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Celebration ng National Indigenous Peoples Month ngayong taon at ang 27th IPRA commemoration.
00:07Ating pag-uusapan kasama si Jennifer Sibuglas, ang Chairperson ng National Commission on Indigenous Peoples or NCIP.
00:16Magandang tanghali po sa inyo, Ma'am.
00:18Magandang tanghali po, Asa Queng at Ma'am Nina.
00:22At isang bagong Pilipinas at makabuluhang pagdiriwang ng buwan ng mga katutubo at 27th commemoration of the Indigenous Peoples' Rights Act.
00:32Opo, ang ganda nga po ng suot niyo.
00:35Ang ganda-ganda po.
00:37Ano pong paki-explain nga po kung anong ibig sabihin noong outfit natin?
00:41Thank you, Ma'am Nina.
00:42Last time na nag-guest din po ako dito sa inyo, naitanong niyo rin po yung suot ko that time.
00:47But it was from the Tivoli community from Lake Cebu.
00:51Now I'm wearing po yung katutubong kasuotan ng ating mga Manobo ata from Talaingon po.
00:57Ah, iba naman ano.
00:59Opo.
01:00Opo.
01:01Ang ganda-ganda po.
01:02Ito po yung regala rin po nila by Pilar Libayo, yung community leaders po ng tribong atamanobo.
01:08Atamanobo.
01:09Hello po sa kanilang lahat may uddo sa inyong tanangliha.
01:12Pwede po ba kasi sa mga trade fair nakakita kami ng mga ganyan?
01:17So pwede po bang magsuot kahit sino?
01:19O meron lang particular na design na pwedeng isuot ng katulad namin?
01:23Kanyari, o ng mga ordinaryong mamamayan?
01:26O meron kasi para sa mga bay, katulad ninyo po?
01:30Gusto ko lang din ibahagi na part also of our celebration, especially on the last week of October,
01:37yung ating IPS Summit, kung saan magsasama-sama yung mga ibang leaders natin,
01:42culture bearers coming from different communities,
01:45na pag-usapan po ano ba yung tamang pagsuot ng mga traditional nakasuotan ng mga katutubong pamayanan?
01:51At the same time din po, yung sino po ba ang pwede po gumamit?
01:56Dahil meron po tayong sinasabi na mga kasuotan na hindi po maaring gamitin sa makabagong mundo,
02:04na napakasagrado po na dapat tuwing may ritual lang po ginagamit,
02:09at ayaw rin po natin na magamit din po, lalong-lalo na dun sa mga ginagamit po na Halloween.
02:17This is not a costume, it's really a traditional attire, it's an indigenous clothing,
02:24na huwag naman sana po natin tawagin costume, kasi hindi po itong costume.
02:29It's something that you wear normally, parang normal lang po sa inyo, yung paggamit ng ganitong dami.
02:38Pero minsan sa mga linggo ng wika, pinapagsuot po yung mga bata, or sa school,
02:45well they call it costumes, but it shouldn't be.
02:49Sabihin na lang nating traditional attire would probably be more appropriate.
02:53Ako I'm also proudly wearing our handwoven inabel weave from Ilocos Norte naman.
02:59So ito yung tawag nila binakul.
03:01Supposedly it's supposed to ward off the evil spirits.
03:04Isa yan sa mga meanings niya among others.
03:08Kaya parang medyo nakakalito pag tinitingnan mo siya.
03:11Pero actually ano siya geometric pattern and it's perfectly, parang perfect yung combination niya.
03:17Medyo nakakalito lang, pero yun ang kanyang effects.
03:21Nag-explain din talaga ako.
03:23Ngayong buwan ng Oktubre po, ipinagdiriwang natin ang National Indigenous Peoples Month.
03:30Ano po ang layunin nito at ano po ang tema na nga celebration sa taong ito?
03:36Ma'am Nina Ezequiel, ang tema po natin sa taong ito ay ang mga katutubo at katutubong dunong
03:44pangalagaan, pahalagahan, at parangalan.
03:47Ang pagdiriwang kasi ng IPRA month, ng IPRA commemoration,
03:55ay nakaangkla po dun sa proclamation 1906 ng dating pangulong GMA, Gloria Macapagal-Arroyo,
04:03kung saan ay nilalayon nito na taasan ang kamalayan, kamulatan, at kaalaman ng publiko
04:09patungkol sa mga katutubong pamayanan, at yung mga kultura, tradisyon, kaugalian,
04:16at kasanayan, at mga institusyon na dapat po malaman ng publiko at maintindihan po
04:23ngayong sa ngayon, sa makabagong mundo, ay nananatiling nakaukit pa rin ito sa ating mga katutubong pamayanan.
04:32Ma'am, maari niyo po bang ibahagi sa amin ng ilan sa mga naging kaganapan sa opening
04:37ng National Indigenous Peoples Month ngayong taon?
04:40Bilang panimula at pagbukas po ng IP month natin,
04:45tayo po ay nagpamahalas ng iba't ibang uri po ng katutubong lutuin.
04:54At dito po natin nakikita na ang indigenous cuisine po ng ating mga katutubong Pilipino
05:00ay may kakaiba at natatanging sangkap pagdating po sa mga butahe na inaahahanda
05:06tuwing meron pong mga ritual o celebration sa ating mga katutubong pamayanan
05:11na napakamahalaga po sa kanila na kailangan ipagdiriwang.
05:16Ano po yung mga example o mga pagkain na sinasabi ninyo?
05:19Kasi nung pumunta kami sa Lake Cebu, meron silang yung manok na iniluto sa loob ng kawayan.
05:26Well, sa amin naman, sa Ubu Manobo, and I think it's similar and very common to a lot of communities all over the country
05:36kung saan yung aming mga butahe ay niluluto talaga sa loob ng kawayan.
05:41At yung iba naman sa dahon po niluluto.
05:44So, ang tawag po sa amin yan is nilutlot.
05:47Yung parang pinapasok.
05:50Nandoon na rin yung kanin.
05:51Yung kanin, meron po rin mga niluluto sa kawayan,
05:56pero meron din yung mga kanin na niluluto po na gamit po yung dahon lamang po.
06:01Ang sarap. Wala ba dito sa Manila niya na pwede naming matitmahin?
06:06Baka pwede rin. At the end of the month pag dumating yung mga culture barriers.
06:11Sano po makabisita kayo sa NCIP. Malapit lang kami. Nandiyan lang kami sa Quezon Avenue.
06:17Papuntahan namin kayo, ma'am. Totoo yan.
06:19Opo, sige po. Para makapaghanda po kami. Isa, kumihangyat po kami.
06:23So, ano po yung mga ahensya ng pamahalaan at pribadong sektor
06:28ang naging kasama po dito sa NCIP sa paghahanda dito nga IP sa month ngayong taon?
06:36Marami po talagang kaakibat at katuwang ang ating Pambansang Komisyon ng Katutubong Pilipino
06:43or NCIP sa pagdiriwang ng IP month or ng IPRA commemoration.
06:49Kasama natin diyan ang DILG, ang DSWD, ang PSA, ang ating National Human Rights Commission
06:58at iba-iba pang ahensya. Nabanggit ka na ba yung PSA?
07:03Maraming pa pong ahensya talaga na nakiisa, nakikisama at nakikisaya sa ating programa.
07:09Meron din kami mga pribadong mga kumpanya kagaya po ng Sogo Cares.
07:16Meron po kaming MOU signing ngayong October 18 po.
07:20So ma'am, sa mga susunod na araw ngayong October, ano po yung mga activities na inyong pinaghahandaan
07:25na maari pang masaksihan at madaluhan natin mga kababayan na nais makisaya sa inyong selebrasyon?
07:31Marami po talagang ganap, palatuntunan at kaganapan na mangyayari.
07:36Hindi lamang po dito sa Metro Manila, kundi po sa iba't-ibang rehyon dito sa ating bansa.
07:43Meron pa po tayong serbisyo karavan ng mga IPs, multi-stakeholder symposium, sports festival,
07:51Araw ng mga Kawani, IP Summit 2024, photo exhibit sa SM City Grand Central, Caloocan City,
07:59outreach program na mangyayari po sa ating mga ITA communities diyan sa Makiling at Milagrosa sa Laguna.
08:07At meron din tayong ginagawa rin po at niluluto na exhibit para po sa ating mga katutubong mga artists
08:17diyan po sa House of Representatives and will be sponsored actually by the House Speaker, Martin Romaldes.
08:25So bukod po dito sa National Indigenous Peoples Month, inyo rin pong ipinagdiriwang ang 27th Indigenous Peoples Rights Act
08:34o itong IPRA commemoration. Maari niyo po bang ipaliwanag ang layunin at ang mga detalye po sa selebrasyong ito?
08:43Maraming salamat po Ma'am Nina sa inyo pong katanungan.
08:47Nagpapasalamat kami na nagkaroon po ng isang pagkakataon na maibahagi po natin sa publiko,
08:53lalo na po ngayon kung gaano ba kahalaga ang Batas IPRA sa buhay ng katutubong pamayanan
08:59o katutubong Pilipino dito sa ating bansa.
09:02Kung titignan po natin, ang IPRA ay bunga ng sama-sama na pagihirap, sakripisyo, luha at pawis
09:13ng aming mga dakilang ninuno noong kanilang panahon na talagang kasama yung simbahan,
09:19kasama yung NGOs, mga CSOs at marami pang IP rights advocates na nagsama-sama upang itaguyod
09:28at upang isulong ang isang batas na hindi lamang noong panahon nila na mapangalagaan
09:33at kilalanin yung mga katutubong karapatan kundi mas lalong-lalo na sa panahon ngayon
09:39at sa bagong henerasyon na ngayon ay natatamasa po namin.
09:43At nabipenepisuhan namin yung batas na ang sabi nga ni dating President Fidel V. Ramos
09:52yung ito'y inilakda bilang isang batas na ang batas IPRA ay may lawak, lalim at saklaw
09:59na isang batas na tutugon lalong-lalo na magiging binhi ng kalakasan at pangkalipunang
10:08pagkapantay-pantay ng mga katutubong Pilipino dito sa ating bansa.
10:13So ginagunta po natin yung mga nagsulong nito, nagpapasalamat po kami na ngayon ay itinatamasa na natin
10:21at napakinabangan na po namin ang batas na ito.
10:26At lalong-lalo na po, again, it's taasan pa rin ang kamalayan, kamulatan at kaalaman
10:32ng ating batas IPRA kung ano yung mga apat na bikis ng karapatan natin diyan.
10:37Karapatan sa lupang ni Nuno, karapatan sa sariling pakikipagpasya,
10:42ang pagbibigyan ng kapangyarihan, yung sinasabing natin katarungang pantaot,
10:46lalong-lalo na po yung sinasabing natin integridad sa kalinangan na ngayon,
10:51ay ito na po ang ginagawa natin na pinapakita po natin kung gaano kahalaga ang kultura
10:56ng mga katutubong Pilipino dahil yun po ang bedrock of Philippine culture.
11:01Wala pong mga katutubo, wala po tayong maipagmamalaki sa ibang bansa po
11:06na may ganito tayong kaganda, mayabong, napaka makulay na kultura po ng ating mga katutubong.
11:15So ma'am, ano po yung mga programa ng NCIP na angkop sa karapatan ng indigenous people
11:20ang naisin niyong bigyang priority sa mga susunod na taon?
11:24Gaya po nang sinabi ko kanina, Asec, na marami po talaga kaming programa,
11:29especially yung master plan natin for the coming years.
11:32Dito rin po naka-angkla actually, ang budget po ng ating Pambansang Komisyon ng Katutubong Pilipino.
11:39Una diyan, pinapalakas po natin yung pagkilala ng mga karapatan natin
11:44ng mga katutubo sa kanilang lupang ninuno.
11:47Ngayon po, ay ina-amendahan din po natin yung sinasabing nating FDIC guidelines,
11:53yung sinasabing natin na nauna, malaya at nauunawa ang pagsangayon
11:58o kapahimpulutan ng mga katutubong pamayanan tuwing may pumapasok na proyekto
12:03sa ating mga lupang ninuno.
12:05At pangalawad din po dyan, pinapalakas din po natin yung karapatan nila sa sariling pamamahala.
12:11Marami dyan, yung IPS confirmation natin kung saan ay malalaman na talaga natin
12:17kung sino yung mga totoong leaders sa iba't-ibang mga communities.
12:21And lastly po, pinapalakas din po natin yung sinasabing nating,
12:26ina-align natin ang programa ng NCIP sa 8-point economic agenda
12:31ng ating Pangulong President Ferdinand Bongo Marcos Jr.,
12:36yung sinasabing natin na compliance natin sa sustainable development goals or SDGs.
12:43And lastly, para sa bagong Pilipinas, yung pagtugon sa efekto ng pagbabago ng klima,
12:50yung sinasabi rin nating pagbabawas ng kahirapan at lalong-lalo na po yung sinasabi nating seguridad sa pagkain.
12:58So meron po tayong hapagkatutubo kung saan ay umikot na tayo sa buong Pilipinas
13:03para ipakita po na ang sistema, yung katutubong kaalaman ng ating mga katutubo
13:09ay maaari natin gamitin sa ating agrikultura para po ay matulungan natin
13:14hindi lamang po ang ating mga katutubo na sa kanilang sari aspeto ng ekonomiya,
13:19kundi rin po ang buong bansa na makikinabang po sa pagkain na ihahanda at ilalagay po
13:25ng ating mga katutubo sa kanila-kanilang mga kabahayan po.
13:32Sa ngayon, ilan po yung mga indigenous communities or IP groups sa Pilipinas?
13:37Okay, during the, I just want to share manila, during the last pandemic, 2020,
13:43meron po ginawang census ang ating PSA kasama po diyan ng ating World Bank
13:49and the number that was identified during that time was 9 million lang po.
13:56Pero kung titignan niyo po yung datos ng National Commission on Indigenous Peoples,
14:02makikita po natin ngayon na nasa 15 to 20 percent na po ang ating mga katutubong Pilipino dito po sa ating bansa.
14:11So kung meron tayong 100 plus na mga Pilipino, meron po tayong mga 10 to 15 or 15 to 20 already.
14:21Millions.
14:22Millions, indigenous peoples all over the country.
14:25And if you, could you name some of the, yung mga indigenous peoples or communities po natin
14:33para po sa ating mga tagapanood at ngayon, makikinig?
14:38Thank you again, Ma'am Nina, for asking.
14:40Meron po tayong identified na 110 IP groups or communities in the Philippines.
14:47Pag binanggit ko po, kaya ko naman banggitin, pero ilisipid ko pa at makamaya maubos yung oras natin.
14:55But of course from the north, yung ating mga Kalkanai, mga Ibaloy, down sa ating, down south sa Mindanao,
15:03marami po ang mga Manobos, Bagobos, Atamanobo.
15:07Ito yung ginagamit ko yung mga Tiboli, Blaan, Subanen.
15:11So saan po pinakamarami?
15:13Ang pinakamarami kasi na sinasabi natin ay sang kagaling po sa Mindanao.
15:19Yung ating mga kapatid na Subanen, yung mga kapatid nating Blaan, at yung mga kapatid nating mga Manobos.
15:26Ito yung talagang maraming miyembro ng komunidad.
15:29At ngayon po ay naka, hindi naman, you're already located in different parts of Mindanao.
15:36And even in the different parts of the country, dahil yung mga katutubo naman natin,
15:41ay hindi naman po lahat ay nakatira na lamang po sa ating mga lupang ni Nuno or ancestral domains.
15:47Marami na po rin nakipag-sapalaran sa makabagong mundo, sa ating lipunan,
15:53at ito po ay mapalago rin po at mapayabong din po nila.
15:56Hindi lamang po yung kanilang kultura, kundi yung mga skills din po nila.
16:00Lalo lalo na pag nakatapos na po sila sa kanilang pag-aara.
16:04Naalala po yun.
16:06Yung na-meet po natin, when I met you, ma'am, di ba?
16:10Yung estudiante from UP.
16:12I remember mayroon din na-graduate dun, talagang pumasok siya, nakabahag.
16:18Si King po yun, kapatid nating Aita po yun, from Tarlac.
16:24I just want to stress and emphasize po na marami na pong mga katutubo ngayon,
16:30na talagang marami na pong naabot sa kanilang buhay,
16:33especially yung mga tumatag-inting na rin yung kanilang sasini,
16:38like sila Bayang Barrios, sila Reynan Del Anay.
16:42Pagdating naman po sa sports, andyan si Ernie Gawilan,
16:46kahit yung sa Paralympics, ay talagang nakikipagsabayan po
16:50ang ating mga katutubong Pilipino.
16:53Hindi po na ngayon na parang nandun pa rin sila,
16:57na makikita niyo po na parang hindi po nakakasabay sa makapagong mundo.
17:01Hindi na po, we are most in this situation now, na nakikipag.
17:08You know, we want to be at par with the mainstream body politic,
17:12na hindi po dahil katutubo kami, ay nadidiscriminate lang kami,
17:16o kung kailan yung gusto kami palayasin sa aming lupang ni nunoy,
17:20anytime pwede po kami palayasin.
17:22Wala na po sanang ganun.
17:24Kaya po talagang masipag po ang ating mga katutubo na,
17:27ipag malaki yung kanilang kultura, yung kanilang pagkatao sa buong mundo,
17:31na sila'y katutubo, sila'y merong kultura,
17:35ngunit sila po'y nakikisabay na rin po sa makapagong mundo.
17:39Paano po na-incorporate yung mga indigenous peoples,
17:43siguro culture and tradition sa mga paaralan?
17:47Kasi sa tingin ko, ako may mga anak na nasa elementary, for example.
17:51Sana ma-incorporate din sa kanilang edukasyon,
17:55para lalo nilang makilala kung gano'ng kayaman ang ating kultura.
17:59Maraming salamat po sa pagtanong, Ma'am Ninia.
18:03I just want to share also that, again, NCIP cannot do it alone.
18:07We actually believe that the National Commission on Indigenous Peoples needs partners
18:13in the advocacy of promoting and protecting the rights of the indigenous peoples.
18:19That's why kami po ay nakikisabay sa ating Department of Education,
18:24pero matagal na po, meron tayong Deped Order No. 62,
18:28kung saan ay pinapalakas yung indigenous education.
18:32And then ngayon po, sa ating Commission on Higher Education,
18:36ang ating malakas din po na katuwang sa pagpapangalaga ng ating mga katutubong Pilipino,
18:43ang ating commissioner diyan, si Ronald Adamat.
18:46He's also from the Teduray group in Upi, Maguindanao,
18:51pero ngayon ay commissioner siya sa CHED.
18:53It's already institutionalizing indigenous studies in the curriculum po sa higher education.
19:00So, maraming na po tayong ginagawang pagsasama-sama at kaakibat yung ating mga ahensya
19:07na tulungan na magkaroon talaga ng matibay na pagsulong ng indigenous studies
19:13pagdating po sa ating curriculum para, again, mas taasan ang kamalayan,
19:18kamulatan, at kaalaman ng publiko patungkol po sa ating mga kapwa katutubo.
19:24Okay, maraming maraming salamat po sa inyong oras.
19:28Atin pong nakapanayam si Ma'am Jennifer C. Puglas.
19:31Siya pong chairperson ng National Commission on Indigenous Peoples.
19:36Thank you, Ma'am Bina.
19:37Thank you, Ma'am Issa Queng.
19:39At mabuhay po ang bagong Pilipinas.

Recommended